"Ma'am, may problema po sa isang guest. Hinahanap po nila ang may-ari ng hotel." Halatang kinakabahan ang staff habang nakatayo sa harap ng desk ko.
Huminga ako nang malalim bago sumagot. "I'm not the manager, at hindi ko sasayangin ang oras ko sa reklamo na hindi naman maayos ang proseso."
"Pero Ma'am... kayo po talaga ang hinahanap—"
Hindi na natapos ng sekretarya ang sinasabi niya nang bumukas nang malakas ang pinto ng opisina. Pumasok ang isang babae, halatang galit, habang pinipigilan pa siya ng mga guwardiya sa likod.
Awtomatikong tumayo ako.
"Napakabastos ng nasa information desk ninyo!" sigaw niya agad. "Nagpa-reserve kami ng room at pinangakuan kami ng libreng accommodation! Ano 'to?!"
Naningkit ang mata ko. "Wait. What? Libreng room? Sino ang nag-approve niyan?" Lumingon ako sa staff ko. "Tawagin niyo yung babae sa information, ngayon din."
Ilang minuto lang, dumating yung tinutukoy nila. Halos sabunutan siya ng guest pero agad ko siyang pinigil sa pamamagitan ng pagtaas ng boses ko.
"Wala kang karapatang saktan ang staff ko. Kung may reklamo ka, dadaan 'yan sa tamang proseso. Hindi sa sigawan."
"Sinungaling 'yan!" sigaw ng guest. "She promised us!"
"Okay." Humalukipkip ako, diretso ang tingin sa kanya. "Ilan kayo?"
"Sampu kami."
"Kailan kayo nag-book?"
"Nakaraang linggo pa."
Tumango ako, malamig ang tono. "Exactly. Hindi dahil sinungaling ang staff ko, kundi dahil fully booked ang hotel at may system kami. Walang libreng room na basta-basta ibinibigay."
Tumingin ako sa information staff. "At ikaw—bakit ka nagbigay ng promise na wala sa protocol?"
Yumuko siya, nanginginig. "Ma'am, she kept insisting po—"
"Hindi kita tinatanong kung ano ang excuse." putol ko, mas matalim ang tono. "Ang tinatanong ko, bakit ka nag-commit ng bagay na hindi mo kaya i-deliver?"
Tahimik ang buong kwarto.
Yung guest naman ay nagtaas ng kilay. "So ano? Wala kayong pakialam sa customer service?"
Napatingin ako sa kanya, saka bahagyang natawa. "Customer service is not equal to entitlement. Hindi dahil guest ka, may automatic kang free pass para mag-demand ng bagay na wala sa policy."
Tumayo ako ng maayos, lumapit sa kanya nang kaunti para maramdaman niya na hindi ako natitinag.
"Let me be clear. This is a growing hotel, and we don't operate on false promises or chaos. Kung gusto mong mag-file ng complaint, do it properly. Pero hindi mo sisiraan ang staff ko dahil lang hindi mo nakuha ang gusto mo."
Tinaasan niya ako ng kilay. "So sinasabi mong kasalanan ko?"
"Hindi," sagot ko agad. "Sinasabi kong lahat kayo may accountability. Ikaw sa pag-demand ng hindi in-approve. Siya sa pagbibigay ng maling assurance."
Sandaling katahimikan.
"Then what now?" she snapped.
Huminga ako nang dahan-dahan. "Now, you leave. You are not getting checked in, and you are not getting a free room. Security will assist you out."
Nanlaki ang mata niya. "You can't do that!"
"Actually, I can." malamig kong sagot. "And I just did."
Nagkagulo ulit, pero senyales lang ng kamay ko ay agad na umaksyon ang guards.
BINABASA MO ANG
Rock Bottom (The Women of Chaos #1)
ActionSarr Antha Sartorius grew up believing that love was stronger than hatred. But she was wrong. Born into a world where two powerful families were trapped in a never-ending rivalry, Sarr was forced to learn that not everyone who smiles at her is on he...
