Chapter 36

1.3K 34 0
                                        

"She's good," narinig kong sabi ng boses sa gilid. "Imposible, pero walang fractures. Superficial wounds lang. Madali na 'tong magamot."

Unti-unting lumalabo ang pandinig ko hanggang sa marinig ko ang pag-click ng pinto na sumasara.

May naramdaman akong banayad na paghaplos sa pisngi ko. Medyo magaspang ang kamay niya, kaya napadilat ako nang dahan-dahan.

Unang bumungad sa akin ang pamilyar na berdeng mata.

"...S-silvestri?" bulong ko, halos hindi makapaniwala. Akala ko delusyon lang 'to.

Pero habang unti-unting lumilinaw ang paningin ko, napagtanto kong mali ako.

Si Hanz pala.

"A-ano... I'm sorry. Akala ko—"

"Shh." Pinutol niya ako agad, mahinahon ang boses. "It's okay. You're safe."

Hinalikan niya ako sa noo, maingat, parang takot akong masaktan lalo.

"Nasaan ako?" tanong ko habang inaalala ko ang paligid.

Hindi hospital room. Beige ang walls, maayos pero hindi sterile. Parang private room sa isang bahay, may mga personal na gamit pa sa paligid.

"Sa bahay ni Detective Ingrid," sagot niya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi hospital?"

Nagbuntong-hininga siya. "Narinig namin na may mga nakatakas—sila mom. May tumulong sa kanila. Bryant was involved. At ayokong dalhin ka sa lugar na hindi secure."

"Si Christineai?" tanong ko agad.

Parang on cue, bumukas ang pinto.

Pumasok si Christineai, diretso ang lakad, halatang pagod pero alerto. Kasunod niya si Ara.

"Bakit ang tagal mong nawala?" sabi ko agad kay Ara.

Ngumisi lang siya, iwas-tingin. "Long story."

Napatingin ako sa suot niya—ibang-iba sa usual niyang style. Bago pa ako makapagtanong, dumating si Ingrid at hinawakan ang braso ni Ara.

"Don't touch me," malamig na sagot ni Ara habang iniiwas ang kamay niya.

"Then stop running from responsibility, Tremor," sagot ni Ingrid, pantay ang boses pero matalim.

Nagtinginan sila, tension na halos maputol sa hangin.

"Fine," sabi ni Ara sa huli, iritado, saka lumabas.

Napabuntong-hininga si Christineai. "Drama queen is alive and thriving."

Huminga ako nang malalim. "Wait... tama ba 'yung narinig ko? Nakatakas sila?"

Hinawakan ni Hanz ang kamay ko, mahigpit pero maingat. "Yes. And we're doubling security. But once we catch them, they're done. We already have enough to hold them."

"Paano yung mastermind?" tanong ko.

"Focus muna tayo sa immediate threats," sagot ni Hanz. "Ingrid can handle the deeper investigation."

Tumango ako kahit mabigat pa rin ang pakiramdam ko.

Biglang naalala ko si Josh.

Kinuha ko agad ang phone ko. "I need to call him."

Pagkasagot niya, agad kong narinig ang boses niya—halos sigaw.

"Sarr! Are you okay?!"

"Yeah, I'm fine," sagot ko agad. "Sorry, I wasn't able to protect the hotel—"

"Sarr." Biglang nagbago ang tono niya, seryoso na. "We need to talk. We're waiting for you here in the mansion."

Humigpit ang hawak ko sa phone. "We?"

Rock Bottom (The Women of Chaos #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon