Chapter 2

3 1 0
                                    

3rd Person's Pov:

Jaimie Flores ay isang simpleng babae, mabait, tahimik at matulungin. Palaban pero di basag ulo, ulila na sa magulang at mag isang tinataguyod ang sarili.

Di man nakatapos ng pag aaral pero handang kumayod para mabuhay. Isang gabi galing  sa kanyang part time job bilang cashier, nakatulog siya agad sanhi ng sobrang kapaguran.

Nanaginip siya ng isang kakaiba ngunit magandang panaginip. Habang naglalakad sya sa isang park hindi nya sinasadyang makakita ng bata, nakangiti ito sa kanya at parang may pinapahiwatig.

Sinundan nya ang bata hanggang nakarating sila sa dulo ng park kung saan may nakatayong binata, makisig at matangkad. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi nya nakita ang mukha.

Biglang tumabi sa binata ang batang babae at hinawakan ang kamay nito tska sila naglakad palayo.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Dream CatcherWhere stories live. Discover now