Chapter 5

3 1 0
                                    

3rd Person's Pov:

Dumaan ang ilang araw at nagdesisyon na sya, kailangan nyang malaman kung totoo yung napapanaginipan nya. Kaya sa araw ng kanyang day off pumunta sya sa park na yun.

Alas dos ng hapon ng makarating sya sa park, mabilis ang tibok ng puso nya, hindi nya maintindihan kung takot o galak ang kanyang nararamdaman.

Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan at tuluyang pumasok sa loob, nilibot nya ang paningin nya, nagbabakasakaling makita nya ang batang babae. Makalipas ang isang oras na paglilibot ay napagod sya kaya umupo sya sa isang bakanteng upuan.

"Mukha akong tanga, bat ko pinaniwalaan yung panaginip ko, mukhang wala lang naman yun" bulong nya sa kanyang sarili. Sa kanyang muni muni hindi nya namalayan na may umupo sa tabi nya.

Isang batang babae, nabigla sya kaya bigla syang tumayo at nanlalaki ang mga mata. At mas lalo syang kinabahan nung nagsalita ang batang babae.
"Samahan mo ako ate, hanapin natin ang kuya ko" sabi at ngiti ng batang babae.

Tumango sya at sinamahan ang batang babae para hanapin ang kuya nya, winaksi nya sa kanyang isipan ang napanaginipan. Hanggang sa napadpad sila sa dulo ng park at nabigla sya ng tawagin ng batang babae yung binatang nakatalikod sa kanila.

"Kuya!" Sigaw ng batang babae at sa di malamang dahilan bumilis ng husto ang tibok ng kanyang puso ng makitang lumingon at tumingin sa kanya ang binata sa kanyang panaginip.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dream CatcherWhere stories live. Discover now