3rd Person's Pov:
Nagising si Jaimie dahil sa panaginip nya, hindi nya alam kung bakit ganun ang lumabas sa kanyang panaginip.
Ang bilis ng tibok ng puso nya wari'y hinahabol sya.Pagtingin nya sa kanyang orasan 6:00am ng uamaga. At dahil sa panaginip na yon di na sya nakatulog. Hanggang sa trabaho nya lutang sya, hindi nya maiwasang kabahan dahil dun.
Pagtapos nyang magtrabaho umuwi sya agad, nagkulong sa kwarto nya habang iniisip parin ang nangyari.
"Imposibleng mangyari yun" sabi nya sa kanyang sarili.Ng makumbinsi nya ang kanyang sarili na wala lang yun ay kinalimutan na nya ang nangyari na yun at kumain.
Pasado alas onse na ng gabi hindi parin sya makatulog kaya napagpasyahan nyang uminom ng gatas.Unting unti ng pumipikit ang mga mata nya hanggang dalawin na sya ng antok. Nanaginip nanaman sya at tulad ng una ganun din ang nangyari sinundan nya ang batang babae sa dulo ng park at nakita nanaman nya ang nakatalikod na binata.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••