Okay. Start~!

203 9 1
                                    

"Okay na. Bitaw na!"

Inalis na niya yung kamay niya sa balikat ko.

"Sunget! Kaya lalo kang pumapangit eh!"

Nirolyo ko yung hawak kong newspaper na supposed to be eh gagamitin ko sa activity namin mamaya.

"Aray! Huy tama na!"

Sinasangga naman niya ng braso niya bawat hampas ko.

*Classroom door opens*

Kung kanina, super hampas ako sa kanya, ngayon naman, nakayakap ako sa bewang niya habang nakaakbay siya sakin at pareho kaming nakangiti habang nakatingin sa pinto na parang walang nangyari.

Yung mga blockmates namin, nagsidatingan na. 

"Ay ang sweet talaga nila no :D"

"Onga. Nakakainggit. Sobrang gwapo ni Nate at super ganda ni Mikaela. Bagay na bagay."

"Hi, good morning." Binati ko sila tapos binitiwan ko na si Nate. Pero bago ko siya binitiwan, pasimple ko munang kinurot yung bewang niya. Kitang kita ko na medyo napangiwi siya kahit na may nakaplaster na ngiti sa mukha niya. 

Nginitian ko naman siya ng sobrang sweeeeeet. ^___________^

Tatalikod na sana ako pero hinatak niya yung kamay ko sabay yakap sakin.

"Ang ganda talaga ng girlfriend ko. Lika nga dito. Payakap nga ulit."

"Hoy ano ba. Bitaw nga," bulong ko sakanya.

"Okay."

Binitiwan niya ko pero pasimple niyang inapakan yung paa ko saka tumalikod at naglakad na papunta sa upuan namin.

Aray. Langya naman oh. Nginitian ko uli yung mga blockmates namin (buti walang nakahalata) saka ko sinundan si Nate at naupo sa tabi niya.

Ako si Mikaela. Taking up BS Tourism. Eto namang katabi ko, si Nate. 

Actually, ngayong second sem lang ako napunta dito sa school nila. Yung Mom and Dad ko kasi, busy sa work. Andun na sa States. Sinasama nila ako pero ayoko. Gusto ko kasi tapusin ko muna yung studies ko para pagdating ko dun, deretso trabaho na. Eh ayaw naman nila kong iwan mag-isa sa dati naming bahay kahit pa sinabi ko na na kaya ko naman. Protective kasi parents ko eh. Pano, unica hija ako :D Kaya nagmove ako sa kung saan nakatira yung lolo ko. Para may nagbabantay daw sakin. 

Madaming nagsasabi na maganda daw ako. Ako nga daw pinakamaganda dito sa university namin sabi ng mga kaklase ko. 

Sa totoo lang, hindi ako ganito kaganda dati. Nerdy type ako. Matalino, pero napapabayaan ang sarili. Kaya iniwan ako nung boyfriend ko dati eh. 

Bwisit na yun. Kaya pala di niya ko mapakilala sa parents at friends niya. Nalaman ko na lang, kaya niya ko niligawan eh dahil gusto niya ng tagagawa ng assignments at projects. Ako naman si tanga, sinusunod siya noon.

Kaya ginawa ko lahat para gumanda. And tadaaaa! Meet Ms. Mikaela the Perfect. Dejoke. Hahaha. 

Ilang araw pa lang ako dito sa university noon, ang dami ng nagsasabi na gustong manligaw. Pero lahat tinatanggihan ko. Alam ko naman na gagawin lang akong trophy ng mga yun eh. Pandisplay. Nakakapagod na nga ding tumanggi ng tumanggi minsan eh. 

Hanggang isang araw, lumapit sakin si Nate. Nanalo siyang Mr. Z University last year. Gwapo si Nate. Gwapong gwapo. Lagi nga siyang pinapartner sakin eh. Siya yung male counterpart ko.

"Medyo nakakainis na no?"

"Ang alin?"

"Yung ang dami daming gustong maging girlfriend/boyfriend natin."

Let's Pretend (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon