Chapter 7

9 1 0
                                    



Lance' POV

Nagising ako ng 4am hindi ako makatulog nag aalala ako kay Shanine. Napagdesisyonan kong bumangon para pumunta sa kwarto ni Shanine gusto ko syang kumustahin.

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto nya nakita ko syang wala pa ring malay. Bigla nalang may kumurot ng madiin sa puso ko ng nakita ko si Shanine. Lumuhod ako sa sahig para makapantay ko sya.

"Shanine gising na.."

"Prinsesa ko bangon ka na.." wala sa sariling sabi ko.

"Shanine please gumising ka na." Tumulo na ang luha ko. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Shanine sorry kung kinamuhian kita hindi ko alam na nasasaktan ka pala ng time na yun." Umiiyak na sabi ko.

"Please, please, Shanine gising ka na prinsesa ko.." sambit ko at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nya.

"Hihintayin kita hanggang sa magising ka Shanine." Binitawan ko ang kamay nya at hinalikan ang noo nito matapos non ay bumalik na uli ako sa kwarto ko para mahiga maaga pa kasi naisipan kong itext si Ate Lianna.

To: Ate Lianna

Ate hindi ako nakauwi dyan kahapon binantayan ko kasi si Shanine eh may sakit sya.

Nahiga nalang ako pagkatapos kong isend iyon maya maya lang tumunog ang cellphone ko. Si Ate nagtext.

From: Ate Lianna

How is she? Is she ok? Take care of her. Mamaya dadalaw ako dyan. Pasabi kay Tita Mommy ha?

Sabi naman nya.

Alam nyo ba kung bakit Tita mommy ang tawag namin sa Mama ni Shanine? Hindi noh? Haha author lang nakakaalam.. joke patalastas lang po masyado kayong seryoso eh haha daming echos noh? Eto na sasabihin ko na!

Ang Mommy at Daddy namin ay best friends simula elem. pa sila kaya ganon nalang ang pakikitungo nila samin parang tinuring na nila kami family ganon din kami sa kanila pamilya na rin turing namin sa kanya.

Nahiga na ako ng biglang may kumatok. Si Shan pala.

"Oh bro ang aga mo ata?" Sambit ko.

"Oo e tara sa pool tayo tumambay." Anyaya nya sakin at tumango naman ako at sumunod sa kanya.

Pagdating namin sa pool area nagtampisaw sya sa pool ang lungkot ng mukha nya ngayon May problema kaya? Nagtampisaw din ako at tumabi sa kanya.

"Bro may problema ba?" Tanong ko.

"Alam mo ba nung last week na nakatulog sya ikaw ang nakapagpagising sobrang tuwa ko nun kasi kahit anong panunuyo namin sa kanya hindi parin sya nagising pero sayo ambilis nya magising." Nakangiti nyang sabi. Pinagpatuloy pa nya..

"Dati pumunta syang states dahil sa sakit nya isang taon kasi syang nakatulog at nagising sya ng isang bata ikaw yun." Alam pala nya ang tungkol dun? "Ng magising sya sobra ka nyang hinangaan pero ikaw naman ayaw mo sa kanya dahil lagi syang tulog." Napatawa sya sa sarili nyang sinabi.

"Kaya sobra syang nalungkot dahil tinataboy mo sya.. kaya nung panahong yun napagdesisyunan nila Mama na itira si Shanine kasama ni Papa sa states at don sya nag umpisa hindi na sya inaatake ng sakit nya don pero ako nagtampo ako sa kanya dahil nang iwan sya. Ng umayos na ng tuluyan ang lagay nya pinabalik na sya dito sa Pinas para makapag umpisa uli pero ngayon... mukhang inaatake na naman sya." Naiyak na sya ng tuluyan.

"Shh tama na gagaling din sya." Sambit ko.

"Mahal mo ba ang kapatid ko?" Tanong nya na ikinagulat ko.

I Will Love You Forever  (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon