Chapter 2

15 1 0
                                    





Shanine's POV

Pagkapasok ko pinagtinginan ako pero hindi ko nalang pinansin at naupo sa likod. Maya maya rinig ko na ang sigawan ng mga classmates ko.

"Wahhh!! Lance my love."

"Akin si Justine wahhh ampugiii!!"

"Wahhh sana katabi ko sya!!"

"Hindi ako ang katabi nya!"

Napatingin ako sa pinto yung lalaking nakabangga sakin At yung lalaking tumulong sakin magpulot ng gamit ko!!! Papalapit sila sakin Wahhh ang gwapo nung boy na tumulong sakin eyyy!!!!

"Miss may nakaupo ba dyan sa dalawang upuang katabi ng upuan mo?" Tanong nung tumulong sakin.

"Ahh. Wala."

"Paupo kami ha?" Tumango nalang ako.

"Bro wag na dito ampangit naman ng katabi natin eh."

"Ano ba Lance May nakikita ka pa bang bakanting upuan?"

"Meron yan Oh." Tinuro nya ang upuan na nasa tabi nung boy na tumulong sakin.

"No. Dyan ka na kuya ako ang uupo dyan eh." Ohh andito na pala si Camille.

"Hi bessy!!" Nginitian ko nalang sya. Umupona sya dun sa upuan yung Lance naman wala ng nagawa kaya nanahimik nalang. Nanlait pa kanina eh.

"Miss pagpasensyahan mo na yung kaibigan ko ha ang totoo nyan nagagandahan talaga sya sayo sa loob loob." Nakangiti nyang sabi nginitian ko na lang din. "By the way I'm Justine and he is Lance." Hinain nya ang kamay nya sakin.

"I'm Shanine and she is Camille." At nakipagshake hands ako.

Lance POV

Hello!! Ako si Lance Laurence De Villa. Nakaupo ako ngayon sa upuan ko katabi ko yung panget na babaeng hindi nag iingat kanina sa daan actually maganda sya pero panget parin sya.

"By the way I'm Justine and he is Lance." Nakipagkilala pa ang mokong tss.

"I'm Shanine and she is Camille." Ahh Shanine pala ha ang cheap.

Naupo na sila ng ayos kasi dumating na ang teacher namin amboring kinwento na naman nya buhay nya dapat hindi nya samin kinukwento dapat sa MMK na sya dumeretso.

Tumingin ako sa mga classmates ko yung iba tulog na yung iba naman nagmamake up na.

Tumingin ako kay Justine nakatingin lang sya dun sa Camille panigurado na May gusto ang mokong na to din sa Camille.

Tumingin naman ako dun sa Shanine nakatutok lang sya sa kwento ni Ma'am. Tss teachers pet ata to eh.

Anong ginagawa ko? Nagdadrawing mahilig kasi ako magdrawing eh. Hays natapos din ang mala drama na kwento ni Ma'am umalis na kami ng class room at nagpuntang tambayan ko lang ayoko munang pumuntang tambayan naming barkada wala ako sa mood. Nakita ko yung Panget na classmate ko. Lumapit ako sa kanya.

"Hoy anong ginagawa mo dito Ali's dyan bawal dito ang panget." Tumayo sya.

"May pangalan mo ba ito?" Sagot nya at umastang may hinahanap.

"Tss alis!" Sa sobrang sura natulak ko sya. Nakita kong malakas ang pagkakabagsak nya at yung mata nya nag uumpisa ng lumuha.

"Pasensya na ha hindi ko kasi alam na sayo pala tong tinatambayan ko ngayon eh. Sa susunod wag mo na akong ipagtabuyan aalis ako ng maayos." Tumulo na yung luha nya at umalis. Naaawa ako sa kanya dapat hindi ko yun ginawa Tss karma na nya yan. Umalis na sya At ako nahiga nalang sa damuhan walang tao dito hindi pa kasi ito ginagamit ng iba kaya dito ako natambay.

Shanine's POV

ANG sakit ng pagkakabagsak ko bakit kaylangan pa nya akong ganunin pede naman nya akong pakiusapang umalis andito ako ngayon sa field umiiyak ang sakit ng pagkakabagsak ko eh.

"Shan-shan..." tinignan ko kung sino si....

"Ate Tep.." niyakap ko sya.

"Ayos ka lang?" Tanong nya.

"Hindi ako ayos Ate eh." Sabi ko habang umiiyak. "Bakit kelangan nya kong itulak at ipagtabuyan kung pede naman nya ako akong pakiusapan ng maayos *sniff*."

"Shhhh.... tahan na." Malambing nyang sabi.

Umiyak na ako ng umiyak At inaya ako ni ate na kumain wala kasi kami parehong klase ngayon kaya kumain muna ako pagkatapos kong kumain bumalik na kami sa school pugto parin ang mata ko kaiiyak.

"Ate Thanks ha." Nakangiti kong sabi.

"Wala yun basta pag kelangan mo ko tawag ka lang ha?" I nodded pagkatapos pumunta na akong next class ko. Madami na kong classmates na nasa room nakita ko na rin si Camille nakikipagkulitan kay Justine ouchh hehe joke crush ko lang naman si Justine eh kaya ayos lang kung gusto ni Camille si Justine. Naupo na ko kasamaang palad katabi ko yung nagpapugto ng mata Tss.

"Bessy umiyak ka ba?" Umiling ako.

"Eh bakit pugto mata mo?" Tanong naman ni Justine.

"Inaantok lang ako." Tumigil na sila sa katatanong bagay talaga sila Camille at Justine. Tumingin ako dun kay Lance nagdadrawing sya. Maya maya lang....

"Sorry...." sabi ni Lance. Hindi ko sya pinansin wala ako sa mood ang sakit nung pagkakabagsak ko eh pumasok na yung teacher namin.

Discuss
Discuss
Discuss

I Will Love You Forever  (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon