Chapter 3

18 3 0
                                    


Matapos ang ilang araw mas lalong lumala ang hindi naming paguusap ni Maria pero nakakasama ko pa din naman sila Natalie and the rest. Good thing okay pa naman ang pakikisama at friendship namin.

One time during our thesis subject na namin dapat kaso wala pa ang aming teacher so nagkaron ako ng guts para kausapin si Maria tungkol dun.

"uy Maria tagal na natin di nagkakausap ah?"

"onga eh.. okay lang yun."

"galit ka saken?"

Umiling-iling lang si Maria bilang pagsagot ng hindi

"weh?"

"hindi nga" napataas na ang boses nya na para bang naiirita na

"haha okay.. toh naman ang init agad ng ulo."


Hindi ko talaga alam kung bat nagkaganto kami at dala na rin siguro noong naglaro kami ng truth pero walang dare dahil nagkaalaman kami tungkol sa mga tinatagong hinanakit. At ngayong nalaman na namin, siguro narealize na namin at medyo nagkakaiwasan na.

Nung dumating at nadagdag si Holland sa squad, parang hindi nako napapansin nila pero noon okay pa naman kami. I don't know i just feel na op ako lagi sa kanila dahil puro anime, kpop, jpop, and any other stuffs na d ko like ang pinaguusapan nila. So I just chose to be quiet and nakikitawa nalang if may jokes or pag nagtatawanan sila para naman hindi ako mukang kj. Dito nako nagsimula magkaron ng inis sa kanila pero ayoko naman sabihin sa kanila yun dahil baka lang magalit sila saken at may sabihing negative so I just kept it to myself. But hindi ko naman intensyon o gusto ang maging attention seeker sa kanila.

"I can't take it anymore this is too much!" sabi ko sa isip habang papasok sa kwarto ko. habang nagaayos ako ng gamit ko di ko napansin na may tumutulong luha na galing sa aking mata sa kakaoverthink sa mga nangyayare. I can't help but to cry at ilabas lahat.

"THIS IS ALL YOUR FAULT MS. ABALOS!" sabi ko yan sa isip ko ko habang umiiyak dahil siya naman talaga ang rason at dun nagsimula ang lahat. Si Ms. Abalos nga pala ang aming adviser at sya ang rason ko dahil simula nung iniba niya ang seating arrangement nagkaganto na kami ni Maria.

Squad GoalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon