[Part 1] KABANATA 4

53.7K 1K 50
                                    

Katakot-takot na hiyawan at ungulan ng mga babae—at lalake, ang naririnig ko sa aking pinanonood sa laptop.

Buwisit.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Dati-rati naman masaya na ako na buong maghapon lang akong nakakulong sa kuwarto, nanonood ng porn o Hentai na may halong paminsan-minsang pagsasarili! Dati-rati, nae-excite na ako na panoorin at silipin ang mga katropa ko—at ang kani-kanila nilang mga syota, sa pagtitirahan sa kani-kanilang mga kuwarto? Pero bakit ngayon, parang ayoko na? Bakit nawalan na ako ng gana? Kanina ko pa nga nilalaro 'tong katoto ko pero wala namang nangyayari. Hindi naman ako ganito, kahit no'ng mga panahong kami pa ni Nicole.

Simula nang may mangyari sa amin ni Rhea, tila nag-iba na ako. Parang nag-iba na ang gusto ko. Parang hindi ko na kaya—o ayaw ko na talaga, ang pagsasasarili.

Miss na miss ko na si Rhea. Isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Hindi ko malaman kung busy lamang ba siya, o nagtatago na. Huli ko siyang nakita ay no'ng isang araw pa, matapos ko siyang dinala sa crossing. Pero naging madali lamang 'yon, dahil nagmamadali siyang umalis. Iniiwasan kaya niya ako? Nakakarma na ba ako dahil sa napakatagal na panahong pag-iwas ko sa kanya? Huwag naman sana. Huwag naman sana ngayong gustong-gusto ko na siya.

"Rhea, sandali!" Pagtawag ko sa kanya, nang sa wakas ay naabutan ko siyang papalabas ng library.

Nakapagtatakang kumaway lamang siya at ngumiti, pero bigla naman siyang tumalilis.

"Rhea, sandali!"

Bumilis ang paglalakad niya. Mukhang iniiwasan talaga niya ako.

"Rhea!" Naabutan ko rin siya sa wakas, at hinatak ang kaniyang kaliwang braso, "May problema ba tayo?"

"Oo, Tristan." Bakas sa kanyang pagmumukha ang pag-aalala. "Ayaw ni Nicole na magkita tayo. Hindi ka niya ginagambala dahil sa paglayo ko sa 'yo."

"Pero, Rhea..."

Tiningnan niya ako at hinintay ang kabuuan ng sasabihin ko.

"Miss na miss na kita," dugtong ko.

Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mula sa pag-aalala ay tila bigla naman siyang simigla.

* * *

"Ano ba talaga ang nangyari sa 'yo no'ng nagpunta tayo sa crossing?" tanong ko, habang magkasabay kaming nagsa-shower sa motel na pinuntahan namin.

"Narinig ko siya," aniya, habang pinagmamasdan ko ang nakaka-turn on na halinhinang paghaplos niya sa kanyang mga dibdib at kaselanan, na tila sumasabay naman sa ritmo ng paglapat, pagtilamsik at pag-agos ng maaligamgam na tubig sa kanyang magandang katawan. "Naramdaman ko ang pagsakal niya sa aking leeg kaya't hindi ako halos makahinga. Ang sabi niya, ako raw ang may kagagawan kung bakit hindi mo siya sinipot. Nang dahil doon, kinamumuhian niya ako. Isasama raw niya ako at ang Lola ko sa kanyang paghihiganti kung hindi kita iiwasan at lalayuan. Ok lang sana kung ako lang, pero ayokong madamay ang Lola."

Napabuntong-hininga ako.

"I'm sorry Rhea, sobrang nami-miss na kasi kita. Parang masisisira na ang ulo ko sa kakaisip sa iyo."

"Nami-miss na rin naman kita kaya nga sumusugal na ako. Mahal na mahal talaga kita, Tristan."

"Mahal din kita, Rhea."

Ang Babae sa Crossing [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon