[Part 1] KABANATA 6

50.2K 1.1K 107
                                    

Hah! Mukhang big time na nga talaga si Rhea ah. After 4 years na iniwasan ko siyang hanapin sa internet—dahil wala rin naman akong napapala, heto na siya ngayon. Daig pa niya ngayon ang isang average celebrity sa dami na mga litrato at impormasyon na available on line tungkol sa kanya.

Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko. Matagal kasi akong umasang makakita man lamang ng kahit isa sa kanyang mga litrato, at nang heto na nga at nag-uumapaw naman sa dami'y nabubuwisit naman ako.

Ang ganda niya. Maganda na siya noong huli kaming nagkita, pero parang triple yata ang ganda niya ngayon. Marahil ay dahil may make-up na siya, at nagsusuot na ng mga damit na magagara. Karamihan sa kanyang mga litrato'y may kasama siyang malalaking mga taong kilala sa larangan ng pagnenegosyo, kung meron man siyang mga kuhang solo'y talaga namang magarbo.

* * *

"Sir, ano po ang gagawin natin dito?" Pang-aabala ng isa sa mga field managers ko. Ipinakikita niya sa akin ang 'sang damakmak na kableng nasa malaking kahon.

"Those were defective cables na tinanggal sa mga hubs ng ilan sa ating mga kliyente, dalhin mo 'yan sa purchasing department para maisoli sa supplier."

"Opo."

Hindi ako kasing bigatin ni Rhea, but I personally own an I.T. Security Company na nangsu-supply at nagse-service ng mga computers at security systems sa iba't-ibang kumpanya. I am proud to say na I single-handedly built this business from scratch, gamit ang maliit na kapital na pinag-ipunan ko mula sa sarili kong suweldo, noong mga panahong empleyado pa lamang ako.

Mataas ang demand sa negosyo ko, bagama't kulang pa ang kapital ko para mas palakihin pa, ay nauunti-unti ko namang naiaangat ito sa sariling kaparaanan ko.

* * *

"Kung additional na capital ang kailangan mo, bakit ba ayaw mong tanggapin ang tulong namin ng Papa mo? Nag-iisa ka lamang naman naming anak, kaya lahat ng amin, sa 'yo na rin. Magkano ba ang kailangan mo? Dalawang Milyon? Tatlo? Lima?"

Argh! Typical ito sa aking Mama. Ang isubo sa 'kin ang lahat para hindi na ako maghirap pa. Ang problema, hindi naman ako spoiled brat. Gusto kong lumago sa sarili kong sikap. Ayoko kasing maririnig sa mga tao na umangat lamang ako dahil mayaman ang mga magulang ko. Sila ang mayaman, hindi ako. Kung yayaman man ako, ang gusto ko'y dahil sa sariling sikap ko.

"No thanks, Ma. Nakausap ko na ang loan officer sa bangko ko. Pahihiramin daw nila ako ng halagang kailangan ko."

"At magkano naman ang interes?" tanong ni Papa.

"Mababa lang dahil maganda naman ang credit history ko," sagot ko.

"Bakit ba magbabayad ka pa ng interes kung pwede ka namang bumawas sa iyong Trust Fund?" si Mama ulit.

Argh! Ang kulit. Sinabi ko nang gusto kong pagsumikapan ito nang mag-isa. Mahirap bang intindihin 'yon?

"Ma, how can I strongly build my credit standing kung hindi ako magbi-build ng credit history sa mga Financial Istitutions?"

Hindi na naman niya ako kinulit pa.

"Ikaw Tristan ha," pag-iiba ni Mama sa usapan, "Nababalitaan ko sa mga empleyado mo na halos do'n ka na natutulog sa opisina mo, ano ka ba? Nagpapakamatay ka na ba sa katatrabaho? Eh ni hindi mo na nga kailangang magtrabaho, nagpapakapagod ka pa riyan."

Ang Babae sa Crossing [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon