CHAPTER 2 -Paint War Party

52 1 0
                                    

Nandito na kami sa PWP (Paint War Party) at sobrang dami ng tao halos di mahulugan ng karayum, tiningnan ko ulit ang mga kaibigan ko at mas nakita ko ang mga ngiti sa labi nila at pagiging excited nila pati si Nicole nag smile na din kasi sabi namin sa kanya na wag ng maging malungkot dahil lang sa walang hiyang BF niya dapat eenjoy na lang niya ang pag stay niya dito sa Bora.

"Pasyal muna tayo mga Girls para naman ma relax na itong utak ko" -Nicole

"Mabuti pa Girls" -Ako

Habang naglalakad kami may mga gwapo kaming nakita na nag iinuman dun sa beach kaya mas naging excited kami lahat na mag party lalong lalo na si Jessy na adik sa mga gwapong lalaki.

Pero bago kami makiparty mag iinuman muna kami para daw medjo mawala ang hiya namin mamaya. Hahahaha!

*FAST FORWARD*

Dahil medjo natamaan na kami sa ininum namin nag simula na kaming sumayaw at naki party.

At habang sumasayaw kami may biglang lumapit na 3 Lalaki na sobrang gwapo at nilapitan si Nicole, Donna at Sofia.

Hindi naman nakakapagtataka na sila ang unang lapitan kasi magaganda rin kasi sila at ang sesexy pa.

Nainggit si Jessy sa kanila kaya nag paalam muna siya sakin.

"Girl alis muna ako ha? Para kasing mahihirapan ako dito makahanap kasi may mga umaagaw sa mga boys ko! Dun ako maghahanap sa kabila! Hahaha" -Jessy

"Sige, basta balik ka agad ha? Wag ka lalayo, Good luck sa pag hahanap mo! Bye"

"Di ka ba sasama sa akin? Mag hahanap tayo ng mga pogi" -Jessy

"Maya nalang siguro" -Ako

Dahil nakita ko ang mga kaibigan ko na masaya sa mga ka partner nila kaya umalis na muna ako at pumunta dun sa beach para magpahangin.

Habang naka upo ako dun may biglang lumapit sa akin na isang gwapong lalaki na matangkad at maputi at umupo siya sa tabi ko, di ko alam gagawin ko, di ko pinahalata sa kanya na kinilig ako. Hahaha!

Bigla niya akong kinausap at nagtanong ng kung ano-ano.

"Bakit nandito ka?" Sabi niya.

"Ahhhh! Ehhhh! Ahhmm! Nagpahangin lang at may mga ka partner kasi mga kaibigan ko."

"Ahh! Kaya pala, same here"

"Ako? Ahmm! Ako si Niko pero Nikki tawag ng frienda sakin." (kinililig)

"Ahh! Ako nga pala si Kevin"

Pagkatapos magpakilala ni Kevin ay bigla naman siya tinawag ng kaibigan niya! Kainis talaga panira sa kilig moment ko! Hahaha!

"Aalis nauna ako Nik ha? Salamat" -Kevin

Shit! Na tamaan na naman ako ng LAFS (Love At First Sight)

Ang gwapo niya talaga sobra sana makita ko siya ulit. Ang saya ko talaga kahit saglit lang kami nag usap pero para sakin parang isang Oras na yun kasi parang biglang tumigil ang mundo ko nung nakausap ko siya! Hahaha

Tumayo ako at hinanap ko siya kasi na tamaan talaga ang puso ko sa kanya pero after 1 hour na pag hahanap di ko na talaga siya nakota kaya binalikan ko nalang ang mga kaibigan ko.

Pag kakita ko sa mga kaibigan ko sobrang lasing na lasing na talaga sila kaya umuwi na kami kasi baka ano pa ang mangyari sa mga kaibigan ko.

Pero habang nakasakay na kami pauwi di talaga mawala sa isip ko si Kevin. Naiinis na nga ako baka di ako maka tulog nito sa kakaisip sa kanyang gwapong mukha.

*FAST FORWARD*

Expect The Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon