How to Start and Write a Good Wattpad Story (Tagalog Version)

7K 147 61
                                    

How to Start and Write a Good Wattpad Story

***

Siguro, ngayon, nabagok ‘yung ulo mo kaya bigla mo nalang naisipang magsulat ng story sa Wattpad? Siguro, may naisip kang bagong title, di kaya plot o di kaya nakakita ka ng movie or teleserye o nakarinig ng isang kanta na nakakarelate ka o di kaya umuusbong ang imahinasyon mo kaya gusto mong magsulat ng story. Kahit hindi man sa nabanggit ang nakapag-unlak sa’yo, siguro makakatulong ‘to para maiwasan mo ang mga palaging pagkakamali ng mga baguhang writers pag nagsusulat sila ng story.

***

Lesson # 1

Story Title

Paano ba gumawa ng isang magandang story title?

Nagsisimula ‘yan kapag nababagok ang ulo mo talaga. Joke lang. Huwag tularan. Actually, bigla mo nalang naiisip ‘yun. ‘Yun bang, attracted ka talaga sa mga salitang ‘yon na gusto mo talaga siyang gawing story. Tulad ng...

Diary ... magsusulat ka, ibabase mo agad sa Diary kasi madali makapagsulat pag nauumpisahan sa,
Dear Diary ...

Tapos dinagdagan ng Panget ...

Ay interesting ‘to kasi ... Diary + Panget = Diary ng Panget ... Boom! Ayan... Title na ‘to.

Actually, ‘eto ang pwede mong pagbasihan paggagawa ka ng Story Title ...

# 1 – Song Title ... Pwede kang gumawa ng estorya galing sa mga estorya ng kanta... Katulad nalang ng...

Pusong Bato ... Ang estorya ng isang lalakeng martyr na pinaasa nang isang malanding prosti...

Let it Go ... Ang estorya ng isang babae na kanina pa tumatambay sa C.R. ng pambabae...

Nasayo na ang Lahat ... Eng esterye ng eseng erteste ne feeleng nye senger ne sye se genegewe nye...

# 2 – Ibase mo sa mga kaganapan o sa experience mo... Mas madali ‘yun. Katulad nalang ng...

Ang Malandi kong Girlfriend ... kasi nga, ang landi-landi talaga. Dito ko nalang siya sisiraan sa story ko...

Falling for a Cassava guy ... Mahilig kasi ako sa cassava cake...ay? Cassanova pala? -_-

11:11 Make a Wish ... Sana, makapagsulat na ako ng story sa wattpad. Boom! Story Title!

# 3 – Pwede rin gumawa ka ng Fanfiction. Ayan starring Chung Ching Ann and Bu Chi Kek. O di kaya sa isang banda o artista o movie or kahit ano jan. ‘Yan, madali kang makakaisip ng title.

Twilight tears ... kasi nanood talaga ako ng Twilight tas palagi lang ako naiiyak kaya...Twilight tears...

My Lola is a Gumiho ... kasi may apo na sila Shin Min Ah tsaka si Lee Sung Ki .. ayun...

JB is Heart ... ewan ko ba -_- bakit may ganyan -_-

#4 – Siguro may panaginip ka. Mga fantasy characters. Ganito ganyan. Dali, isulat mo baka mawala nalang bigla.

Magic Doors ... kasi nasa bahay ka pagkalabas mon g bahay nasa America tapos nahulog ka, napunta kana sa Mars, di mo alam, pinaglalaruan ka lang pala ng Monsters Inc.

The Chronicles of Inday ... kasi si Inday nagbebenta ng balot tsaka chicharon sa panaginip mo...kala mo ang english ng chicharon, chronicles.

The End of the Rainbow ... kasi hanggang ngayon..naniniwala ka parin na may mga ginto sa dulo ng rainbow ... at napuntahan mo yun sa panaginip mo tsaka meron nga...pero mga chocolate coins lang pala...okay lang masarap naman yun ee

#5 Siguro, Pag wala ka na talagang maisip, magtanong tanong ka na...Ang bobo mo naman.

Last but not the least, ‘eto din lang ang mapapayo ko sa inyo...

Pag nagsusulat kayo, dapat, huwag trying hard. Hindi dapat kayo ang gumagawa ng estorya. Dapat may sariling buhay ang estorya. Hayaan niyong kayo lang ang tagasulat. Para bang magugulat ka nalang na nangyayari ang mga ganyan sa estorya mo. Parang ang mga characters ay may sariling pag-iisip. Hindi ikaw ang nag-iisip para sa kanila, sila dapat ang nag-iisip para sa’yo. Mahalin mo ang mga characters mo. Huwag ang mambabasa. Kasi pag nagcomment ng hindi maganda, panghihinaan ka na. Tatamarin ka ng tapusin ang story mo. Mahalin mo sila. Kung ano ang sinimulan mo, tapusin mo.

At eto, tip ko para marami kang mambabasa, dapat ang mga characters mo eh, nakabase sa mga pangalan ng mga reader, nakakaattract ng attention ‘yun. Basta. Galingan mon alang. ‘Yun lang XD

 ~ kuyamoveonna

(Comment niyo kung ano ang pinakanakakatawang title tsaka kung saan kayo nakakarelate. At abangan ang lesson 2 dito. Isinulat ni, KUYAMOVEONNA! BOOM PANES! WAHAHAHA)

How to Start and Write a Good Wattpad Story (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon