Lesson # 2

3K 101 33
                                    

Lesson # 2

Creating Story Plot ang Designing your Characters

So, nakagawa ka na talaga ng Story title? Aminin, ganyan kayo gumawa o nagkakaroon ng idea. Pero, eto na. The moment we’ve all been waiting for. Ang lesson # 2.

Gagawa na muna tayo ng story plot.

So, bigyan mo ko ng story title...dali!

Siguro, ‘eto na...

Ex: “87000, Malandi Delivery”

Ayan, catching-catchy masyado ang title. So, pano tayo makakabuo ng story plot?

Maaari, ang estorya ay tungkol sa isang babaeng employee sa Jollibee na tinagurian siyang, ang dakilang Malandi. O, di kaya, isang magbabarkadang may kaibigan silang, No Girlfriend since birth kaya ... ILABAS ANG MALANDIII!! Parang ganyang mga estorya...pero, ang korny ano?

Basta, huwag na muna natin problemahin ang plot. Hindi naman tayo agad makakaformulate ng plot kung wala tayong characters. Sa characters nagsisimula ang lahat.

8700, Malandi Delivery... emmm...

Eto, isang madaling pagkakaroon ng pangalan sa character ay kung inspired ka sa isang taong gawan siya ng estorya. Katulad nalang ng mga artista, kung sino man diyan, parang iniimagine mo na sila ang aarte sa story mo, so pag-nakaisip kana siguro ng cast, magmove on kana sa fictional name ng character mo...

Eto, gamitin mo ang pangalan ng friend mo, o kakilala mo, o mag-brainstorming ka or magresearch ng magandang pangalan. Pramis, mas mahirap pang mag-isip ng pangalan ng isang character kaysa sa pagtapos sa isang libro. Aminin!

Tapos kapagka andiyan na ang pangalan, bigyan mo ng buhay, ivisualize mo ang personality niya, from the way he/she looks, talks, level of mentality and how the way he/she acts on the story. And by then, mayroon ka ng main character.

Take note, huwag ipareho ang personality ng bawat character. Makakalito sa mambabasa ‘yun. Dapat they vary on how they talk and what they like. Ganun talaga ‘yun.

Tsaka, eto pa. If you are writing in a first person perspective, isang napakagandang technique is bigyan mo ng sari-saring POV ang mga characters. Pero, huwag ‘yung makalat. ‘Yun ‘yong ginamit ko sa pagsulat ko sa story ko. Sa “The Prince at ang Pobre”. Maraming characters, maraming POV, maraming buhay ang bida. Pero nakarevolve parin sa estorya ng mga bida. Para mas ma-teleserye ang pagkakagawa ng story mo.

Siguro, ayun na muna ang masasabi ko. Nahihilo ako ngayon eh, hahaha. ‘Yun na yata. Anyways, may Lesson 3 pa siguro. Magtanong kayo kung ano ang nalilitohan niyong issue.

Siguro, Lesson # 3 is, How to end a story :) hehe. Aw, hindi pa. How to formulate some plot twist J BOOM! Heheh! Ayan!

Comment kayo ng mga issue niyong gusto niyong pag-usapan about sa writing J Hehe...Thank you for reading J

~kuyamoveonna

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to Start and Write a Good Wattpad Story (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon