Chapter I

47 1 0
                                    

Kaibigan. Isang salitang ginagamit upang ipahiwatig na kakilala mo si Babae/Lalake. Paano kung gawin nating Ka - ibigan? Kaya mo pa kayang sabihin sa kanya to?

Ako si Aldrian mula pagkabata may sarili ng mundo, gusto ko ako lang mag isa, ayoko ng nakikihalubilo sa iba. Maraming natatakot sa akin kaya naman walang naglalakas loob na lapitan ako. Pakiramdam ko kasi lagi nalang nila akong aapihin kaya naman mas pinili ko nalang mapag isa.

Pag tungtong ko ng Kolehiyo lalo pang naging Pribado ang buhay ko. Akala ko nung una kaya ko itaguyod mag isa akala ko kaya ko na naging mataas ang tingin ko sa sarili ko pero hindi ko rin pala kaya.

Hanggang sa Dumating ang araw na may naglakas loob na lumapit sa akin..

Sa loob ng campus...

Aldrian: (Nakaupo sa  upuan habang nagiisip kung ano pa ang dapat niyang gawin)

 ???: Pwede bang maki upo dito?

Aldrian: Wala naman nagsabing bawal diba?

???: (Sungit naman neto) Umupo sa upuan.

Habang nakaupo sila Nanlalagkit si Adrian sa tingin netong Babaeng ito. Kaya naman pinili nalang niya na umalis. Ngunit patuloy parin siyang sinusundan ng babaeng ito.. Sa Hallway, Sa Cafeteria at kung saan saan pa.  Mejo naiirita na si aldrian sa mga oras na iyon kaya naman gumawa siya ng paraan.

Pagkatapos ng Klase ni Aldrian ay madali siyang naglakad papunta sa Hallway na sabay din sa paglabas ng babaeng ito. Tulad ng inaasahan ni Aldrian ay sumunod nga sa kanya ang babaeng ito. Sumingit sya ng sumingit sa nagkukumpulang estudyante hanggang sa hindi na siya masundan..

???: Nasaan na yun? Bigla nalang nawala? (Tumalikod)

???: Andyan ka pala?!

Aldrian: Bakit mo ko sinusundan?!! (Pasigaw na Tanong ni Aldrian)

Dahil sa lakas ng sigaw niya naagaw nya ang atensyon ng mga Estudyante. Nahiya siya at Dali - Dali siyang umalis.

???: Teka! SANDALI LANG!!

Sinubukan pa niyang habulin si Aldrian ngunit di niya ito inabutan..

Kinabukasan habang papasok si Aldrian sa kanyang klase..

???: Hoy! Lalake!

Aldrian: Ikaw nanaman? at may pangalan ako wag mo kong matawag-tawag na HOY!

???: Paanong hindi kita tatawaging Hoy eh hindi ko nga alam ang pangalan mo?! hindi mo nga ako kinakausap! Iwas ka pa ng iwas sa akin..

Aldrian: (Natahimik) Pasensya ka na hindi kasi ako sanay ng may kumakausap sakin.

???: Ayos lang yun, Patawarin mo ko kung napahiya kita kahapon.. Ako nga pala si Dana.

Aldrian: (Pinagmamasdan si Dana) Bakit mo nga pala ako sinusundan?

Dana: Ah! Eh! ano kasi, gusto lang kasi kita tulungan.. Oo! yun nga gusto kitang Tulungan..

Aldrian: Tulungan? Saan?

Dana: Alam mo halata kasi sayo na problemado ka. Isa pa masyado kang tahimik kaya naman naisipan kong lapitan ka. Hindi kita nakikitang may kasamang mga kaibigan lagi kang nag iisa kaya naman lalo akong naging concern sayo.

Aldrian: Salamat, pero hindi kasi ako sanay ng humihingi ng tulong sa iba. Isa pa hindi kita masyadong kilala hindi ako basta basta nagtitiwala kahit kanino..

Dana: Alam mo? Ansungit mo! Ikaw na nga tong tinutulungan ayaw mo pa! Jan kana nga!

At naghiwalay na nga ang dalawa... Ngunit hindi pa dito natatapos ang lahat..

Ka IbiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon