Lumipas ang Dalawang araw na hindi nagkikita si Aldrian at Dana.
Habang naglalakad si Dana pauwi ay nakita niya si Aldrian sa Tabing Ilog na nagiisa. Hindi lumalapit si Dana pinagmamasdan niya lang ito sa malayo. Nag aalanganin siyang lapitan si Aldrian dahil sa pinakita nitong ugali ng mga nakaraang araw ngunit dahil sa concern siya ay naglakas loob siyang lapitan ito.
Habang palapit ng palapit si Dana ay pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Ng siya'y nasa likuran na ni Aldrian nagulat siya ng bigla itong magsalita.
Aldrian: Kamusta ka? Mukhang nagsawa kana sa kasusunod sa akin ah?
Dana: Paano mo nalamang nandito ako?
Aldrian: Kanina mo pa ko pinagmamasdan kanina ka pa nakatingin sa akin.
Dana: Ang Weird neto.. Paano mo nga nalaman.
Aldrian: Nakita na kasi kita nasa malayo ka palang. At kung paano ko nalaman na ikaw yung lumapit, simple lang naman. Ikaw lang kasi yung kaunaunahan at nagiisang babaeng lumapit sa akin wala ng iba..
Dana: (Natahimik at Napangiti na lamang).
Aldrian: Oh bakit ka naparito? May kailangan ka ba?
Dana: Wala naman gusto lang kitang kamustahin masama ba? Tyaka mukhang may problema ka gusto ko lang makatulong, baka sakaling makatulong ako..
Aldrian: Ayos lang naman ako. Gaya ng sinabi ko sayo hindi ako nagtitiwala kahit kanino.
Dana: Alam mo ang TAAS mo! uso bumaba?? Kaibigan mo naman ako, Mapagkakatiwalaan mo naman ako.
Aldrian: Kaibigan? Hindi pa ko nagkakaroon nun.
Dana: Luh?! Tao ka ba?
Aldrian: Oo tao ako... (-_-")
Dana: Lalo tuloy akong naging Interesado sayo. Ang weird mo na ang taas mo pa. so ano? Friends na tayo ah?
Aldrian: Pag iisipan ko pa..
Dana: Wag mo ng pag isipan pa, HIndi na pinag iisipan yan... (-_-")
Aldrian: (Tila nag aalinlangan habang nakatingin kay Dana)
Dana: Ano? Talagang iniisip mo pa. Ganito nalang kung hindi mo ko magiging kaibigan tatalon ako dito sa ilog, kung papayag ka naman maging kaibigan ko hindi ako tatalon..
Aldrian: Tatalon lang pala eh. Di Tumalon ka. (Patawa niyang sinabi)
Dana: Ah ganun! sige tatalon talaga ako.
At tumalon nga si Dana sa Ilog, ngunit hinabol siya ni Aldrian hinawakan niya ito sa braso sabay sabi ng...
Aldrian: Nasisiraan ka na ba? Bakit ka tatalon.
Dana: May pagkabingi karin pala? diba nga sabi ko kung hindi kita magiging kaibigan tatalon ako.
Aldrian: Talaga naman.. (-_-") Oo.. Pumapayag nakong maging kaibigan ka wag ka lang tumalon..
Dana: Tignan mo to papayag ka rin pala..
Aldrian: Ngunit! sa isang kundisyon...
Dana: Hmmmm. Sige ano yun?
Aldrian: Wag kang masyadong makulit naiirita ako eh..
Dana: Yun lang pala eh!! Deal!
Mula sa araw na yun ay naging magkaibigan na silang dalawa. Laging Magkasama, Nagkukwentuhan at Nagsasabay sa pagpasok at paguwi. Noong una hindi sanay si Aldrian dahil nakasanayan na nya na laging nag iisa ngunit sa paglipas ng mga araw ay nasanay narin siyang kasama si Dana.