Chapter II

33 1 0
                                    

Magkatabi si Dana at Aldrian sa Upuan habang Magkatabi naman si Sheena at Michaela magka-layo sila ng Pwesto.. Nakatulog na si Dana sa tabi ni Aldrian nakasandal ito sa kanya. Habang Pinagmamasdan ni Aldrian si Dana ay napangiti ito. Habang natutulog ay may tumulong luha sa mga mata ni Dana pinunasan naman ito ni Aldrian binabagabag at nag aalala tuloy siya kung bakit..

Makalipas ang ilang oras ay narating na nila ang kanilang destinasyon at tumuloy na sila sa bahay pahingahan ni Sheena. Nagkainan, Namasyal, at Kung Ano ano pa. Sa paglipas ng araw na yun mas madalas magkasama si Michaela at Aldrian. mas pinili na lamang lumayo ni Dana dahil ayaw niyang makaabala pa..

Kinagabihan....

Nag Iisa si Dana Tulala't napakalayo ng Tingin.. Napakalalim ng Iniisip.. Nilapitan siya ni Aldrian at sinubukan itong kausapin.

Aldrian: Dana?

Dana: (Lumingon at Tumutulo ang Luha)

Aldrian: Oh?! Bakit ka Umiiyak? Sino agpaiyak sayo?

Dana: (Hindi nagsasalita at umiiling na lamang)

Aldrian: Anong wala Pwede bang Umiyak ka ng walang Dahilan?

Dana: Walang Imik at Tahimik na umiiyak)

Aldrian: Dana? Tumingin ka nga sakin.. May Problema ba tayo?

Dana: (Lumingon at Tinitigan si Aldrian)

Dana: Nahihirapan ako.. Nahihirapan na ako sa mga pinaggagagawa mo!

Patuloy sa pag iyak si Dana..

Aldrian: (Tinabihan si Dana at Inakbayan.)

Aldrian: Tahan na.. Ano bang nagawa ko sa Bestfriend ko?

Dana: Hindi ko Maintindihan pero nag seselos ata ako..

Aldrian: Nagseselos ka? Kanino? Kay Michaela? Magkaibigan lamang kami hindi na hihigit pa.

Dana: Oo.. Paanong di ako magseselos alam ko naman gustong gusto ka niya.. bakit ikaw ba pag may kasama akong ibang lalake tapos may gusto sakin hindi ka ba magseselos?

Aldrian: Hmmm. Syempre magseselos, may tumingin nga lang sayong iba gusto ko ng sapakin eh..

Dana: (Mejo Natawa Habang Umiiyak)

Aldrian: Sorry na kung ako ang dahilan sa pagpatak ng mga luha mo ah.. Tahan na.. :)

Aldrian: (Pinunasan ang Luha ni Dana) Tama na ah.. Tahan na.. Sorry na..

Dana: (Niyakap si Aldrian)

Sa gabing iyon nagbago ang pagtingin ni Aldrian kay Dana.. Mas Lalo siyang napamahal kay Dana dahil sa ipinakita nito sa kanyang pagmamahal.

Kinabukasan...

Michaela: Good Morning Aldrian:

Aldrian: Magandang umaga din..

Binati lamang niya si Michaela tapos nun wala na.

Mas Pinili niyang samahan si Dana.. Maaga silang lumabas at namasyal kung saan saan..

Tinanaw ang naggagandahang Chocolate Hills, Pinagmasdan ang mga Tarsier, at kung anu ano pa. masaya ang araw na ito para sa dalawa parang wala ng bukas, lagi silang nakangiti at nakatawa ang gaan ng kanilang mga pakiramdam parang ayaw na nilang matapos pa ang araw na yun.

Ka IbiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon