I.

39 3 1
                                    

" Denny! Umaga na " sabay bato ni Kenny ng unan sa mukha ng dalaga
" Ano ba! Natutulog pa yung tao! " Kinuha nito ang unan na ibinato sa kanya saka inihagis pabalik sa kanyang kapatid.
" Ano ba Denny-linn Montemayor!Nakasched tayo for environmental documentation ngayon! Mamaya andyan na sila Trixie! Kung alam ko lang humawak ng kamera ng maayos di na kita kakailanganin eh!" reklamo ni Kenny sa tamad na tamad nitong kapatid.
" Eh kaso nga di ka marunong! Tss. Tatayo na! Wag ka ng maingay!! " Papungas pungas pa ng mata si Denny ng tumayo ito sa higaan at saka dumeretso sa banyo para mag maligo at mag-ayos.

(After 1 hour)
Inilabas na ni Denny ang kanyang kamera para linisan at ihanda
" Kenny! Sa susunod matuto ka na humawak nito ng hindi mo ko naiistorbo okay?! " Patuloy ang dalaga sa pagpunas ng lense ng Kamera ng biglang bumusina ng pagkalakas lakas ang sasakyan na gamit ni Trixie sa labas ng bahay ng magkapatid..
" F*** you Trixie! " Sigaw ni Kenny mula sa loob ng bahay.
" aww sorry bessy kala ko kasi tulog pa kayo hahahah " bumaba na ito at sinalubong ang kaibigan
" Hey morning baby! " Bati ni Trixie kay Denny
" Asan na strawberry yogurt ko? " Bungad naman ni Denny sa dalaga
" Sorry baby nalimutan ko. " Sabay sad face ni Trixie
" Ah okay nevermind "pambabalewala ni Denny
" Joke lang! Nasa van baby smile na please " sabay hawak sa mukha ng dalaga
" Really? Yeheyy! " Agad na binitbit ni Denny ang Kamera nito at tripod
" Wait wait wait asan ang ... " Hindi pa natatapos ni Trixie ang kanyang sinasabi bigla kumabig ng halik sa pisngi si Denny dito kaya napangiti na lang ang dalaga.

" Jeezz guys! Sa ibang lugar kayo maglampungan wag dito tss " reklamo ni Kenny sa dalawa
" Tss inggit ka lang eeh " sabay lapit sa kaibigan nito, napaatras naman si Kenny sa paglapit ni Trixie na parang may gagawing kalokohan sa kanya
" Ken gusto mo ba gawin natin yung ginagawa namin ni Denny? Sabihin mo lang " nakangising sinabi nito sabay himas sa balikat ni Kenny
" Ano ba! Trixie naman napaka halay mo talaga!! Yyyuuuckk " sabay tulak kay Trixie at takbo papalayo sa dalaga
" Hahahaha parang tutang natakot oh ! Wag ka mag-alala stick to one lang ako! " Sabay upo sa sofa
" Asan na sila Troy? Kumpleto na ba yung mga gamit? " Tanong ni Kenny
" Yes boss! Mamaya anjan na din yung mga yon " sagot naman ni Trixie

Maya maya pa, dumating na din ang kanilang hinihintay.
" Hey girls! Ano ready na ba kayo? Sa project natin? " Bungad ni Troy sa mga dalaga
" Speaking of the devil! Troy is here " sambit ni Trixie
" Didn't you miss me girls? " Sabay hawi ng buhok ng binata
" Hell no! " Sagot pa ni Kenny
" Baby! Ubos na yung yogurt ko! " Reklamo ni Denny sabay pasok sa pinto at hawi kay Troy sa daraanan nito
" Ohh! Hey Den " binalewala lang ni Troy ang ginawang paghawi sa kanya ng dalaga.
Hindi pinansin ni Denny si Troy derederetso lang itong umupo sa tabi ni Trixie
" Ubos mo agad yung dalawa? Mamaya bibili pa tayo okay? Daan tayo sa ministop dyan sa kanto " nakangiting sabi ni Trixie kay Denny
" Aah hi Den? " Ulit na pagbati ni Troy sa nagugustuhang dalaga pero hindi pa rin sya pinansin nito kaya akma na sana niya itong lalapitan ng biglang titigan ito ng masama si Trixie
" Troy not my girl okay?! or else makikita mo yung hinahanap mo " warning ni Trixie sa binata kaya agad itong napaatras
" Oh bakit? Wala naman akong gagawing masama sa girlfriend mo babatiin ko lang " palusot nito
" Troy I know you.. please not now, not here, not today. " Inis na sinabi ni Trixie.
Napansin na ni Kenny ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa kay nag-aya na itong umalis
" Tara na! Den sige na.. lumabas na kayo ni Trix kakausapin ko lang saglit tong si Troy " utos ni Kenny kaya lumabas na ang dalawa.
" Troy.. "mahinang tawag ni Kenny sa binata
" Pal, sorry i don't have any intention to ruin the day. I just can't resist my feelings to her " paliwanag ni Troy
" Pal, Denny is a bisexual and she has a girlfriend which is Trixie and Trixie is our friend! Please kalimutan mo na yung feelings mo sa kapatid ko "paliwanag naman ni Kenny
" I'm so sorry pal but I can't maghihintay pa din ako "malungkot na tugon ni Troy dito
" Pinahihirapan mo lang sarili mo Pal " sabi naman ng dalaga.

Agad naputol ang usapan ng dalawa ng pumasok si Denny
" Aalis pa ba tayo Ken? Anjan na sila Louise, Kent, Chloe at Jasmin pinapatanong if magtatagal pa tayo dito " sabi ni Denny
" No, aalis na tayo. Pal tara na " sabay hatak kay Troy palabas.

********

Devils MountainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon