Pinilit imulat ni Denny ang kanyang mga mata. Nakaramdam din ito ng pagkahilo at panghihina.
" A.asan ako? " Mahinang tanong nito sa sarili
Nagising ito na nakatali na sya sa isang upuan.
" A.asan ako?!!!!! " Pinilit nito pumiglas pero mahigpit ang pagkakatali ni Denny"HELP ! PLEASE HELP ME!! KENNY!! TRIXIE!!! PLEASE HELP MEE " sigaw nito
Pero katahimikan lang sumagot sa dalaga.
"Please help me..." mahinang sabi ni Denny na tila paluha na.
Ilang saglit pa , natigilan ito ng pumasok ang isang babaeng may hawak na matalim na bagay na nagtungo papunta sa harap niya.
Hindi mawari ni Denny ang mukha ng babae na natatakpan ng maskara gamit ang balat ng tao.Halos hindi makapaniwala ang dalaga sa nakikita.
Lumapit ito sa harap nya at saka inilapit ang mukha sa mukha nya. Halatang pinagmamasdan sya nito.
" Pakawalan mo na ko please.. " sabi ni Denny.Hindi pa din nagsasalita ang babae, hinawakan lang nito ang sugat sa noo ni Denny saka pumunit sa damit ng dalaga at pinantakip sa sugat nito.
" Please pakawalan mo na ko hinahanap na nila ko sigurado ngayon, parang awa mo na pakawalan mo na ko baka nag-aalala na sila sakin ngayon " pagmamakaawa ni Denny.
Aalis na sana ang babae ng lingunin pa sya nito ng marinig na may kasama pa ang dalaga.
Saglit itong tumitig kay Denny saka umalis. Napansin naman ni Denny na naiwan ng babae ang dala nitong matalim na bagay kaya nag pilit itong lumapit para makuha at makalagan ang kanyang kamay.( Pinilit buhatin ang sarili at tumalikod para abutin ng kamay na nakatali pa din ) matagal nya din itong ginawa hanggang sa makuha nya na ito ng tuluyan. Kinalagan nya na ang sarili saka tumakbo palabas.
( Nag-aagaw pa ang dilim at liwanag ng lumabas ito )
Natagpuan nya ang sarili sa isang bahay na mukhang dekada na din nakatayo sa gitna ng gubat na tila nalipasan na ng panahon sa sobrang luma at medyo sira pero madaming kagamitan ang makikita dito. Gamit ng mga taong parang naligaw at napapad sa gubat.
Nahinto saglit ang dalaga ng may marinig itong mahinang boses na nanghihingi ng tulong sa kanya.
"T..tulong "
Hinanap ito ni Denny at nakita nya ito sa sulok."T..tulong " mahinang sabi ng lalaking puno ng dugo ang katawan na halos tila di na makatayo at mukhang hinang hina.
Nagdalawang isip pa ang dalaga hanggang sa tuluyan nya na itong akayin patayo.
" Dalian natin baka maabutan nya tayo " pagmamadali ni Denny
Pinilit nito akayin ang lalake. Na halos matumba pa sila dahil mas malaki ang katawan nito sa kanya.
" Salamat " sabi nito
Pinaupo saglit ni Denny ang lalaki saka bumalik sa loob para kunin ang patalim na ginamit nya para kalagan ang sarili at pag balik nito hindi na niya nakita pa ang lalaki.
"Shit! asan na sya?!! " Nilingon nito ang paligid.
Isang malakas na palo sa likod ng nagpatumba sa dalaga, nahilo uli to gawa ng tama nito sa noo.
" Ako ba ang hinahanap mo? " Sabi ng lalaki
""K.kasa.ma kk..a nya? "Garalgal na sabi ni Denny.Ngumisi lang ang lalaki sabay kaladkad hatak sa binti ng dalaga pabalik sa loob, hindi naman napasin nito na nakuha muli ni Denny ang patalim, agad ito itinago ng dalaga para hindi makita. Kumuha ng tali ang lalaki saka binuhat si Denny para itali.
"Bitawan mo ko!!b..bitawan mo ko!" Pagpupumiglas ng dalaga sabay kuha sa patalim na itinago at saksak sa likod nito kaya napabalikwas ang lalaki, nabitawan nito si Denny kaya nagkaroon ng pagkakataon itong tumakbo pero hirap pa ito sa natamo.
Kaya muli syang nahawakan ng lalaki.
" Hindi ka makakatakas " bulong nito sa tenga ni Denny habang yakap at binuhat ito pabalik.Kinalmot ni Denny ang mukha nito kaya naitulak sya nito sa pinakasulok ng bahay at muling nilapitan saka sinabunutan
" Masyado kang malikot! " Galit na inihampas nito ang ulo ng dalaga sa kahoy na dingding ng bahay kaya muli nanariwa ang sugat nito sa noo
" Fuck you! " Sigaw ni Denny
Hanggang sa tuluyan na ito manghina.(Tu..tulong..) mahinang sabi nito na halos papikit na. Nahagip ng paningin ni Denny ang babae na una nyang nakita.
Malakas nitong itinulak ang lalaki
At sa kauna unahang pagkakataon nagsalita ito.
" BAKIT MO SYA SINAKTAN!!!!!! " Galit nito. Hindi nakaimik ang lalaki.Lumapit ang babae kay Denny at binuhat ito halos hindi na din makagalaw ang dalaga na syang nawalan na din ng malay.
*******
" DENNY-LINN MONTEMAYOR! " malakas na pagtawag ni Kenny sa nawawalang kapatid
" DENNY " sigaw naman ni Trixie na may hawak pangflash light.
" DENNY hindi na ko natutuwa.. lumabas ka na wag ka na magtago " saglit na tumigil si Kenny at umiyak
" Ken.. makikita natin sya, please wag ka na umiyak baka naligaw lang yon "pagkakalma ni Trixie ditoIlang saglit pa.
Isang naligaw na palaso ang dumaplis sa mukha ni Trixie.
" Shit! " Napahawak ito sa pisngi na medyo nasugatan.Luminga linga ito sa paligid, hinanap kung saan nagmula ang bagay.
" Ken! " Sabay hatak nito kay Kenny
" Bakit? "Gulat ng dalaga
" May ibang tao dito! " Sabay takbo hatak hatak si Kenny" TRIX ANO BA! BAT BA TAYO TUMATAKBO " takang tanong nito
Nabitawan ni Trixie ang kaibigan ng matalisod ito sa bato
" Tayo?! " Inalalayan pa nito si Kenny tumayo ng biglang matamaan na ito ng palaso sa balikat.
" Shit!!! " Pinilit pa ni Trixie bunutin ang bumaon na bagay sa balikat nya ngunit hindi nya ito nagawa.Gulat na gulat si Kenny sa nangyayari
" K.ken takbo na! " Sigaw ng dalaga
" No! Hindi kita iiwan " sa pagkakataong ito si Kenny naman ang humatak sa kaibigan patungo sa di malamang direksyon.Hindi pa din makita ng dalawa kung kanino at saan galing ang mga palasong humahabol sakanila na tila sinasadya ng kung sino.
Kung saan saan na sila nagawi hanggang sa tuluyan ng mapagod ang mga ito at huminto
" Dumudugo pa din.. " alala ni Kenny
" Bunutin mo .. " sabi naman ni Trixie
" B..bes hindi ko kaya..masasaktan ka.." nanginginig at maluha luha nitong sinabi.Huminga ng malalim ang dalaga saka lakas loob na hinila para matanggal sa pagkakabaon ang palaso sa balikat nito. Lalong nagdugo ang sugat nito pagkatanggal niya kaya agad tinakpan ito ni Kenny ng kanyang mga kamay. Pumunit naman si Trixie sa damit nito at saka ipinantakip sa sugat niya.
"Ken..okay na " hinihingal nitong sinabi.
" Ano ng gagawin natin bes.. baka ano na din ang nangyari kay Den " humihikbing sinabi ni Kenny
" Sshhh makikita natin si Denny , tiwala lang. K..ken i think we should go in separate way "
" No ! " Angal ni Kenny
" Wait! Listen! ( Hinarap ang kaibigan ) kailangan natin maghiwalay at kung hindi dalawa nya tayong makukuha " paliwanag ni Trixie
"P.pero " humihikbing sinabi ni Kenny.
" Sshhh mabuti pa ako nalang ang aagaw ng atensyon nya. You stay here at pag medyo nakalayo na ko tumakbo ka na din " sabi pa ni Trixie
Aalis na sana ito ng bigla syang pinigilan ng dalaga.
" Ken.. kailangan natin gawin to. Hanapin mo si Denny para sakin please " sabi ni Trixie
Tumango nalang si Kenny saka tuluyan ng binitawan ang braso ng kaibigan.(Tumakbo na papalayo si Trixie).
******

BINABASA MO ANG
Devils Mountain
Mystery / ThrillerHave you ever heard about the story of the lost girl in Devils Mountain? How she slaughtered all the mountaineers and killed it one by one brutally by her owned bare hands? Well if not then you must read the story. Attention! ( All characters and t...