V.

46 1 3
                                    

" Denny! " Tawag ni Troy
"Denny! " Sigaw naman sa kabilang panig ni Chloe
" Denny!! " Tawag ulit ng binata.
Napatigil ang dalawa ng makarinig ang mga ito ng kaluskos sa di kalayunan.
" Ano yon? " Taka ni Chloe
Nagkibit balikat lang si Troy.
" Pupuntahan ko " sabay tungo sa pinagmulan ng tunog.

Biglang lumabas sa mataas na damuhan ang isang malaking baboy ramo na ikinagulat ng binata na dahilan para mapasigaw ito, sabay takbo sa direksyon ni Chloe.

Nagulat din si Chloe kaya napatakbo ito ng wala sa oras. Hindi namalayan ng dalaga na hindi na nito kasunod pa si Troy kaya napahinto ito sa pagtakbo.

"T..Troy? " Mahinang tawag nito.
Nagulat si Chloe ng bigla syang batuhin ng kung anong bagay.
" What the fuck?! Ano ba! Hindi ka nakakatuwa Troy!!!! " Galit nito sabay hanap sa bagay na ibinato sa kanya.

Nabigla ang dalaga sa nakita. Nagulat ito sa ulo ng baboy ramo na syang itinapon sa kanya. Napasigaw ito at napaatras sa takot. Nakarinig ulit ito ng kaluskos kaya nataranta at napatakbo si Chloe ng biglang makasagi ito ng lubid na dahilan para ikabagsak ng isang malaking trap na puno ng matatalim na kahoy ( ginagamit para sa paghuli ng mga baboy ramo) iilagan sana ito ng dalaga ngunit huli na bumaon ang matatalim na kahoy sa likuran nya.

" Fu....ckk.. "pagmumura nito sa sakit, tumambad sa harap ng dalaga ang replikasyon ng isang tao na syang nagbaon pa ulit ng mga kahoy sa likod nito .

( Bitbit ang isang palakol tuluyan ng binawian ng buhay nito si Chloe na pinugitan na niya ng ulo ).

"Chloe! Denny ?!! Nasan na kayo?!" Patuloy sa paghahanap si Troy.

Napahinto ang binata ng makarinig ito ng sitsit sa paligid.
"Chloe? Is tha you? " Taka nito

Pinakiramdaman ni Troy ang paligid.
(At biglang , may bumato sa binata ng isang malaking palakol na galing kung saan at bumaon ito sa puno at balikat ni Troy)

"AHHHHHHH!! SHIT! SHHHIITT " Sigaw nito sa sakit, pinilit ito tanggalin ng binata pero masyado itong nabaaon.
" Masakit ba? " Tanong nito.
" Si.. sino ka?? "Garalgal na tanong ni Troy. Lumabas mula sa di kalayuan ang babae na nakasuot ng isang maskara. Unti unti itong lumapit sa binata.

Naglabas ito ng isang maliit na patalim saka inilapit sa mukha ni Troy.
"AAAHHHH!!! " Sigaw ng binata sa sakit na pagsugat ng babae sa mukha nito.
Hindi pa nakuntento ang babae sinaksak pa nito ang tagiliran ng binata saka inalis ang palakol na nakabaon sa balikat nito. Bumagsak sa lupa ang katawan ni Troy at saka ito kinaladkad kung saan ng babae.

*****

Isang malakas na kalabog ang nagpagising sa diwa ni Denny. Na matagal din nawalan ng malay.

Unang bumungad sa paningin nito ang katawan ni Chloe na walang ulo at puro sugat sa katawan.

"C..HHLLOEEEE!!!!!! Chloe.. Noooo!!!" Nangilid ang luha ni Denny sa nakita

Hindi pa nagtatapos jan ipinasok na din sa loob ang katawan ni Troy na hinang hina na halos di na din makagalaw.
"T.Troy?!.. " tawag nito

Nilingon lang ito ng binata pero hindi ito nakaimik. Binuhat sya ng lalaki at isinabit sa isang malaking gantso( bakal na hugis J na matalim ang dulo, pinagsasabitan ng karne ng baboy) Napasigaw sa sakit ang binata .

Lalong naiyak si Denny sa mga nakikita nito na walang magawa dahil nakatali pa rin ito sa upuan.

Umalis saglit ang lalaki, at pagbalik nito may dala na itong asin.

" San mo ilalagay yan?!!!!!! " Galit na tanong ng dalaga.

Ngumisi lang ang lalaki saka dumakot ng asin at inilagay sa sugat ng binata. Kumuha pa ito ng patalim at humiwa sa parteng hita nito saka kinain.
"Masarap! " Sabi ng lalaki habang nginunguya ang laman ng binata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devils MountainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon