Sa panahon ngayon bihira na ang mga mababait na kapatid o bata.
Mahirap pakisamahan.
Palaging nangangatwiran.
Mahirap sawayin.
Nakakahigh-blood.
At higit sa lahat MAHIRAP maging ATE tulad ko.
Ako si Arianne Clarete, ako ay isang ate ng napakulit na bata, masagot, at parang mas matanda pa umasta sa akin.
BAKASYON NGAYON, SYEMPRE NANDITO KO PALAGI SA BAHAY.
Pagising ko sa umaga, syempre hindi mawawala yung panonood ko ng cartoons wala ee fave ko yun lalong lalo na yung one piece, detective conan, at fairytale.
Pagkatapos kong panoorin lahat yun, gawaing bahay naman syempre hugas dito punas doon yun lang naman hindi naman masyadong mahirap gawain ko. haha . chos
Kada may free time kami lagi kaming nagta-tablet, may oras kung kelan kami gagamit at kelan titigil.
Syempre minsan may hindi nakakasunod sa mga oras kung kelan gagamit at titigil. Kaya lagi kaming nag-aaway.
Ang mortal ko talagang kaaway yung kapatid kong bunso, nakakaasar, pramis sarap katayin, lagi niyang dinadahilan kapag ako na yung gagamit kanina pa ko, adik ako, actually hindi ako adik, sadyang may pinagkakaabalahan lang ako. Ayon syempre bilang ATE ipapahiram ko na kasi ako na naman yung papagalitan.
Tapos ayon sumbong dito, sumbong doon, kaya lagi kaming nag-aaway, syempre ayoko sa lahat yung pinapagalitan na hindi naman ako yung may kasalanan, napakamakatwiran kala mo siya yung matanda samin, lahat ng sasabihin mo pipilosopohin niya, kaya minsan hindi na nakakatuwa, at siya pa yung palaging tama, palibhasa siya yung bunso, siya lagi yung pinagtatanggol ng tao sa bahay. Hindi naman siya spoiled ewan ko ba kung bakit naging ganun ugali nun. Nakakainis talaga. Basta nakakaasar. Tapos mas marunong pa kesa sayo, lahat ng ginagawa mo pinakekeelamanan, tapos kahit di ko naman siya minumura, magsusumbong sa nanay ko na mura daw ako ng mura. Buti na lang talaga mahaba ang pasensya ko kaya hindi na lang ako kumikibo.
ISA LANG MASASABI KO ANG HIRAP MAGING ATE LALO NA KUNG GANUN UGALI NG KAPATID.
SA ARAW-ARAW NA GINAWA NG DIYOS GANYAN PALAGI ANG NANGYAYARI SA BUHAY KO.
~~~~~~~~~~~~~~~~
hanggang dyan na lang po ...
sinulat ko lang ito kasi hindi ko na matiis yung pagkabadterf ko!
alam ko may mga ate dyan na nakakarelate sakin.
ayon sana ma-appreciate niyo kahit maikli lang. hahaha
shinare ko lang.
gladitsover
spread the love
much love