HB♥2

220 12 0
                                    

"anak! SKY!" napatakip naman ako nang unan sa tenga ko habang nakaside viewng higa sa malambot kong kamay dahil antok pa ako nang sobra.. at bakit ba ako ginigising neto ni mama eh sembreak pa naman.. 2 days pa bago ulit magpasukan. nakakaines ah?! 

"sige po tita, ako na lang po" narinig ko'ng maynagsalitang lalake.. impossible ding magkaroon nang lalake sa kwarto ko dahil medyo strict si mama. si marc nga hindi niya hinahayaang tumungtong dito eh, iba pa kaya. tagal tagal na nga namen ni marc eh.. 

speaking of marc... napatingin ako sa phone ko sa tabi ko. 

16 missed calls. 52 messages. galing lahat kay marc.. 

"oy langit!" napaupo agad ako nang marinig ko yung sigaw ni rain. buti na lang nakapajama ako at tshirt. ba't andito siya?! nakaupo naman siya doon sa upuan sa study table ko habang may pinapakielaman sa laptop ko. 

"ba't andito ka?!" sigaw ko sakaniya at kinuha yung throw pillow saka hinagis sakaniya. tinamaan naman siya sa bandang batok pero hindi niya naman ako pinansin at nagpatuloy sa pagkalkal sa laptop ko. nakakaines na lalaki ito. 

"pfft.. obsessed?" natatawa niyang sabe kaya napataas yung kilay ko kahit hindi niya naman ako kita. obsessed? sino?

 "pinagsasabe mo diyan? baliw ka ba?" sabi ko sabay abot sa suklay sa gilid nang higaan ko at inayos yung buhok ko. humarap siya sakin sabay nang pagsmirk niya at tumabi nang onti para makita ko kung ano yung kinakalkal niya sa laptop ko. nanlaki ang mata ko nung nakitang binuksan niya yung folders ko kung nasan yung mga pics ni marc.. 

tumayo agad ako at lumapit sakaniya. masyado namang pakielemero!!!! nakakaines! 

"chupi nga! nakakaines! hindi ba uso sayo privacy?!" sabi ko sabay tulak sakaniya paalis sa upuan na inuupuan niya. tumawa naman siya at umupo sa gilid sa higaan ko. how annoying. shinutdown ko na yung laptop ko at kinuha yung towel.

"hahahaha! ikaw na obsessed! nahiya ka pa sakin ipakita!" hinampas ko naman siya nang towel pero umilag siya.

"ikaw! tigiltigilan mo ako kung hindi-" nahinto ako nang tumayo siya at nagseryoso nang mukha. gosh! why is he so hot? erase! loyal ako kay marc huhu. tukso to. sinusubukan lang ako kung hanggang saan ako aabot. well.. mahal na mahal ko si marc kaya.. *gulp* palapit lang siya nang palapit.

"kung hindi ano?" ngumisi naman siya.. ba't parang hindi ata gumagana aircon ko. ang init. 

"l-lumayo ka n-nga!" sigaw ko habang palapit siya nang palapit.. medyo messy hair siya ah. ngumiti nanaman siya na parang may masamang binabalak. nakakatanga to ah.

"why? kung hindi ano, sky?" nakangisi niyang sabe hanggang sa sobrang lapit niya na sakin. ba't parang lumiit yung kwarto ko. ilang inches na lang ang agwat namen.

"kung hindi.. hahalikan mo ako? yayakapin? ano--" sabi niya na siyang kinagulat ko.. perv!! tinulak ko siya nang buong lakas kaya napaatras siya at tumawa nanaman. 

"ANG KAPAL MO!" padabog ko'ng sabi sabay martsa sa cr ko. nakakaines. paglabas ko naman eh wala na siya sa kwarto. nakalimutan ko pa namang magdala nang damit sa cr. buti na lang wala siya. nagbihis na ako at bumaba.

oh i remember.. mag-'get to know' daw kame. halos malaglag yung panga ko sa mga naririnig ko'ng paguusap ni mama at ni rain sa dinning area. 

"diba magkaklase kayo ni sky? ba't ngayon mo lang naisipang magdalaw dito?" 

How to be a Heart breaker (for beginners)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang