"Jusmiyo! Binagyo ba 'tong kwarto mo? Bakit ang kalat dito Cassandra?"
"Hoy Cassandra! Gumising ka na! tinatanghali nanaman yang gising mo.Nako babaeng 'to"
Zzzz
"Cassandra! Pag bilang ko ng tatlo at hindi ka pa nagising makakatanggap ka ng kurot diyan sa singit mo!"
Zzzz
"Aba't hindi ka pa talaga nagising! Isa! dalawa! tatl--"
"Eto na! gising na!" Istorbo naman si Mamita eh! Hello?! It's Saturday. It means it's unli tulog day!
"Anong oras na yang gising mo Cassandra? Alas onse na ng tanghali oh!"
Tinignan ko yung wall clock ko. Mamita ha! Grabe yang pag ka-advance mo. Alas nueve palang naman eh.
"Mother dear 9 palang. Excited ka masyado sa 11:11. Mamayang gabi pa yun. Kaya mag be-beauty borlogs muna ako ha? Mornight!"
"Anong borlogs-borlogs? Bumangon ka na diyan at tanggaling mo na yang mga muta mo.At Cassandra! Kwarto ba 'tong kwarto mo o bodega?"
"Syempre kwarto kakasabi mo lang eh"bulong ko
"May sinasabi ka?"
"Nako wala po.Ehehe"
"Ikaw babae ka ayusin mo na yung buhay mo.Ipapa-alala ko lang sayo na dalaga kana at hindi ka na bata. Tignan mo 'tong kwarto mo,parang dinaanan ng bagyo ang kalat! Tapos yang mga panty mo kung saan-saan nakalagay! Tsaka bakit naka balandara yang bra mo sa bintana na ha? pano nalang kung may nakakita niyan? At ito! itong mga pinag-kainan mo! kakain-kain ka tapos di mo man lang itatapon ang mga pinag kainan mo! Aba'y wag ka nalang kumain kung ganyan lang naman. Makakatipid pa ako. Bumangon ka na diyan at bumaba ka na. Mag-aalmusal na tayo. Bilisan mo ha! May sasabihin si papa mo"
"Opo ma.. "
Bongga! Ang haba ng sagot ko compared sa morning speech ni Mudra diba? Anong say nyo sa alarm ko? Ang haba diba? Para kana ring nag simba pag kagising mo. May instant sermon ka brought to you by your loving mother. At ang masaya pa niyan ay ang araw-araw na pag tatalumpati niya sa harap ko. Walang palya yan. Si mama pa eh daig pa niyan ang pari eh.
"Ayusin mo na nga yang sarili mo! Wag kang bababa hanggat may muta pang naka suksuk diyan sa mata mo.Baba na ako. Wag kang babagal-bagal Cassandra ha!"
"OPO!" At ayun natapos na din sa wakas ang mahabang talumpati ni Mother lily. Buti at di ako naka tulog dun.
Bumangon na nga ako at nag-hilamos na. Tinanggal ko na ang mga muta at panis na laway Eww Cass Eww!. At pagkatapos bumaba na ako.
Dumeretcho na ako sa dining room at naabutan ko si father bear na nag-babasa ng news. Si mother bear na nag-hahanda ng pagkain at ang kapatid kong pamemeste at pag papacute lang ang alam.
"GOOD MORNII--AHH!"
"Bakit ka ba nang babato?! Inaano ba kita Arturo ha?!" Kukurutin ko na sana 'tong tiyanak na to. Kaso pinanganak talagang mama's boy itong pasaway na to kaya bago ko pa man maituloy ang ma-itim kong balak eh pina-iral na niya ang pagiging sumbungero niya.
"MAA! SI ATE CASSANDRA OH!"
"Tumigil nga kayong dalawa diyan. Nasa harap kayo ng hapag-kainan"
"BLEEH!" Aba't pinipeste mo talaga ang simula ng araw ko ha! Makita mo pag hindi naka-tingin si mama..I will take the opportunity patay ka sakin! *insert evil smile here* Mehehehe.
"Cassandra? Okay ka lang? Bakit naka ngiting aso ka diyan?" tanong ni Father Bear
"Wala naman pa.Ano nga po pala yung sasabihin mo?" sabay subo ng tinapay
"Ay oo nga pala, Teka. Honey! umupo ka muna dito. Sasabihin ko na!"
Agad namang umupo si mama saka nag salita si papa.
"Maghanda kayo para bukas. Pupunta tayo sa mga mansion ng mga Seok. Mahalaga ang pupuntahan natin kaya hindi pwedeng hindi tayo prepared.Gusto kong handa kayo para bukas lalo ka na Cassandra"
Halos mabilaukan naman ako. Bakit naman ako? Anong kinalaman ko diyan sa meet and greet nila?
"Pa bakit special mention ako?"
"Malalaman mo nalang bukas.."
❤
Vote and Comment ت