Chapter 2: We're what?!

12 0 0
                                    

Naka nganga pa din ako sa mga nalalaman ko ngayon. Joke ba to?

Kaming dalawa? Sa isang bubong? Tapos ano? magkaka-inlaban sa huli? Ano to fairytale? Not my type. Kung si mama nga gusto na akong palayasin sa bahay dahil sa katamaran ko? Eto pa kayang si Taba-Cyd? For sure siya ang unang magba-back out sa dramang 'to.

Tinignan ko ulit si Cyd. At aba! relax na relax ang gung-gong! hindi ba sya mag rereact? at bakit parang okay lang sakanya 'tong mga nangyayari? Alam nya na ba 'to?

"Okay,I'll ask the opinions of the two of you now. Kung ano ba ang masasabi nyo sa enggangement nyo. I'll start with you Cyd"

Di maalis ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Ano kaya ang isasagot nya? pero kung ako lang ha, sigurado akong aayaw 'to.

Pero yun pala MALI ako.

"Dad, Alam mo namang susundin ko ang bawat gusto nyo kasi nererespeto ko kayo. Kaya I'm okay with it" at ngumiti pa ang ogag.

O.O Tokwa naman oh! Binibwisit ba nya ako?!

Bigla naman napa palakpak si tita na parang bata.

"That's our son! I know you would not let us down!"

Ngumiti na lang si Cyd. This time sa akin naman tumingin si tita. Oh no...

"How 'bout you Cass?" at tsaka ngumiti pa ito.

Anong sasabihin ko?! Shitzu naman oh! Gusto kong tumanggi,pero ano na lang sasabihin nila? Na choosy ako? Na nadissapoint ko sila?

What am I going to say?!

Isip Cass isip! Paganahin mo yang kukote mong slightly used kahit ngayon lang! Think!

.

.

.

.

Alam ko na!

"Uhh..tita"

"Yes dear?"

"Natatae po ako" Nice excuse Cass.

"Ahh ganun ba? O-oh sige. Pasama ka na kay Cyd. Baka kasi maligaw ka dito"

"Ahh hindi na po.Kaya ko naman po eh"

"Wag ka nang maarte dyan Cassandra! Pasama ka na kay Cyd!" Singit ni mama. Salamat mama ah!

No choice ako kaya ayun kasama ko ngayon si Cyd na naglalakad papuntang CR

Tahimik kaming naglalakad sa hallway ng bigla syang nagsalita.

"Lame excuse"

O.o Ehh? Pinagsasabi nito?

"What?"

"Alam kong hindi ka naman talaga natatae.Ginawa mo lang excuse para makatakas sa tanong ni mama kanina"

"A-ano bang pinag sasabi mo?" Shet! Nahalata nya yun?!

"Tss..your too obvious"

"Hindi ah! Totoong na jejebs ako! Ang dami ko kasing nakain!" depensa ko.

"We're just in the middle of eating. Ang dali mo naman atang mabusog?"

Ano ng palusot ko ngayon?! Isip ka Cass! Bawal ka nitong mabuko!

"Ah ganun talaga ako. Madaling mabusog ehe"

"Liar"

Aba't!

Bigla syang tumigil sa paglalakad at humarap sakin. Anong ganap naman neto?

"If you wan't to back out,gawin mo na ngayon. Habang wala pang nangyayari.Alam ko namang ayaw mo sa deal na 'to eh.Actually ako din.Ayoko sa deal na 'to, ayoko sayo. Kaya magback out kana habang maaga pa"

Ayaw nya saken? Eh bakit hindi sya ang mag backout?

"Bakit ako? Pwede namang ikaw diba?" Sagot ko sakanya.

"Simple lang. Ayokong mapahiya sa parents ko"

"At ako? Gusto ko ganon?!"

Chill lang Cass. Timpi ka lang

"Maybe?" Aba't gago to ah!

"Walanghiya kang baboy ka! Leche ka peste pe--"

"Bago ka pa mag-paulan ng mura dyan.Sasabihin ko lang na hindi ako ang mauunang umayaw. Hindi dahil sa gusto kitang kasama.Ayokong mabawasan ang mana ko dahil lang sa tulad mong walang kwenta.Kaya kung ako sayo.Umayaw kana ngayon palang"

Bakit sya ganyan? Ang laki ng pinag-bago nya.Dati pala-ngiti sya eh.Anong nangyari?

Gusto kong umiyak. Ang sakit nyang magsalita.

Pinigilan kong umiyak.Hinugot ko ang lahat na pwedeng mahugot. Tumingin ako sa mukha netong balahurang 'to at nag-salita.

"Unang una may kwenta ako. Pangalawa ayaw ko din sayo at pangatlo ayaw ko ding ma dissapoint ang mga magulang ko. Kung sa tingin mong aayaw ako. Pwes nagkakamali ka. Binigyan mo lang ako ng dahilan para hindi umayaw.Salamat ah? Kaya kung pwede lang? Kailangan ko na atang bumalik sa garden.May kailangan pa akong sagutin" At doon ay iniwan ko sya.

Tumakbo ako sa garden para hindi nya ako makitang lumuha. Yep umiyak ako. Oo sige na mababaw akong tao. Mababaw lang naman ako pag mag-isa eh. Pero pag sa mga tao, abo't tenga ngiti ko.

Malapit na ako sa garden kaya pinunas ko na yung luha ko at pumasok na.

"Oh Cass ang bilis mo naman ata? Nasan si Cyd?" Bungad sakin nu tita.

"Ahh tita--"

"There you are Cyd"

Napalingon naman ako. Bakit ang bilis nyang nakarating? Eh hindi naman sya tumakbo kanina ah

"May sasabihin ka kanina Cass?"

Ay oo nga pala! Yung thing.

Phew! Inhale Cass Exhale!

Kaya mo yan.

"Tita.. about sa enggagement thing.."

"Ano? Napag-isipan mo na ba?"

"Yes....at payag na po ako dun"

~end

Howisit pancit? Sorry tagal ko nag update! Grabe! Kailangan ko ng motivation! Promith. Sisipagan ko na talaga

Vote/Fav/Comment :)

Clean Freak Meets The SlobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon