Chapter 4: Lazy Goddess

14 0 0
                                    

Saturday- Moving to the new house.

Cyd's POV

Oo readers, may POV ako. Wag na kayong ma-surprise dyan.

Nag dadrive ako ngayon papunta sa bahay ng kulugong yon. Wag kayong kiligin hindi kami mag dedate. Kukunin ko lang mga basura nya.

After 10 minutes siguro at nakarating na ako.

Syempre ngiti ngiti tayo. Good son nga kasi role ko dito diba?

Eksaktong palabas si Arthur kaya binati ko.

"Art! Ate mo?"

"Kuya Cyd! Kukunin mo na yung bruhang yon? Sigurado ka ba sa desisyon mo? Baka magsi--"

"Ano ka ba? Wag ka ngang ganyan.Ate mo yun eh" Kung alam mo lang. Kung pwedeng pabayaan sa daan yang ate mo.Matagal ko nang ginawa.

"Sus. Magsisisi ka sinasabi ko sayo. Nasa kwarto nya si ate. Ayaw daw nya umalis" As if gusto ko syang kasama.

"O sige puntahan ko muna ate mo"

"Sige Kuya! Alis na ako"

Nasa tapat na ako ng pintuan nila. Balak ko na sanang kumatok kaso biglang bumukas yung pintuan.

"Cyd iho! Napa aga ka ata?" si Tita pala.

"Ah..eh.. oo nga po eh. Tutulungan ko po kasi sana si Cass sa mga gamit nya" Kung iniisip nyong nag volunteer ako. Well think again. Napag utusan lang ako noh!

"Nako! Ngayon nga pala kayo lilipat ng bahay!" sabi ni tita at napahawak sa ulo nya. "Ayun si Cass sa kwarto nya, nanonood ng  Drama. Batang iyon hindi man lang pina-alala sakin!"

"Ah ganun po ba? Pwede po ba syang kausapin? Ngayon po talaga dapat kami lilipat sa bagong bahay" ang daming arte ng babaeng yun. Kala mo kung sinong maganda!

"Sige,samahan na kita"

Pinapasok na ako ni Tita. At napansin ko agad na malinis ang bahay nila at organize. Mahilig talaga ako mangilatis. Lalo na sa mga bahay. Tinitingnan ko kung malinis ba yung loob at labas. Kasi sumasalamin daw yung mga bagay na pag-aari ng isang tao sa may-ari nito. Nabasa ko yan reader's digest.

Ni-lead ako ni tita papuntang kwarto ni Cassandra. Para lang naman din akong nag teleport from heaven to hell. Sigurado ba kayong kwarto talaga 'to? Baka naman bodega?

At eto pa. Isang panty'ng nag re-wrecking ball sa door knob ang nag welcome sakin 'don. Agad namang kinuha ni Tita yung panty at ibinulsa saka kumatok.

"Cassandra! Gising na!! Andito s--" Agad kong pinigilan si Tita.

"Tita wag nyong sabihing nandito ako. Para surprise" bulong ko sakanya. Tumango naman sya at napahagikhik ng konti.

"CASSANDRA! BABANGON KA BA DYAN O ANO?!" Grabe namang manggising 'tong so Tita. Parang naka lunok ng megaphone pero wala paring epekto sa aswang na yun.

"CASSANDRA! GIGISING KA BA O SISIRAIN KO ANG PINTO MO?!! CASSANDRAA!" Katakot si Tita O_O

After seconds bumukas ang pinto at bumugta ang isang babaeng naka hello kitty panty at naka T-shirt na Ben 10.

"Cassandra!!" Sigaw ni Tita at tinapik pa ito.

Napamulat sya at nagulat na nandito ako. Pero mas ikinagulat nya ang bumabalandarang hello kitty panty.

End of chapter 4 :)
I'd like to read your opinions.


Clean Freak Meets The SlobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon