1

12 0 0
                                    

"Hoy Raven bumangon ka na ngang batugang bata ka! Bumaba ka na't maglinis ka ng bahay!" sigaw ng tiyahin kong bungangera.

Ewan ko ba kung bakit parang lahat na lang ng mga tiyahin eh masuaungit. Well ganun ang kalimitang nababasa ko.

"Opo tiya!" pautay utay akong gumapang mula sa kama ko. Ramdam ko pa din ang samit ng katawan ko. Dahil ito sa pagod nung naglaba ako kahapon.

I'm Ravenfall Conde. Sosyal at mamahaling pangalan pero di ako mayaman. Seventeen, only child at nakatira sa tiyahin kong bungangera.

Nasa Buenos Aires si papa kaya nasa kapatid niya ako nakatira. Ayaw sakin ng tiyahin ko pero dahil sa perang pinapadala sakin ni papa kaya niya ako tinggap.

"Raven ano ba?!" sigaw na naman nito sa akin.

"Nandyan na po tiya!" patakbo kahit nananakit ang kalamnan ko.

Pumunta muna akong banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ay agad kong kinuha ang walis at dustpan.

Eto ang araw araw kong ginagawa. Maglilinis, magluluto, papasok sa school, paguwi ay maglalabada para may extrang pera, pambaon sa school.

Yung perang pinapadala ni papa ay para sa tuition at school projects ko, allowance ko at yung iba ay kay tiya. Pero minsan binabawasan ni tiya ang pera na nakalaan para sa akin kaya kailangan kong magtrabaho para matustusan ang iba kong pangangailangan.

"Hay nako Raven, hindi dahil sa nagpapadala ang tatay mo eh kasya na yung pera para sa'yo at libre na ang pagtuloy mo sa pamamahay ko! Kaya huwag kang tatamad tamad." bulalas ng maingay kong tiyahin.

Ilang beses ko ng narinig yan sa tiya ko. Oo nakikitira lang ako, pero di naman niya kailangang ipamukha na nakikitira lang ako sa kanya.

Nakaraan ang ilang minuto ay natapos na ako sa paglilinis. Nagluto ako ng makakain para sa almusal. Dinig ko ang pagbubunganga ni tiya sa labas. May kaaway na naman ata dun sa kanto.

Kumain na ako at naligo. Tumingin ako sa orasan at saktong labinlimang minuto bago mag 7:00. Inaabot lang kasi ng labinlimang minuto ang university na pinapasukan ko.

Kinuha ko ang baon ko sa taguan ko. Pati si tiya ay di ito alam. Di na ako nagpaalam at umalis na. Bisikleta lang ang gamit ko.

Halos lahat ng tao ay kilala ko sa lugar namin. Si kuya Pastor na traffic enforcer, si ate Darcy sa bakery, si lola Tering sa may kanto, yung street sweeper na si Baldo.

Nga pala, nag aaral ako sa isang sikat at mamahaling university. Scholar ako sa Samheign University. Kahit di ako mayaman, matalino ako. Yes, I'm proud to say that I am intelligent.

Pinark ko ang bike ko at tumungo na sa klase.

Naglalakad ako papuntang Abadon Building ng napansin ko ang ingay sa may gate. Maraming mga babae ang nagtipon tipon at naghihiyawan. May isang pulang mamahaling kotse ang pumasok sa university.

Hinihintay kong lumabas ang sakay nito pero ng makalabas na ay natakpan naman ito ng mga babaeng hiyaw ng hiyaw.

"Hay nako. Isa na namang bagong kinababaliwan ng mga babaeng mababa ang taste." nagulat ako ng may nagsalita sa tabi ko.

"A-ano?" tanong ko dito.

"Hm? Excuse me but I don't talk to low breeds." aray.

Buwis*t 'tong lalaking 'to. Bigla biglang susulpot tapos manlalait pa. Breed? Ano ako, aso?!

He is Gray Felix. He has a calm and gentle aura but grabe manlait ng ibang tao, lalo na kung mas mababa sa kanya ang estado. Yung may pagka inosente looks pero sagad sa buto ang ugali!

"Ah sorry." Sabi ko sa kanya at iniwan ko na yung mokong.

Dumiretso ako sa classroom. Dinatnan ko doon ang mangilan ngilan ko pa lang na kaklase.

I sit down and read my notes. May quiz kasi kami sa general math.

"Kyaaaaaahhhh!!"

Kunot noo.

"Kyaaaahhhhh!!!"

Kunot noo at nagngingit ngit na ngipin.

"Ano ba yung--"

"Ano ba yung--"

Napatingin ako sa taong sabay kong nagsalita.

"Hi?" bati sa akin ng lalaking nasa harapan ko.

Sky Fritz Vien. My nag iisang bwisit na friend. Panggulo ng Pilipinas, panira ng araw, at pambansang bulabog ng buong mundo.

"Sky huwag mo akong ginaga*o ha! Ang aga aga!" hampas ko sa ulo niya ng hawak ko na notebook.

"Aray ko! Ano ba ginawa ko sa'yo ha?!" pout.

"Hiii... Wag ka ngang di nguso nguso jan. Mukha kang unggoy." hinampas ko na naman siya ng notebook.

"Aray. Alam mo brutal ka talaga. Ewan ko ba kung bakit natatagalan ko yang ugali mo." seryoso niyang sinabi.

"Di lumayas ka. Alis." bugaw ko sa kanya. Mas lalo naman itong ngumuso. "Ang pabebe mo chapakin kita jan ih."

Naupo siya sa upuan sa harapan ko at nakaharap sakin.

"May bagong transferee." siya.

"Oh ngayon?" ako.

"Pout" siya.

"Tss. Tigilan mo nga!" ako.

"Okay. Basta pout. " siya.

"Uggghhh!! Lumayas ka nga unggoy ka!" ewan ko ba kung bakit buwisit na buwisit ako sa mga taong nagpa pout.

"Kyaaahhh!!"

Pero mas buwisit ako sa mga taong maiingay.

I don't seem to know na may bagong transferee... Eh wala naman kasi akong pake.

Pupunta sana ako sa labas para bumili ng ballpen ng napatigil na lang ako sa may pintuan dahil kaharap ko ang isang lalaki na ewan ko kung bakit, pero iba ang dating sakin.

It's like he casted a spell on me. Ng mapatingin ako sa kanyang mga mata, nakaramdam ako ng iba.

"Ang mga mata niya ay malungkot pero napakamisteryoso." aniya sa aking sarili.

Pero kinilabutan akong bigla ng lumingon siya sa akin at ngumisi. Para bang kilala niya ako.

Pero imposible naman yun. Seventeen years na wala akong kaibigan, si unggoy lang.

|End|
Blue Lopez here. Thank you for reading. Please read and share this story of mine. Thank you again.

SignOrDie

The ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon