Raven's PoV
"Nakakainis na Sky talaga!" maktol ko habang naglalakad.
Ay nako, kung hindi ko lang talaga kaibigan yung unggoy na yun baka kanina ko pa nasapak eh. Naglalakad ako ngayon sa school grounds mula sa canteen.
Ng marinig ko kasi yung huling word na sinabi ni Sky eh medyo nagpantig ang tenga ko. At nainis ako at kasabay na ang konting kilig.
"Teka?" napatigil ako sa paglalakad at biglang napaisip.
"Saan ba ako papunta?" tanong ko sa sarili. Ng dahil sa inis ko sa kaibigan ko ay kusa na lang gumalaw ang katawan ko at di ko manlang alam kung saan ako papunta.
Napabuntong hininga na lang ako at naglakad pabalik. Pero di ko balak bumalik sa canteen makikita ko lang dun si Sky.
Tiningnan ko ang oras sa relo ko at malapit ng mag ala-una. Mga 2:00 pa ang sunod kong klase, may vacant period kasi kami.
Siguro pupunta na lang muna ako sa office.
Aniya ko sa aking sarili. Member kasi ako ng council sa school. Being the top achiever and second place on over all. Vice President ng student council at isang track and fielder.
Kaya mabilis akong tumakbo at magbike. Physically fit ang lelang nyez! Pareho kami ni Sky na varsity player ng school.
Kaya nga sabi ng marami na kabilang kami sa perfect varsity couple eh.
Pero teka, hindi! Hindi pwedeng magkaroon ako ng feelings sa bestfriend ko. Better be friends rather than lovers, 'cause lovers tend to break and feel awkward
"Huh! Talagang tinawag pa akong babe?! Haist! Baliw talaga yung unggoy na yun." kausap ko ang sarili ko habang naglalakad.
Pero napatigil ako ng may parang naramdaman akong sumusunod sa akin.
Lumingon ako pero wala naman. Muli akong nagpatuloy sa paglakad ngunit nandun pa din ang mga matang sumusunod sa bawat kilos ko.
"Baka may stalker ako?" napatawa na lang ako sa naisip ko.
Sino naman ang magkakagusto sakin? Duh?
Teka paano kung may gustong kumidnap sakin? Luh!! Mayghad wag naman po sana. Mas binilisan ko ang paglalakad at mula sa paglalakad ay naging takbo na. Dahil sa kaba at sa pagtakbo ay doble ang hingal ko.
Malayo ang tinatakbo ko at dun ako sanay pero iba ang pakiramdam ko.
Parang yung pakiramdam ko ng...
Ng bigla akong napatitig sa mga mata niya.
Ng makarating ako sa mataong lugar ay nakahinga na ako ng maluwag. Pero di ko alam kung sinusundan pa din ako nung tao kanina. Di ako sanay ng may sumusunod sa akin. Pero sino nga kaya iyon?
"Huy Raven!"
"Ay gorilla!" sigaw ko. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa pagkakagulat sa akin ng isang kulot na babae.
"Grabe ka naman sa gorilla. Alam ko sa unggoy nagmula ang tao pero huwag mo naman akong isama sa lahi niyo." sarcastic niyang sambit. Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Eh bakit ka kasi nanggugulat ha?! Alam mo bang muntik na akong atakihin sa puso Zia! Ano ba kailangan mo?" patanong na sigaw ko sa kanya.
Napansin ko ang reaksiyon niya sa mukha na para bang may gusto siyang sabihin ngunit may pumipigil sa kanya.
"Ano nga... Ganito kasi." umpisa niya. Nilalaro niya ang dulo ng kulit niyang buhok na para bang elementary na nagpapacute sa crush niya.
"Ano?" pag uulit ko sa tanong ko at naghihintay ng isasagot niya.
"MaypinapabilikasisiLeotaposbusyakotaposwalaakongmapagpasahanngtrabahoehgustokongakoangbumiliparakayLeoperourgebtkasitalagayungpinapagawanisirDelosReyeskayapwedebangikawnalangbumilingpinapabiliniLeo?!"
Napanganga na lang ako sa bilis ng pagsasalita ng babaeng kaharap ko. Biglang nanakit ang ulo ko dahil sa kanya.
"Teka. Bigla akong nahilo." hinawakan ko ang ulo ko at inalalayan naman ako ni Zia.
"A-ayos ka lang ba Raven?" tanong niya sa akin.
Halata ang pag aalala niya sakin pero sinabi kong ayos lang ako. Sinabi kong sa iba na lang niya ibigay ang trabaho niya at ang pagbili ng kailangan ni sir Delos Reyes.
Nagpresinta naman siyang ihahatid ako sa clinic pero sinabi kong ayos lang ako. Pinauna ko na siya at ako na lang ang pumuntang mag isa sa clinic.
Wala ng masyadong estudyante sa mga pasilyo dahil umpisa na ng klase ng ilang mag aaral.
Nasa bandang malapit sa gym ang clinic at walang masyadong estudyante ang nagpupunta doon. Maliban kung merong gustong tumakas sa klase o tinatamad na tumatambay sa clinic.
Sinilip ko ang loob ng clinic. Salamin kasi ang bandang itaas ng pintuan sa clinic kaya kitang kita ang loob.
Wala namang tao na pasyente pero nakababa yung kurtina sa mga clinic bed.
Wala yung nurse pero naka lagay sa signage na 'The Nurse is In'. Baka lumabas lang.
Pumasok ako sa loob at naupo sa upuan malapit sa pinto. Bumuntong hininga na lang ako at hinimas himas ang sintido ng ulo ko.
Stress lang siguro ito. Sabi ko sa sarili. Minamasdan ko ang mga magazine tungkol sa kalusugan ng may biglang...
"A-a-chhooo!"
Napaiktad ako at nagulat dahil ang akala ko ay walang tao sa loob.
Baka may multo.
Multo? May multo bang bumabahin?
"A-ah-aha-acchhooo!" meron na naman.
Dahan dahan kong isinilip kung sino ang bumabahin ng may biglang humablot sa ulo ko at ikinulong ako sa kanyang mga bisig.
Di ko makita kung sino ang humila sa akin dahil sa napapikit ako. Tanging ang mainit na hininga nito na nagpapatayo sa lahat ng buhok ko sa katawan. [Pati buhok sa baba?] Ewan basta lahat! (wag green)
"What are you doing here?" ang boses na tanging narinig ko.
|End|
In loving memory ng ideas na naiisip ko. Nagfade away na kasabay ng bakasyon. Hi po? Thank you for reading. Vote. Share. Comment.Advance Merry Christmas. Hart hart <3
Blue Lopez