"Psst!"
"Pssst! Raven!"
Nasa loob kami ng classroom at umpisa na ng klase sa chemistry. Nasa likudan ko lang ang upuan ni Sky at eto nangungulit.
"Ano?" Nilingon ko siya at napansin ang hawak na papel.
"Kanina pa nakatingin sa'yo yung transferee"
Nakasulat sa papel na hawak niya. Bigla namang nalipat sa lalaki sa likudan ang atensyon ko. Nangilabot na naman ako dahil sa mga titig niya.
Ano ba problema nun.
Umayos ako ng upo at di na lang ito pinansin. Ngunit kahit anong gawin kong pagbalewala ay ramdam ko ang mga mata na nakatitig sa akin.
Mayat maya din ang pagsilip ko sa lalaki at ni minsan ata ay di ito kumalas sa pagkakatitig sa akin.
"Ano ba naman. Nakakairita ka na ah." bulong ko sa sarili.
Kung di niyo pa alam at di niyo natatanong kung sino ang lalaking iyon.
Flashback
"Okay class arrange yourself." sambit ng instructor namin. Saktong dating ko galing sa canteen kasi bumili ako ng ballpen.
Naupo ako at napqnsin kaagad ang lalaking nakasalubong k kanina. "So dito siya?" tanong ko sa sarili.
Pinagmasdan ko ang kanyang pagmumukha. Ang tangos ng ilong, mapupungay na mga mata, makinis at maputi ang kutis niya at may katangkaran.
"Class he is your new classmate. Please introduce yourself."
Humakbang paharap ang lalaki at nilibot ang mata hanggang sa tumigil sa akin. Ngtagpong muling ang mga mata namin. Ang dating mapungay na mga titig ay biglang napalitan ng di ko mapaliwanag na mga tingin.
"Bakit? Ano ba problema niya sakin?"
But he just smirked and it gives me chills when he does that.
"I'm Rain Transilvainia."
'Transilvainia?'
Bakit parang pamilyar sakin ang apilyido niya?
End of Flashback
"Ms. Conde? Ms. Conde!?" ng dahil sa sigaw ng instructor namin ay nanumbalik ako sa aking sarili.
"P-po?" kabado kong tanong. Napansin ko namang ang lahat ay nakatingin sakin. Including him, that annoying guy.
"Nevermind. Just pay attention to the class and stop daydreaming." pailing iling pang sinabi ng instructor namin.
Medyo yumuko ako dahil sa kahihiyan. Or whatever. Napansin ko na lang si Sky na nakapout na naman.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Parang sasabog ang utak ko sa di ko mawaring kadahilanan.
Being such an overthinker is such a curse.
|End|
