Chapter 8

163 5 0
                                    

Zich's POV

Maaga akong nagising at sinubukang mag unat unat. At thanks god. Nagagalaw ko narin ang mga kamay ko. At napansin kong medyo wala na ang mga sugat at pasa ko. Kinuha ko ang salamin na nasa ibabaw ng mesa na nasa tabi ng kama ko. Nagulat ako ng wala na ang sugat sa labi ko at maliliit na pasa na nalang ang nakikita ko sa mukha ko.

Kahit medyo masakit pa ang katawan ko sinubukan kong magbihis at mag ayos ng sarili ko. Dahil sa di pa kaya ng katawan ko ang gumalaw ng mabilis at gumalaw ng tama nagsuot nalang ako ng black maong short at isang over size white t-shirt.

Lumabas nako at pumunta ng kusina para kumuha ng tubig. Ako nalang kukuha dahil for sure tulog parin sila. Habang papunta ako sa kusina. May biglang tumawag sa akin na parang gulat na gulat yung boses niya.

"Zich!?, Oh no what are you doing?" Natatarantang sigaw ni Jihyun habang Dali daling bumababa ng hagdan.

"Oh..hinay hinay baka mahulog ka" natatawang sabi ko. Pano ba naman tinalon niya ang huling limang hakbang ng hagdanan.

"M-may kailangan ka ba" Sabi niya habang hingal na hingal. Sino ba kasi nagsabi sa kaniya na magmadali. Hahaha.


''Sumasakit pa ba yung sugat mo. Nagugu-" napatigil siya bigla sa mga pinagsasabi niya nang makita niya ang suot ko. May problema sa suot ko?

"Matutunaw ako" saad ko habang pinipigilang huwag matawa sa reaksiyon ng mukha niya. Pano ba naman tulala. Tapos yung bibig niya bukang buka. Pasukan kaya ng langaw yan.

"Zich!!!" Napalingon ulit ako sa mga tumatawag sa akin. Ang sakit na nang batok ko kakalingon ha. Paglingon ko may apat na mga lalaki na halatang halata na kakagising palang ang nakatayo sa ibabaw ng hagdan. At Dali daling bumaba at yung iba nagtulakan pa.

"May kailangan ka ba? Bat di mo nalang kami Tina-" ayun tulala nanaman sa suot ko. Ang laki talaga ng problema nila sa damit ko.

"Papalit nalang ako" saad ko na nagpabalik sa kanila sa katinuan.

"Ahh.. no..nanibago lang kasi kami sa suot mo. At nagulat din Kami kasi wala na ang mga sugat at pasa mo sa katawan" paliwanag ni Jin.

"Kukuha sana ako ng tubig nauuhaw na kasi ako. At alam kong di pa kayo gising." Saad ko.

"Ah sige Kami nalang ang kukuha. Umupo ka nalang don sa mesa" Saad namin ni Clark. At lumapit sa akin ang kambal at inalalayan akong pumunta sa mesa.

"Magluluto lang kami ng pinakamasarap na pagkain kaya diyan ka Lang ha. Dahil mamahalin mo talaga ang luto namin" nakangiting sabi ni Shawn. Ang cute talaga ng dimple nilang dalawa.



*—*

Habang naghihintay ako sa kanila. Umagaw ng pansin ko ang isang picture frame na nakasabit sa dingding. Kaya lumapit ako dito.

Pitong lalaki  at sa tingin ko ang nasa gitna ang pinakaleader nilang lahat. Pero biglang nag iba ang pakiramdam ko sa lalaking nasa gitna at napansin ko ang jacket niya na katulad din ng jacket na ibinigay sakin ni mom at parang kamukha siya. Sh*t biglang sumakit yung ulo ko. Siguro gutom Lang to. Pero yung limang batang lalaki at ang isang batang lalaking nakayakap sa batang na nasa gitna ay kamukhang kamukha ni Joshua. Tapos ang limang bata ay ang limang taong kasama ko ngayon. Pero sino naman yung nasa gitna. Siguro kaibigan din nila. Pero wala siguro siya ngayon dito.



*—*

Matapos naming kumain napagpasiyahan kong umuwi na sa bahay at doon nalang magpagaling ng mga kunting sugat ko sa katawan. Total Kaya ko nading lumakad.

Jin's POV

Nakita ko kaninang lumapit si Zich sa picture frame naming pito. At nakita ko ding tinitigan niya ng mabuti ang batang lalaki na nasa gitna namin. Si Sander.

Picture kasi namin yan noong 7 taong gulang Kami. Parang mga magkakapatid na kami at si Sander ang tumatayong kuya sa aming lahat. Lalo na kay Joshua. Di na nga namin mabilang kung ilang beses na si Joshua natutulog sa bahay nina Sander super close nilang dalawa sa isat isa.

Pero nagbago si Joshua ng biglang umalis si Sander noong 10 taong gulang kami nang walang paalam.

He wants that someone will sacrifice and suffer for what he do and that's make Joshua happy. That his hobby to make people suffer. Pero alam naming ginagawa niya Lang yan para mawala ang pangungulila niya Kay Sander. Ang bakla nga eh. Pfft~

Zich's POV

Habang naglalakad ako. May biglang nagtapon sa akin ng isang pulang envelope at natamaan yung jacket ko. Aish! Sa jacket ko pa talaga ha. Binuksan ko yung envelope at may nakasulat na.. "ZZS is coming"

ZZS? ZZS? ZZS.... parang familiar.

That's the initial of my names. Pero bat coming ang nakalagay. Eh dito nako ngayon sa C.A.

"Zich Zoe Sandra"
"ZZS" what is the other meaning of  this.

                                                              



                         ~ ALIEN

Bloody cardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon