Chapter 12

163 3 0
                                    

Zich's POV

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Sa langit na ba ko? Patay na ba ako? Oh no... Hindi ko na makikita si V! Pero parang familiar ang lugar. Luh! Pero Di pa ko nakapunta sa langit nu.

Pero may mga nakikita akong mga gamot at towel sa tabi ko ng maimulat ko na ng maayos ang mga mata ko. Haist. Thanks god I'm still alive. Makikita ko parin ang asawa ko.

Unti unti akong Tumayo sa pagkakahiga ko. "Ahhh!" May Kirot parin akong naramdaman sa ulo ko. May nakita akong baso ng tubig sa tabi ng kama ko kaya kinuha ko ito ng dahan dahan baka kasi sumakit na naman yung ulo ko.

"Aish.. di ko maabot." Saad ko habang pinipilit paring abutin yung baso.

"Oh eto." Sabi niya sabay abot sa akin ng tubig. Dito pala to di ko manlang siya namalayan. "Tinawag mo nalang sana ako. Baka sumakit na naman yang ulo mo" Saad niya nang makaupo na siya sa kama ko.

"Di ko naman kasi alam na dito ka nu." Sabi ko pagkatapos kung inumin ang tubig at ibinalik sa mesa pero kinuha niya sa kamay ko. At siya na ang naglagay sa mesa.

"So. Okey na ba ang pakiramdam mo Sandra." Di ko talaga gustong marinig na tawagan akong Sandra kasi naalala ko kung paano magalit sa akin si Dad.

"Don't call me Sandra. okey." Sabi ko habang tinitingnan siya ng masama. Kaya ngumiti naman siya. F*ck! No Zich! He's your twin! Gosh. What so ever!

"Ano namang nginingiti mo diyan ha." Aba! Ayaw talaga tumigil sa kangingiti nito ha. Gusto niya talaga matikman ang kamao ko ha.

"Oops.. baby. Even you are my lovely twin. Hindi parin ako papayag na masuntok mo ang gwapo kong mukha" Sabi niya habang nakatingin sa kamay ko na nagsisimula nang maging bato. lol.

"Tss. Lumabas ka na nga. Baka di pako makapagpigil at masuntok pa kita." Pagtataboy ko sa kaniya kahit na di ko siya abot. Kaya Tumayo narin siya. Haist.. salamat naman. Masunurin din pala to.

"Fine. Magpahinga kana muna. At dadalhan nalang kita ng pagkain mo dito. Okey" Sabi niya sabay halik sa noo ko. Kaya tinapon ko sa kaniya ang trey na nasa mesa. At nasalo niya naman.

"Byee baby... mwaaa lub you.." Sabi niya at nag flying kiss pa. Yakss.. ang bakla mo kuya.. oops wala akong sinabi okey. Just never mind it. Hehe

Zach's POV

Ang ganda talaga ng kambal ko. Syempre same as me. But we're difference in strength and ability. Tama nga si Dad. She need to change.

Pero bago pa matapos ang POV ko. Magpapakilala na ako. Alam niyo naman siguro yung name ko Pero sige magpakilala ulit ako. I'm Zach Zoe Sander Cornuel the heir of king card holder. Kaya Hindi ako kilala ni Zich dahil hindi kami nagkasama simula bata hanggang sa paglaki. Dahil sa states ako tumira at lumaki narin sa loob ng 7 years. Tama yung iniisip niyo. 10 years muna akong tumira dito sa pilipinas bago ako pinadala sa states. Pero kahit minsan ay hindi kami pinayagang magsama o magkita ni Zich. Dahil bawat minuto at bawat galaw namin binabantayan nila Kami. Ang mga taga A.U. lalo na ang Alvarez Clan. Dahil sa Oras na malaman nila n'a dalawa ang tagapagmana. Dalawa din Kami ang magiging target. Pero ngayon siguradong alam na nila

Sa loob ng 7 taon sa states maraming nagbago sa mga abilidad ko. Sa isang taon, 95 gang wars ang sinasalihan ng mga gangmates ko at ako ang leader. Ang Black Lagoon. We are organize as the brutal criminals in the whole world. Pero Hindi mga criminal na pumapatay lang ng kung sino sino o nagnanakaw. Kundi pumapatay kami ng mga taong karapat dapat na mamatay. Kaya Tinatawag Kami na brutal dahil kung sino ang mga kapamilya o malapit sa taong target namin ay lahat sila ay pinapatay namin o di kaya'y pinapakain sa mga buwaya hanggang sa walang matira sa kanila.

But our self is a secret. Kahit sino man ay walang nakakilala sa amin bilang mga miyembro ng Black Lagoon. Maliban Kay Dad at sa mga Card society. At sa Oras na malaman kong may magpakalat na ako ang leader ay siguradong Hindi na sila masisinagan pa ng araw.

Sa University na pinag aralan ko sa states. Ang Harvard University. Nag aral ako ng  iba't ibang uri ng Science at mga experiments. At isa na dun ang tungkol sa pagpapabuhay o pagpapagaling ng mga sugat sa mas mabilis na paraan at Oras.

Pero ang pag uwi ko dito. Hindi Lang dahil sa pagtulong ko kay Zich kundi gusto ko na ring makita ang ititnuturing kong bunsong kapatid.

Joshua.....

XXX

Ang tagal naman ata nilang dumating. Kanina pako naghihintay sa magandang balita na sasabihin nila sa kin.

(Tok... tok..)

Dito na sila.. "Pasok!" Sigaw ko. Kaya pumasok agad sila na hingal na hingal.

"M-may m-masamang balita po. Your highness." Sabi ng isa sa mga tauhan ko. At hingal na hingal parin.

"At ano naman yon?!" Saad ko habang ginagalaw galaw ang glass wine na hawak hawak ko.

"D-dumating po ang isa pang tagapagmana. Dalawa po ang tagapagmana ng Cornuel Clan. Ano po ang gagawin natin." F*ck! Pero panong nangyari. Nang manganak si Mrs. Cornuel isa lang ang lagi nilang kasama at inaalagaang anak. Paano nangyaring dalawa na ang tagapag mana. Hindi naman maaaring  adupted Lang nila yon. Dahil Hindi parin siya maaari maging tagapagmana kahit na sa kanila ka lumaki.

"Paano kayo nakakasiguro na dalawa nga sila?" Pero kung totoo ngang dalawa sila. Siguradong wala parin silang Laban sa amin. Dahil mahina si Zich.
At kahit ano pang gawin nila di nila Kami kaya kahit n'a sila pa ang no. 1 sa lahat ng mga Gang Clan. Dahil sa oras na dumating ang itinakdang panahon kaming mga tagapagmana Lang ang makikipaglaban at Hindi na magiging kasali ang Clan nila.

"Dahil na ibalita na sa lahat na dumating na ang kaniyang kambal which means ang isa pang tagapagmana" Aniya.

"So. May kambal pala siya. Tss. Mga mahihina parin sila. Sige. Umalis na kayo. Ako na ang bahalang magsabi kay Dad" at nagbow sila bago umalis. Itinago pala nila ang isang kambal. Huh! Siguradong magandang plano nanaman to ang gagawin ni Dad pag nalaman niya ang tungkol dito.

"I really miss you Zich. But you will miss the time that was left in your life..  take your time baby."

Zich's POV

*Num.. num...*

Ang Sarap talaga ng niluto niya. May talent pala siya sa pagluluto. Magkasama Kami ngayong kumakain. Marami narin kaming napagkuwentuhan lalo na tungkol sa kaniya. And I think we're close now to each other.







                                                               ~ALIEN

Bloody cardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon