"nagtatanong ka? kung paano na? haha! talaga namang hindi kana tatanggapin ni keith no! hahaha" sarkastikong pagkakasabi ng babae sa harap ko, kaya naman hinawakan ko sya sa braso at medyo nilakasan ko iyon na ikina-aray nya naman.
"may araw ka din sakin Allysa pagsisisihan mong kinalaban mo ako!" pinandilatan ko sya ng mata at mukhang effective naman dahil mukhang takot nyang binawi ang braso nya.
Ng matapos ang pangyayaring iyon, hanggang lunch, wlang magandang nangyari. At ngayon uwian na. Nagliligpit ako ng gamit ng biglang may napansin ako sa board.
~~~~~~
Kung sino ang mahuhuli sya ang maglilinis ng buong classroom
~~~~~~
"Kapag minamalas ka nga naman oh!" eh kasi, ako nalang ang mag-isang nandito, wala na akong nagawa kundi ang kumuha ng gamit panlinis at nagsimula na. Habang nasa kalagitnaan na ako ng paglilinis ng biglang ,ay kumatok sa pinto.
"oh! keith anong ginagawa mo dito? tanong ko sa taong nasa pintuan, pero sa halip na sagutin ang tanong ko, dali-dali nyang kinuha ang mop.
"anong gagawin mo?" takang tanong ko
"just helping.." kalmado nyang wika
"mukhang bumabait ka ata ha?" naka ngiti kong sabi sa kanya, pero bumalik din agad ang isang halimaw. Binabawi ko na pala yung sinabi ko kanina, topakin ata to eh pabago-bago ng mood. Makalipas ang isa't kalahating oras ay natapos na kami.
"mabuti nalang at natapos na din! hoo!!" habang nagpapahid ng pawis
"oo nga, nakakapagod!" sabi nya habang nagtatanggal ng polo nya, napalunok ako ng wala sa oras, mas lalo atang naging mainit dito sa loob, kahit simpleng V-neck shirt lang ang suot nya ang gwapo pa rin! Wet look mga besyy!! Ano?? Ano??!! teka! What?? hala!! ano ba naman tong mga nasa isip ko, dyos ko! iligtas mo po ako sa temtasyong nasa harap ko! sabay cross sign ko!
"se-sege mauna na-nako!" utal kong sabi
"hatid na kita" pagyayaya nya, pakiramdam ko ata isang galong laway na ang nalunok ko! Oh kitams! bait nya nanaman po! samantalahin ko na to kapagod din kayang maglakad!
"okay" tanging nasabi ko nalang, naglakad kami papuntang parking lot at tumigil sa isang grey na sasakyan ang cool tingnan!!! ang gondoo!! siguro sa bakulaw to tinawag kasi syang sir nung mama. Naghintay ako na pagbuksan nya ako ng pinto pero.... expectation hurts! nauna pa syang pumasok..
"ano pang ginagawa mo dyan? tara na!" habang naka upo sa likuran ng sasakyan, kaya naman lumapit ako sa harapang bahagi ng sasakyan, bubuksan ko na sana ng biglang nagsalita ang halimaw.
BINABASA MO ANG
Right Love at the Wrong Time
Fiksi RemajaThis is the story about three people who "FOOLED" by "DESTINY".... About their love for their FAMILY, love for FORTUNE, and the thought of mere INFATUATION that will make them hopelessly inlove for each other.