⚓ sexy iv ⚓

23.5K 169 25
                                    

"500," tamlay na saad ko sa kausap ko over the phone.

"500?" natatawang sambit niyang nasa kabilang linya. Nakakainis! Kailangan ba talagang ulit-ulitin? Kung hindi nga naman talaga niya intensyong mang-inis ay sadyang nahihibang na siya dahil wala namang nakakatawa sa sinabi ko, o baka mayro'n talaga? Saang banda? Nakailang revise na ba ko ng curriculum vitae at application letter? I bet 'yon ang tinutukoy niya.

"Kung maka-react ka naman akala mong mangungutang ako sa'yo ng 500!" Hinawi ko ang buhok at itinuloy ang pag-higop sa mainit na sabaw ng soup. Ano ba naman 'tong nabili kong noodles? Halos puro tubig lang na walang lasa. Mistulang tubig sa pinaghugasang bigas. Ano pang magagawa? Heto lang ang afford ko sa ngayon.

"Pass sa usaping utang na gan'yan, wala akong mapapahiram sa'yo Jannah. Ano ba? Girl! Tiwala lang, sa 500 application letters na ipinasa mo na 'yon kung saan-saan, imposibleng walang tatawag sa'yo! Maha-hire ka rin." Sana gano'n nga talaga, kaso hindi. Pinapakinggan ko lang ang mga sinasabi ni Nica sa kabilang linya habang abala ako sa pagbugaw sa mga lumilipad na langaw sa munting eatery na ito, balak makiagaw sa pagkain ko.

"Thanks ha, na-motivate ako ro'n." Sarcasm 'yon s'yempre. "Iniiba mo na lang lagi 'yong usapan, 'te! Makailang beses na 'ko tumawag sa latest iPhone mong 'yan--"

"Hoy, pa'no mo nalaman?" Tanga lang talaga.

"Nakita ko stories mo! Flex ka nang flex nga, e." Flexing her new iPhone be like then hashtag 'fully paid'.

Then she tried to make the dead-end of our conversation. "Jannah, sinabi ko naman sa'yo. Hindi mo masisikmura ang trabaho ko! Hindi ka bagay rito." But she failed.

Sagot ko, "Hindi naman ako magpopokpok kagaya mo, ano lang... mayroon naman sigurong kahit anong position na available d'yan."

"Posisyon ba sabi mo? 69 ang lagi kong posisyon! Paborito 'yon ng mga nagiging customer ko!"

Natawa ako, hindi ko na napigilan. Muntik pa ngang lumabas sa kabilang butas ng ilong ko ang noodles kong kinakain. "Gaga, ayoko 'yon... ano... kahit taga-serve lang gano'n or guard or something safe."

"Wow! Gaano ba kalaki ang katawan mo para maging guard? Sa pagkakatanda ko ang malaki lang naman sa katawan mo ay yung suso mo." Did she just talk real?

"Nica, sige na. Please." I sounded pathetic but that's how it should be.

She seemed to be unbothered, "Pero sixth grade pa lang naman tayo no'n dati, ang laki na ng dede mo no'n. Ewan ko lang ngayon. Siguro mas malaki na--"

"Nica, Nica... please?" Tried to cut her off.

Tumahimik ang magkabilang linya namin.

Ilang segundo pang nakalipas at, "Oo na, sige na sige na. Let's meet tonight. Isasama kita sa pinagtatrabahuhan ko. I'll send the location, pumunta ka na ro'n mga thirty minutes bago ang out ko, okay? Para mas okay." That's what I got. Least expected though.

"Okay," sagot ko. May ngiti kahit papaano, sinundan ng buntong-hininga at sa loob-loob ko'y, "Bahala na" sa iba't ibang emosyon na maaari. Ipinagpatuloy ko ang paghigop sa sabaw ng ramen hanggang sa mawalan na ko tuluyan ng gana. Tumayo ako, iniwan ang bayad sa lamesa, kinawayan ang waitress at saka pahilahod ang mga paang naglakad dahil sa pagod. Hindi man lang makuhang iangat ang mga paa. Kailangan ko na talagang sumakay sa taxi dahil manhid na manhid na ang buong binti pataas sa'king hita.

SEXY HABITS • THE BAD BOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon