CHAPTER 7

1.3K 27 1
                                    

KEN'S POV

Paanong nangyari na magkasama sila Armie at Chris?

Di maaari to. Kailangan kong sumunod sa kanila.

Bumaba ako dito sa kusina para kumain. Badtrip ako. Naabutan ko naman ang Ate Carmina na umiinom ng kape.

"O Kenpot. Halika na sabayan mo na ako." si Ate Carmina

"Sige" sabi ko naman. Wala talaga ako sa mood. Di ko alam kung paano ang gagawin ko.

"Hahaha hoy bro. Muka mo! Nakabusangot ka diyan? Problema mo? Ganyan ka lang pag dating sa babae ah. Hahaha huhulaan ko, si Armie dahilan kung bakit ganyan mukha mo no!" Habang umiinom ng kape ang Ate.

Napakadaldal niya talaga. Miski di ko pa sinasabi, nahulaan na nya.

"Oo ate."

"Haha naunahan kana ng iba siguro ano!? Bagal mo kasi Kenpot!" Etong si ate panay ang asar sakin. Eh badtrip nga ako.

"Oo na ate. Ikaw na ang manghuhula."

"Haha ano bang nangyare Bro?"

Sasabihin ko ba dito? Hays bahala na nga!

"Oo ate. Nasa Boracay ngayon si Armie kasama ng fiance nya" sabay kain ng tinapay. Pero di na ako magbibigay ng ibang detalye.

"Wow may fiance na si Armie? Hahaha wala ka na Kenpot! Bagal mo kasi eh"

"Hindi ate. Kaya ko pa kung di pa sila kasal."

"Hoy bro. Taas ng confidence huh? Ang tanong mahal kaba?"

Di ako nakasagot sa tinanong ng ate. Tsk kainis!

"Hahaha hay Kenpot. Ang bagal mo kasi eh. Swerte naman nung fiance nya. Ang bait kaya ni Armie. Well who's the lucky guy?" habang uminom naman siya ng kape.

"It's Topy."

Agad napatigil ang Ate. Di nya akalain na ang lalaking fiance ni Armie ay ang lalaking nanakit sa kanya. Oo maghihiganti ako kay Chris at di ko hahayaan na maulit ang ginawa nya sa ate ko.

Carmina's POV

Agad ako napahinto nung narinig ko ang sinabi ni Kennedy.

Di ko akalain na ang fiance ng tinuring kong kaibigan ay ang lalaking minahal ko.

I'm sorry Armie. Pero di ko hahayaan na ganun ganun nalang. Pasensyahan tayo pero ikaw ang babaeng pinili niyang makasama. Sayang at kaibigan pa man din kita. Pero kaya kong igive up ang friendship natin para mabawi ko ang pinakamamahal ko sayo.

Call me a bitch. Pero kaya kong gawin ang lahat mabawi ko lang si Topy. Kung kailangang manakit, handa kong gawin. Kung umabot sa patayan, gagawin ko. Makuha ka lang Topy.

"Oo nga pala Kennedy. Tulungan mo ako."

"Ha? Saan?" si Ken.

"Tulungan mo akong mabawi si Topy. At tutulungan kitang makuha mo si Armie"

"Ate nahihibang ka na ba!? Sinaktan ka ni Christoff! Di ka pa ba nadala nung una palang na sinaktan ka nya! Halos magpakamatay ka Ate!!"

Oh shet. Oo nga pala. Iba nga pala ang naikwento ko kay Ken noon. Ang sinabi ko sa kanya ay sinaktan ako ni Chris kaya ako umalis. But the real story was ako ang nanakit at ako ang nangiwan

Oo bitch kung bitch. Pero iba na ang usapan ngayon. Handa akong bawiin ang Topy ko. Kaya nga ako nagbalik dba!!!?

"Gusto mo makuha si Armie right? Then sumunod ka sa plano ko Ken. Ako pa rin ang ate mo. Alam ko ang gagawin. Makipagtulungan ka saken, at makukuha mo si Armie."

Di na nakapagsalita si Ken. Mukang pinagiisipan nya ang sinabi ko. Pero kailangan ko ang tulong nya para mabawi ko si Topy.

"Sige ate pagisipan ko. Geh, una na ako."

Armie's POV

"Hoy Miemay halika nga dito, iabot mo saken yung mga grocery." sabi ni Chris habang nasa kusina.

"Sige. Pero tandaan mo, na kapag nasa harap lang tayo nila Mom magiging sweet."

"Oo, makakaasa ka. Pagbigyan lang natin sila ng apat na araw dahil sa pagpaplano ng pagpunta natin dito. Pagkatapos nito, hahayaan na kita. Dahil magpapakatino na ako at di ka na matatali saken." sabi ni Chris na seryoso ang mukha.

Yah you heard that right. Lahat ng nangyari kahapon, at sa pagtawag namin ng Babe sa isa't-isa ay isang malaking KASINUNGALINGAN lamang. Bakit?

Pinilit ko si Chris na magpanggap para sa mga magulang namin. At para na rin mabilis matapos ang ugnayan naming dalawa. Kung sabagay pareho lang naman kaming ayaw matali sa isa't-isa at ayoko ng pakiramdam na may kahati sa kanya.

Ayokong ayoko pilitin ang isang tao na hindi naman ako kayang mahalin.

Ayokong pahirapan ang damdamin ko para sa kanya dahil nasasayang lang ang bawat pagmamahal at ayokong malubog ng tuluyan sa pakiramdam ko.

Buti nalang pumayag siya. Oo ano nga palang pakialam nya saken? Isa lang naman akong hamak na babaeng ipinagkasundo sa kanya.

"Sige Armie, iwan ko nalang mga pagkain dito. Kumain ka nalang. Lalabas nalang ako." sabi saken ni Chris habang palabas ng pinto.

Masaket isipin pero kailangan ko ng kalimutan etong nararamdaman ko. Dahil masakit ang umasang mamahalin rin nya ako pabalik.

Christoff's Pov

Bwiset. Nakakainis! Di ko hahayaang mawala sakin si Armie tulad ng hiniling nya na magkunwari lang kami.

Oo masakit saken pero kailangan ko siyang pagbigyan sa gusto niya.

Kailangan kong sakyan ang plano nya upang magkaroon ako ng panahon na iparamdam at ipakita sa kanya na ako ang karapat-dapat para maikasal sa kanya at hindi yung Kennedy na yun!

Di ko hahayaang mawala sa akin sa pangalawang pagkakataon ang babaeng pinakamamahal ko at mas mamahalin ko ng lubos.

You will be MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon