The Wedding

1.6K 39 6
                                    


    Kasalanan ko ba kung nagmahal ako ng maling tao? Kasalanan ba ng witch na isiping magkakaroon din siya ng prinsipe? Kasi kung hindi, bakit sobrang sakit?

Hindi ko alam kung masokista ba ako or what pero hindi ako natuloy sa pag-alis dito sa Maynila. Bakit? Dahil sa kagustuhan kong makadalo sa kasal niya. Even it hurts as hell.

Isinintabi ko muna ang walang kuwentang nararamdaman ko sa kanya. This is his special day. This is their road to their dreamed happy ending. At gusto kong maging parte ako ng kasal niya. Kahit dito man lang. Kahit sa kasal man lang niya masasabi kong parte ako.

Hindi ko na ulit siya nakita mula ng umamin ako sa kanya. Hindi niya rin alam na naririto ako sa kasal niya.

Here we stand today Love is in our heart Like we always dream Starting out our lives together Night is in your eyes



The music starts to play. At ewan ko kasi parang merong ano sa hangin na nakapagpabigat ng dibdib ko.

This is it! Ikakasal na talaga siya.

Laking pasalamat ko dahil madilim kung nasaan ako ngayon. Kaya malaya kong hinahayaang bumagsak lang ang luha ko.

The motif of their wedding is Fairytale Wedding. Unlike common weddings, ginaganap ito sa isang open field under the million stars. Yes, gabi ngayon proving to everyone that they belong to each other.

Naglalakad na ngayon sa aisle ang prinsesa patungo sa naghihintay na prinsipe. Kitang-kita sa mga mata nila ang labis na tuwa sa bagong kabanata ng buhay nila as soon to be  king and queen of their own lives.

Habang ang witch? Tahimik lang siyang umiiyak sa sulok wishing na sana matanggap na niya ang katotohanan. Na ang prinsipe ng buhay niya ay hari na ngayon ng iba.

     "Do you Josh Valerio, take Kathleen Andadi to be your wife?  To have and to hold; in strength and in weakness; in success and disapointment; to love her today, tomorrow, and for as long as you live?"

Biglang nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko but I just did a forced smile. Siya ang unang nagbawi ng tingin.

     "I do"

Everything goes fast. The priest announced that they are now husband and wife. And I don't have a right to stay here any longer.

Naglakad na ako palayo. Palayo sa lugar kung saan ko nasaksihan ang tuluyang pagkawala niya. Pero gaya niya, I just need to face the new chapters of my life but now, without him. Walang Josh na mangungulit upang lumabas. Walang Josh na bestfriend ko. Walang Josh na pinaghuhugutan ko ng lakas. At walang Josh na lihim kong minamahal.

    "Hello? Mic test?"

Napatigil ako sa paglalakad. Muling bumalik ang tingin ko sa kanila. Dito na rin pala gaganapin ang reception. Nagkakasayahan na silang lahat.

Pero napako ang tingin ko sa lalaking may hawak ng mikropono. Nakatingin rin siya sa akin.

    "Alam kong lahat kayo hindi pa alam ang kuwento namin ni Kath. Ano ba yung mga napagdaanan namin bago kami nag-'I do'? So give me this privilage to tell our own little fairytale."

Ano 'to? Bakit ayaw talaga akong paalisin ng tadhana palayo sa kanya?  Bakit sa tuwing ihahakbang ko ang paa ko natatagpuan ko na lang ang sarili kong lumilingon at bumabalik sa kanya?

     "To start the story, hindi ko naman talaga dati mahal si Kath. Well, hindi namin mahal ang isa't isa. Bakit? Because that time, I'm in love with someone else.
     Pero hindi basta-basta ang someone na yun. She's my bestfriend. Kaya ganoon na lang kahirap umamin sa kanya. Kung meron siguro akong pinakatatakutan, yun ay ang REJECTION. Natatakot akong sabihin niyang hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Natatakot akong isipin niyang pinagsamantalahan ko ang pagkakaibigan namin.
    So Kath and I agreed to play pretend. Noong una, balak lang naming pagselosin si bestfriend but I suddenly found out myself falling in love with her. Nangyari ang first break-up namin ng umamin ako sa kangyang siya na ang mahal ko. Wala naman kasi yun sa usapan.
    I know how stupid I am ng gamitin ko pang rebound si bestfriend. I tried to love her again but I can't. Because that time, I'm head over heals in love with Kath. So I did everything to win her back. Pero doon naman umamin si bestfriend. Funny noh? Noong mahal ko siya, hindi niya ako mahal. At ng may mahal na akong iba saka doon naman niya ako minahal.
    But thanks to her dahil kung hindi sa kanya, hindi ko magiging asawa ang isang Kathleen Andadi. Mrs. Kathleen Andadi- Valerio, mahal na mahal kita."

Tumakbo na ako ng mabilis pagkatapo kong marinig lahat ng sinabi niya. Bakit ngayon ko lang nalaman na noon pa pala ako may pag-asa? Na ang tanga ko lang upang hindi man lang tumaya.

I run as fast as I could. Tama na! Tama na ang lahat ng sakit! Nakakasawa na!

Tumigil ako ng makaramdam ako ng pagod. Tumingala ako sa langit na parang nandoon ang sagot sa lahat ng sakit na nasa loob ko. Pumikit ako ng may nakita akong wishing star saka nag- wish. But this time, iba na ang wish ko.

Sana makita ko na si the one.

Umikot pa ako upang langhapin ang lamig na binibigay ng hangin.  Mag-isa na ako.  At pangako ko sa sarili ko, kakayanin ko 'to.

Dahil sa kakaikot ko, may nabangga ako. Bumagsak kaming pareho sa lupa. Pumaibabaw ako sa kanya. Tumilapon pa yung hawak niyang cellphone.

    "Hell, bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" he shouted at my face.

Doon ko nakita na namumula rin ang mata niya. Halatang umiiyak din siya. Tumayo ako sabay pagpag sa damit ko.

     "Sorry, hindi kita nakita . Tumatakbo kasi ako eh habang nakatingin sa likod hoping na nakasunod siya sa akin. Pero wala. Hindi niya ako hinabol."

Hindi ko alam kung bakit naging ma-drama ako bigla. Siguro dahil sa lahat ng sakit na dinaanan ko.

    "Pareho pala tayo. In my case, ako ang naghahabol."

Napaupo siya sa damuhan. At doon ko lang na-realize na siya yung lalaki noon sa waiting shed malapit sa paradahan. Yung lalaking pilit pinapasayaw ang girlfriend niya sa ulan.

Umupo ako sa tabi niya. Dahil siguro pareho kaming broken hearted kaya magaan ang loob ko sa kanya.

Katahimikan ang namagitan sa amin. Tahimik kaming umiyak habang inaalala ang bigo naming pag-ibig. Tahimik kaming humihiling sa bawat shooting star na nakikita namin.

Until I found myself resting on his shoulder while his hand stroking my hair.

***The End***

Kahit Kunwari [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon