The Invitation

1K 26 0
                                    


    Ayaw na talagang paawat ang langit sa pag-iyak. Kaya halos takbuhin ko na ang daan pabalik sa apartment ko. Kung bakit ba naman kung kailan nagdesisyon na akong makalimot saka naman bumagyo. Parang nananadya lang.

Basang-basa na ako ng makarating ako dito. Nilalamig na rin ako pero wala doon ang isip ko.

Nagkabalikan na pala sila. Good for Josh then.  Sana this time, mahanap na nila ang happy ever after nila. I wish them luck.

As I've enter dito sa apartment, ang malungkot na ambiance agad ang sumalubong sa akin. This apartment is full of memories with him. Dito kami laging tumatambay 'pag walang klase. Dito rin namin ginagawa ang mga kabulastugan gaya ng maghapong pagkakalat na sa huli'y siya rin ang maglilinis dahil wala rin naman siyang choice.

Inilapag ko ang dala kong malaking bag.


      "Mahal na mahal mo talaga ang ulan noh?"

Natigilan ako sa boses na yun. Kahit nakatalikod ako, hindi ako puwedeng magkamali.  Boses lang naman niya ang kayang pagtibukin ang puso ko ng sobrang bilis. At boses niya din lang ang kayang pasikipin ang dibdib ko.

Huminga ako ng malalim saka matapang ko siyang hinarap. There, I saw the prince na basang-basa rin ng ulan. Gusto ko sanang isipin na meant to be kami pero huwag na lang. Masasaktan lang ako.

Ngumiti siya. Ngiting alam kong kay Kath nanggagaling.


     "Ah, oo. I always love rain." pilit ang ngiting gumuhit sa labi ko ng sinabi ko yun.

Shane, huwag kang umiyak. Not this time.

Yung totoo? Ayaw ko  na talaga sa ulan. Bakit? Dahil sa kanya nawala ang kaisa-isang pag-asang meron ako. Dahil sa kanya, sinira niya ang diskarte ng witch na balang araw magiging prinsesa rin siya. Nang dahil sa ulan na yan, pinaalala niya lang kung ano ba talaga ako sa lalaking mahal ko.

Napatingala ako sa kisame ng mag-tubig na naman ang mata ko. Bakit hindi ko mapigilan ang mata ko sa pagluha?  Bakit ang hina-hina ko? Bakit hindi ko makuhang maging malakas sa harap niya?  Bakit pagdating sa kanya nakakalimutan ko ang kaunting katinuang meron ako? Bakit all this time na kahit paulit-ulit akong sampalin ng masakit na katotohanan mahal na mahal ko pa rin siya?

Shane, huwag kang umiyak. Please, please.


      "Anong meron diyan sa kisame?"

Hindi pa rin ako nagbababa ng tingin. Natatakot akong kapag ginawa ko yun ay bigla na lang bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilang tumulo. Ayokong umiyak sa harap niya. Ano namang dahilan ko kung sakali 'di ba? Alam kong pagtatawanan niya lang ako 'pag inamin ko ang totoo.

     "Ang tagal ko na palang hindi nakaka-agiw noh?"

Tumalikod na ako dahil ang bigat-bigat na ng mata ko. At doon na nga bumagsak ang pesteng luha ko.

Nagkunwari akong nag-aayos ng sofa.

     "Saan ka pupunta?"

Pinunasan ko muna ang luha ko bago sumagot.

   "Uuwi muna ako."

Katahimikan ang sunod na nangyari. Bakit ayaw talagang tumigil sa pag-iyak ang mata ko? Ang tanga lang noh?

   

     "Kath and I are back."

Parang dinaganan ng sampung bato ang puso ko sa sinabi niya. Alam ko na yun pero bakit ang sakit pa ring marinig yun mismo sa kanya? Alam kong dapat akong maging masaya para sa kanila pero bakit ang hirap yun gawin ngayon? Bakit hindi ko mapigilan ang sakit ngayon na dati nama'y natatago ko?

Parang gusto kong matawa sa pagka-unfair ng mundo. Pareho naming mahal siya ni Kath. Tingin ko pa nga mas mahal ko siya eh. Pero bakit isang move lang ni Kath bumabalik na siya agad dito?  Samantalang ako, nagawa ko na lahat pero wala pa rin. Hindi ko pa rin siya maangkin.

Muli kong pinunasan ang luha ko bago ko siya hinarap.

Ngumiti lang ako kasi natatakot akong gumaralgal ang boses ko.

     "Oh bakit? Hindi ka ba natutuwa?"

Ganoon na ba ako ka-obvious?

Hindi pa rin ako nagsalita. Sadyang bumibigat lang ang dibdib ko ngayon. Para itong sasabog na ewan. At hindi ko na nga kinaya ang emosyon ko. Naluha na lang ako sa harap niya.

Siguro ito na rin yung time upang masabi ko na ang lahat sa kanya. Ito naman na yung huling pag-uusap namin dahil bukas, wala ng Josh na naging parte ng buhay ko. Bukas, kakalimutan ko na siya.

     "Magagalit ka ba kung sasabihin kong hindi? Hindi ako natutuwa na nagkabalikan na kayo."

       "Huh?" Shock was written all over his face.

      "Dahil yun na ang pinaka-selfish na bagay na mangyayari sa akin."

Nakakunot ang noo niya. Malamang naguguluhan siya. Buti nga siya eh naguguluhan lang. Eh ako? Nasasaktan ng hindi niya nalalaman.

      "Wait? What are you---"

     "Dahil paano naman ako?"

Napahagulgol na ako. Tuluyan na ngang sumabog ang lahat na nasa loob ko.

Hindi siya nakapagsalita.

     "Paano ako matutuwa sa balita mo kung katumabas naman nito'y ang muling pagkadurog ng puso ko? Josh, all this time sinubukan kong maging masaya para sa inyo pero sa tuwing nakikita kitang lumuluha dahil sa kanya, may part sa aking gustong agawin ka mula sa kanya.
    Huwag kang magagalit pero may gusto ako sa'yo. At hindi ko yun ginusto. I promise, I did everything to get rid of this fucking feeling pero ang hirap eh. Nahulog lang ako ng nahulog sa'yo hanggang sa 'di na ako makaahon.
    And you know wht hurts more? Yun ay ang katotohanang hindi mo ako kayang saluhin dahil hawak mo siya. Na I need to stand all by myself at subukang takpan kung ano mang pagmamahal meron ako para sa'yo.
    Noong time na naghiwalay kayo, I may sound selfish, pero hindi ko naman kasalanan kung maging kasiyahan ko ang kalungkutan ng iba 'di ba? Lalo na yung balitang break na kayo dahil finally, magkakaroon na rin ako ng chance diyan sa puso mo.
    Pero ang tanga ko lang upang maisip yun. Ano nga palang laban ko sa prinsesa 'di ba? I'm just a stupid witch hoping that someday the prince could notice her. Hoping that someday, the prince can love me as much how I love him."

Matapos kong sabihin yun ay napaupo ako sa sofa. Pakiramdam ko, sobra akong napagod.

     "Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan?"

Mataman ko siyang tinitigan sa mata.

    "Bakit 'pag sinabi ko ba ng mas maaga may mababago ba? Kapag sinabi ko ba noon, iiwan mo siya? Or worse, 'pag sinabi ko ba, maniniwala ka?"

Hindi siya nakasagot. At lalo pa akong naiyak dahil doon. Kahit hindi na siya sumagot alam ko na ang ibig sabihin ng pananahimik niya. And it hurts.

     "Kalimutan mo na ako at kakalimutan na rin kita. Bukas na ang alis ko at hindi mo na ako makikita pa. Now, leave." madiin kong sabi.

Tumalikod na siya. Nakailang hakbang na siya ng bigla siyang bumalik. May iniabot siya sa akin.

      "Hihintayin kita"sabi niya bago lumabas.

Tiningnan ko ang binigay niyang magandang papel. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha pero alam ko kung ano ito.

Fuck! Bakit ayaw tumigil ng luha ko? Nasabi ko naman na lahat ah!

Siguro dahil umasa na naman ako ng higit sa kanya. Siguro dahil umasa akong sasabihin niya ring mahal niya rin ako.

Pero anong nakuha ko mula sa kanya?

Invitation sa kasal nila ni Kath.

Napapikit na lang ako ng mariin habang pinipigilan ang luha kong alam kong hindi rin papipigil.



Last part soon.

Kahit Kunwari [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon