Chapter 1

30 2 0
                                    

Chapter 1

Ceana POV

Hala mag-aalas dos na pero malapit na din naman ako.

Pagbayad ng pamasahe karipas agad ako para makatime in sa oras. Shoot! Saktong-sakto lang pagdating ko. Natawa nalang yong gwardiya skin.

Sa isang 3-storey, 30 rooms na hotel ako nagtratrabaho. Front Office associate ako dito ang shift duty ko ay mula alas-dos nang hapon hanggang alas-onse nang gabi. Sa ganoong oras ang trabaho ko ay gumawa ng departure letter at billings ng mga guest ng magchecheck out the next day. At gawain ko rin ang guest list para mainform ang ibang department sa arrival at departure guest for the next day also.

"Oh, dito na pala si Ceana." si Mam Ella. Wala naman syang posisyon dito sa hotel pero dahil matagal na sya dito Mam tawag namin sa kanya. Isang regular employee na din sya.

"Bakit mam may problema ba?"tanong ko na nag-aalala.

"Wala naman ah. Baka late ka naman daw kasi." sabay ngisi.

Lagi kasi akong late, minsan 30mins late o higit pa dyan. Hehehe. Pero di lang naman di ako eh lahat naman kami. Oh diba patas lang naman.

"Madami bang check out bukas?" tanong ko.

"Di namin alam pero parang yata. Aist. Tapos daming arival din" si mam Ella.

"Busangot na naman mukha ng mga taga housekeeping nito sigurado." natatawang sambit ni Mia, isang ding FO. "Baabyee out na ako. Out na ako Mam Grets. Goodluck para bukas." paalam nito matapos nyang maipasa ang cash box at magbilin tungkol sa mga guest sa akin.

Si mam Gretel ang overall manager ng hotel pero di nya sakop ang restaurant at sya rin ang in-charge sa reservation.

Pagkaupo ko s harap ng computer, cheneck ko sa computer kong ilan ang check out. "Tsk. Hala madami nga. Check out tas check in agad. Ang saya na naman nito."

Inuna ko munang gawin ang guest list, dahil di pa nakapag-indorse ang morning shift ng taga restaurant ng charges mamaya nalang ako gawa ng letters at billings.

"Ceana para sayo." inaabot na pera si mam Ella.

"Wow thank you. Dun ba sa mag-asawang Hanson nanggaling 'to?" Tip iyong galing sa nagcheck out na guest.

"oo. At dun sa magbabarkadang Australian."

Minsan kasi may mga guest na nagbibigay ng tip each department, di nila hinuhulog sa tip box na centralized para buong staff ng hotel. Kung minsan pa nga my pangalan talaga kung para kanino ung tip na nakaenvelop. Basta maganda pakitungo mo sa mga guest nagbibigay sila nag tip.

Ang maganda sa hotel na ito kahit maliit lang maganda ang service. Gusto kasi ng may ari ang trato namin sa mga guest ay parang isang kaibigan o pamilya na nagbabakasyon sa bahay namin. Kaya accomodating kami sa lahat ng kailangan nila. Isa iyong sa mga rason kung bakit maraming returning guest sa hotel na ito.

At isa pang kagandahan ng hotel na ito na pabor saming mga empleyado_ hindi bawal ang cellphone at sa office pwede kaming mag internet. Tapos ang mga taga restaurant, gamit mga smartphones nila sumasagap ng wifi. Ang condition lang naman eh, dapat tapos mo na mga gawain mo(lalo samin sa office) at hindi busy or walang guest ang mga taga resto. Oh diba bongga!

Hey there's more. Minsan ang boss namin naglilibre nang pizza para sa lahat ng staff. Basta fully booked or over booked ang hotel at ung isang business na isang magandang adventure sa isla ay madaming guest. Shoot yung may pizza kami at minsan may ice cream pa. Sarap magtratrabaho sa ganitong environment.

"Ceana maganda mamaya ang Princess and I." si Mam Gretel.

"Talaga mam? Tsk. Malalaman na ba na sya ang nawawalang prinsesa?"tanong ko. Ito pa pala, sa office may tv.Hahaha. Sarap ng buhay namin noh?

"Oo malalaman na."nakangiting sagot ni mam.

"Kayong dalawa talaga. Sige out na din ako. Wala na rin yata akong indorse sayo, wala na namang arrival. Babooosh." paalam ni mam Ella.

Alas singko na pala di ko namalayan ang oras. Mula sa ganoong oras dalawa nalang kami ni mam Gretel ang tao sa office hanggang mamaya pag out ko na alas onse.

"Ano kaya ulam natin ngaun mam?" Oi yun pa pala maganda sa hotel na ito free meal kami. Galing talaga anu?hahaha. Kaya gustong gusto ko dito magtrabaho.

"Di ko nga din alam eh. Kanina tinolang manok ulam namin."

"Sarap naman. Sana ginataang gulay at isda ngayon."

"Tawagan mo kitchen at tanungin mo para kung di masarap eh papabili ako sa labas."

"Ahhm. Puntahan ko nalang mam. Maghahatid din naman ako nang guest list eh."

"sige kaw bahala."

"Indorse muna mam ha?" tumango lng siya bilang sagot.

Inuna ko munang hinatid ang guest list nang beachfront resto at ang hotel resto, bago dumaan sa kitchen.

"Hello mga kuya, Guest list oh." sabay abot ko. "Anu nga pala ulam natin mamaya?"

"Salamat. Adobong manok. Bakit gutom kana ba? Aga pa eh! Dami mo talaga sigurong alaga jan s tyan mo." biro nila.

"Hindi pa naman. Gusto ko lang malaman anu ulam. Dami talaga." nakangisi kung sagot.

"Ang lakas mo ngang kumain pero payat ka pa rin. Palayasin mo na kasi mga alaga mo na yan."

"Ayaw nila eh. There enjoying my stomach and immune na rin ako." natatawang sagot ko. "Sige balik na sa office si mam Grets lang nandun eh."

"Baliw. Sige layas. Tsupi. Tsupi." sagot ng isang staff.

Pagbalik ko sa opisina sinabi ko kay mam ang ulam namin. At balik ulit ako sa trabaho ko. Inuna ko nalang muna check kong ang mga arrival bukas ay nagpaarrange ng transfer sa amin na Kalibo ang flight para makafax ko ang flight details sa tourist bus na magsusundo sa kanila sa airport. Mamaya ko na itutuloy ang paggawa nang departure letter at billings.

Halos hindi ko namalayan ang oras, mag alas syete na nang matapos ko ang mga letter at billings. Nakakain na rin si mam Grets, pinauna ko na sya kanina. Kakain nalang muna ako bago ko iprint at islip sa pintuan ng mga guest ang letter.

A/N: I want to hear your voice.(nagsusumamoangmukha)

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon