Chapter 3

10 0 0
                                    

Chapter 3 

Pag- uwi ko sa tinutuluyan kong bahay kinuwento ko kay Mithcy tungkol sa pag-uusap namin ni Axel. Kinilig naman ang bruha.

"Ayeehhh! Twinny, malay mo diba? Baka seryoso talaga sya." kinikilig na sabi nito. Madami kasi nagsasabi na mgkamukha kami kaya ayun twinny na tawagan namin. We treat each other’s like true sisters.

Magkasama kami sa isang room na inuupahan namin. Double deck yung bed, ako sa taas at siya sa baba.

"Gaga." sagot ko. "Pero sa totoo lang twin, ngayon lang talaga siya naging ganun, yung hindi nagbibiro ang tono niya sa pag-uusap namin. Haist kainis naman." Sabay buntong-hininga.

"See. Text mo kaya o tawagan mo."

"Ayoko ko nga. Di nanman nagrereply mokong na yun kahit itext mo pero ewan ko lang kung tawagan ko.”

“So how will you able to know if totoo talaga mga sinabi nya?” seryosong tanong nito.

“Ewan. Natatakot ako twin.” Sa totoo lang natatakot sa maari nya pang masabi pagkausap kami uli. Those words keep bumping into my head, ‘your my happiness’ ‘hintayin mo ako pagbalik’ ‘hintayin mo nga ko paulit-paulit’ ‘baka di ka mkapaghintay at palitan mo ko’. Di ko talaga alam kong paniniwalaan ko ba o huwag ko nalang pansinin.

“Bakit naman?” nagtatakang sagot nito.

“Hindi ko nga din alam eh.” nasagot ko nalang. Pero parang may sumisigaw na alam ko yung sagot pero ayoko ko lang aminin sa sarili ko. Parang may binuhay siya sa akin na matagal ng nakatago. At ngayon parang tumindi pa dahil sa mga sinabi niya. This is not right, it’s so impossible. I was hating him since we’re kids ngayon lang kami parang naging magkaibigan. He was so mean kid- a master in bullying.

“Hay naku kambal, dapat mag-usap kayo ulit.”biglang narinig kong sagot nang kambal ko.

“Yeah, I know. Pero di ko alam kong paano.”

“Anung hindi mo alam?” nakataas ang kilay na sabi nito.

“Hay, ikaw nga magbasa nun twin baka mali lang interpretasyon ko." Nasagot ko nalang. Baka nga talaga mali lang pagkabasa at intindi ko sa mga sinabi nya. At assuming lang ako. Oo tama assuming lang talaga ako and I should read it again, too.

"Sige bukas ipabasa mo sakin.” Sagot nito sabay higa na. “For meantime matulog na tayo at maaga pa ako bukas."

"Sige. Goodnight twinny." Sagot ko sabay halik sa pisngi at ganun din siya.

"Goodnight my dear kambal." At umakyat na ako sa higaan ko.

Paghiga ko hindi agad ako nakatulog nasa isip ko pa rin ang pag-uusap naming ni Axel. Puro tanong ang nasa utak ko and only him could give an answer. Dapat talaga mag-usap kami ulit pero paano? Parang after what happened ayoko ko nang mag-initiate ng conversation. Dapat siya ang unang magmessage sa akin. Sana lang online siya bukas. Or I hope he will text or call me to clarify all those things.

------

 

Paggising ko wala na ang kambal ko alas sais kasi duty niya at ako mamaya pang hapon. Pagtingin ko sa relo alas dyes na pala, hindi muna ako bumangon. Kinapa ko yung phone sa ilalim ng unan ko para tingna kong may message ako.

I have four messages and 1 missed call, kinabahan ako bigla, sana si Axel ang nagtext at sa kanya ung missed call. Pumikit ako sabay pindot nang read button, at unti-unti kong binuksan mata ko.

At........................ wala, none of those were a text message from him, nadissappoint ako. Pati yung call hindi rin,galing sa kuya ko ung missed call.

Isa mga text message na nereceive ko ai galing sa isang kaibigan at dating katrabaho namin ng kambal ko. Kinuwento ko din sa kanya tungkol sa pag-uusap namin ni Axel.

Trina: Talaga Ate C?

Me: Oo, pero baka pinagtritripan lang ako ng sira ulong yun?!

Trina: Pwede din. Pero sabi mo nga ngaun lang sya naging ganun. Why not try to call him?

Me: No, ayoko baka pagtawanan lang nya ako. Gusto ko sya magreach out sakin.

Trina: Pero what if nahiya na sya sayo?

Me: Bahala siya!

Trina: Gusto mo tulungan kita sa kanya Ate C?

Me: Wag na nakakahiya.  Hayaan mo nalang siya.

Trina: Alam mo ba kung kelan siya aalis?

Me: Nope

Trina: Sa March 8 na. Nagkausap din kassi kami kagabi.

Me: Lapit na pala.

Bigla nalang ako nakaramdam ng lungkot.

Trina: Kaya nga eh. Dapat mag-usap na kayo. Tawagan mo siya o kaya text mo nalang.

Me: Still ayoko. Hayaan mo siya. Ok lng naman skin maghintay ako e. What is ^ mos anyway,db?

Trina: Sabagay.

Me: Sige Tri, kain na muna ko. Talk to you later.

Trina: Ok. Take your time.

After namin mag-usap hinanap ko Sa contacts ang pangalan ni Axel.

Tatawagan ko ba sya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon