Chapter 3-

307 9 0
                                    

“””””””””””””””

"Lloyd Daniel Sebastian POV"

Kasama ko ngayon yung mga tropa kong dancer rin sa Laurenimo High. Sila nga pala si JC at Aaron. Sila ang mga tropa kong ginagawa lahat ng paraan maligawan ko lang si Alexandria Dela Paz o mas tinatawag na Alex. Nahingi kona ang number niya, Check nayun sa listahan ko. Oo may list kasi ako kung paano nga ba makuha ang damdamin ng mga babae at yun ay si Alex. ang matagal ko ng pangarap.

"Listahan ni Torpe Lloyd" Oo asar diba? Mga kaibigan ko gumawa ng pangalan ng listahan ko, pero shempre ako ang gagawa ng pinaka moves ko yun nga lang tinutulungan parin ako nila Jc at Aaron. Hirap talaga pag laking Torpe. Inaamin ko.

“Listahan ni Torpe Lloyd”

*Makuha ang number ni Alex- 
*Matext siya sa umaga, tanghali,hapon at gabi-
*Maging malapit na kaibigan niya-
*Yayain siyang kumain ng Lunch.-
*Mahatid siya sa bahay nila.-
*Yayain mag date-
*Aminin ang nararamdaman-
*Tanungin kung pwede manligaw-
At kung basted ka man bro, wag kang mawalan ng pag-asa, ipakita mo sakanyang deserving ka.
*Iparamdam sakanyang espesyal siya-

Eto lang naman ang listahan ng moves kung saan ito ang ginawa ng tropa ko na sina Jc at Aaron. Gagawin ko ba talaga to? Pero sabagay. Nasimulan ko nanaman eh. Bakit hindi ko pa ituloy diba? Kung basted man ako, masakit man pero kailangan tanggapin. Tama nga ang sinabi ng tropa ko “Kung basted ka man bro, wag kang mawalan ng pag-asa, Ipakita mo sakanyang deserving ka” minsan din talaga may pakinabang tong mga tropa ko sakin. Kaya hanggang ngayon tropa parin kami. 1st year kami nagsimula maging tropa hanggang nayong 3rd year kami walang pinag bago. Tatag namin oh! Yun nga lang NGSB ako. Hirap talaga paglaking Torpe. Sila? Yung mga tropa ko yun? Wala ata dung nagtatagal na babae, pano ba naman kasi daming kalokohang alam. Pero ako? Stick to one ako. Pag sinabi kong ikaw, ikaw lang ang mahal ko. Yan ata si Lloyd. Torpe man pero pag nag mahal taob kayong lahat.

“Bro, Okay na nasakanya na yung rose, ayun oh” sabay turo ni Jc.

“Baka naman halata na ako ang nagbigay ah” angal ko sakanila.

“Pare kami na ang bahala, wag ka na mag alala, ang nakalagay lang naman dun GOOD MORNING BEAUTIFUL HAHAHAHA ang cheesy mo pare” sabay akbay netong si Aaron.

“Pag kami ang umaksyon siguradong maayos ang magiging reaksyon” si Jc , ano daw?

“Anong point mo ron? Pag ako hindi? Masasapak kita jan eh” sagot ko sakanila sabay tanggal ng pagkakakbay ni Aaron.

“Hindi naman bro, tignan mo ngang NGSB ka, Torpe mo kasi” Realtalk pa sige lang, paduduguin ko talaga yang mga mukha niyo, makikita niyo.

“Kaya nga nabansagang TORPENG DANCER EH” sigaw naman netong ni Jc

“Aba pinag tutulungan niyo ko ah” akmang sasapakin ko na sila pero shempre kunwari lang. Tropa ko parin tong mga to no.

“Uy Lloyd teka lang, nagbibiro lang kami. HAHAHAHAHA” aba tumatawa pa tong mga to ah.

“Tara na nga pasok na tayo sa klase” pagaanyaya ni Aaron.

“Uy dadaan tayo sa harap nila Alex kaya Lloyd wag ka masyado pahalata” alam ko nayan. Kaya nag lakad na kami ng biglang narinig ko ang pangalan kong pinag uusapan nila, Alam kaya niyang ako ang nagbigay? Wag ganon. Bigla akong hinila netong dalawang to at nagtago sa likod ng puno na kunwari ay may hinihintay kaming tatlo. Loko lang eh no? mga chismoso, kalalaking tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang TORPE kong manliligaw.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon