CHAPTER 2-WELCOME JOB

27 3 3
                                    


  CJ  P. O. V. ❤

Andito ako ngayon sa dormitory namin. Nasa room ako ni Pat. Lunch time na. Dito na daw kami mag lalunch. Pinagluto kasi siya ng mama niya ng pork steak nung sabado bago siya pumunta dito. At heto, iniinit ko ang steak ngayon.

Namimiss ko tuloy ang mama ko. Namimiss ko na ipagluto niya ako. Ako sana ang pinagluluto niya ngayon hindi ang mga customer nila. Yes, she's working in a restaurant. Sa Laguna.

I want to blame all people. Pero anung magagawa ko? Kapag ginawa ko yun ako pa ang may kasalanan. I hate my life.  I hate my family..

"Galit ka?! " sigaw ni Pat saakin.

"Hindi bakit?!!" Sigaw ko din sa kanya.

"Eh sunog na ang steak kanina pa! Halo ka lang diyan nang halo habang ang dalawang kilay mo magkasalubong."

Inalis ko na ang steak at pinatay ang apoy. Walang hiya!

"Alam mo, hindi mo yata gusto rito kumain eh. Napilitan ka lang. " sabay pout niya.

"Sorry. Naalala ko lang kasi si mama." Guilty kong saad.

"Haysst.. Okay okay. I understand you. Halika na, kumain na tayo. Kahit sunog to masarap pa rin to."

"Talaga?! Paano naman? "

"Siyempre si mama ang nagluto nito eh."

Natawa nalang ako.

Pagkatapos naming kumain ako na ang naghugas.

"Kailan ka magpapakita sa amo mo CJ? " nabigla ako sa tanung niya.

Oo nga pala. Nakalimutan ko.

"Mag papakita ako mamaya kay Mrs. Serena at magsisimula na rin akong magtrabaho." sagot ko.

"Ah. Good luck ha."

Ngiti lang ang sinagot ko sakanya at naupo na ako sa upuan ko. Andito na kami sa classroom at malapit nang magsimula ang klase.

~~··~~♥♥~~··~~

"Good bye Sir!"

Kaaalis lang ng Science teacher namin.

"Pat uwi na ako ha. You know trabaho." paalam ko sa kanya.

"Sige babye! "

Lumabas na ako ng classroom namin. Habang naglalakad papuntang dorm,  nakita ko SIYA.

The Precious Life of MineWhere stories live. Discover now