Chapter 8: Tropa

21 2 0
                                    

Chapter 8

KEVIN'S POV

Monday ngayon absent ako sa School. Napag kasunduan kasi namin na magkaka tropa na ngayon mag sama-sama ng makumpleto kami kahit minsan

Minsan lang kami mag sama-sama eh. Yung mga dahilan minsan mag b-basketball, maghahanap ng chicks, may date ng gf nila, tapos yung iba may project kaya hindi makakasama.

Aba kahit mga tarantado yan nag-aaral pa rin sila. Ang mahal kaya ng tuition fee sa school namin!

"Hello? Nasaan na ba kayo?"

"[Nandito na kaming lahat sa Mcdo ikaw nalang ang hinihintay. Kupad mo pre!]" Tyler

"Ang hirap mag ayos ng buhok eh!"

Kausap ko yung isa sa mga tropa ko. Bali walo kaming lahat. Ang totoo niyan na late ako gumising kasi masakit katawan ko kahapon sa Ice Skating namin nila Nadine. Pinilit ko lang talaga

"[Oo na! Ang daming Excuses!]"

"Anong marami dun? Isa lang naman yung dahilan ko" -_-

"[Eeeh.. Basta ang gwapo ko!]"

"Tss. Malapit na ako diyan bayaran ko nalang"

"[Talaga bro? Naks naman! Salamat. love you bro!]"

"Ha? anong i love you?! Wala nama--"

Bastos binabaan ako! Ano ba yung sina-- Tsaka ko lang na realize yung sinabi ko 'bayaran ko nalang' hays. Tanga talagaaaa

Mapapa libre tuloy ako ng wala sa oras -________-

Pagdating ko sa Mcdo kaka order palang nila

"Naks naman Kevin. Galante ka na pala!" sabi ni Xian

"Ganyan talaga kapag Inlove. Kaya warren mag hanap ka ng ng true love mo ng grumaduate kana sa pagiging kuripot!" Sabi ni Chris

"Anong Kuripot?! Wala lang talaga akong pera. Kapag ako Yumaman!" Sabi ni Warren sabay tunga ng coke na akala mo beer yung iniinom

"Asa dude" Lester

"Truth Hurts talaga" sabi naman ni Kean

(A/N: Siya yung crush ni Macky)

"Hahahahahaha!!!"

Napuno lang ng tawanan namin ang Mcdo

"Oy Kit magkano ba lahat ng inorder niyo?" tanong ko

"650 daw lahat. Si Lester yung bumili eh" kit

"Siguraduhin niyo lang!"

Maya-maya nagka yayaan ng pumunta ng SM

Habang naglalakad kami bigla kaming nag asaran tungkol sa nalalaman namin sa bawat isa.

"Uy alam niyo ba si Xian umamin sa kanya yung ex niya na bakla pala. Shit happens hahahaha!" sabi ni Chris

"Hoy manahimik ka nga! Daldal neto bakla ka rin ba?! Pinaalala mo pa yun." Xian

"Seriously hindi mo nahalata?" Lester

"Hindi. Tanong mo pa kay Tyler nagandahan din siya"

"Oo na. Wala ka bang naramdaman na nakakahurt sa feeling mo?" Warren

"Meron konti nung nalaman kong the same gender pala kami. Syempre nakasama ko din naman siya eh" Xian

"Parang husbang lover lang. hahaha!" sabi ko

"Kevin tigilan mo ako! Mabait naman siya eh. Pero may natitipuhan na ako sa 3C"

"Naks naman may kapalit agad! sino naman yang baklang yan?" Kit

"G@go babae talaga yun. Pero secret muna" Xian

"Luh daya naman!! sabihin muna!"

sabi ni kean na feeling bata magsalita

"Ayoko nga! kakantyawan niyo ako eh!"

"eeeeh naman eh! dali naaaaa" Kean

"Hoy Kean tigilan mo nga yang baby talk mo!" sigaw ni Tyler

"Heh! Away mo ako. hindi na kita ililibre hmp!" Kean

"Ha!! Uy joke lang yun. Bati na tayo ah? Ililibre mo na ulit ako." tyler

"Hinde! Wala ng bawian!"

"Sayang may bago pa naman akong laro sa Xbox ko" Pang-aasar ni tyler

"Talaga?? Tara uwi ni tayo laro nalang tayo ng Xbox!"

Tss. Nakalimutan na yatang may kasama siyang iba -_-

"Hoy anong uuwi. Mag gagala pa tayo!" Kit

"Ngayon ko lang nakita na ganyan si Kean" sabi ni Warren

"Mukang nasapian ngayon eh" -,- lester

"Buti hindi ka nababanas diyan tyler" sabi ko

"Konti na nga lang masasapak ko na yan eh. Sobrang kulit"

"Hahahahaha!!!"

"Mga brad punta na tayong Arcade."

"May naisip ako! Paunahan makapunta sa Arcade kung sino ang mahuli mag bibigay ng 400 panglaro!" sabi ko

"Game!"

"Ready 1... 2...3!!"

Nagtakbuhan na kaming walo. Medyo maraming tao kaya hindi ka makakatakbo ng tuloy-tuloy.

Binilisan ko na yung takbo ko ginawa ko lahat para maka siksik ako sa mga tao.

"Prrrrrrrrrt!!" (A/N: Wistle po ng guard yan XD)

Paktay may nakakita sa akin. pumunta akong Escalator sumiksik ako sa mga tao para hindi na ako makita nung guard.

whew! Muntik na yun. Baka akalain nila magnanakaw ako -_-

Nung hindi ko na makita yung guard tumakbo na ulit ako. Ayoko ng manlibre ulit!

Medyo malapit na ako nakita ko si Kit nadapa sa bilis ba naman ng takbo niya.

Hahahaha! ang tanda na lampa parin, ma asar nga to mamaya x)

Malapit na ako kaya binagalan ko na nakakagagod din eh.

Nakikita ko na yung mga nauna sa akin bali 3 sila si Warren, Chris at Kit.

Grabe talaga to si Warren napaka kuripot siguro siya yung nauna sa aming lahat. Napatingin naman ako kay kit pft! naalala ko na naman yung kanina. Hahaha!

"Mga kuripot talaga! hahaha!" sabi ko nung pagkadating ko sa harap

nila

"Ikaw din eh" Kit

"Hoy nanlibre kaya ako kanina 650 pa nga eh! Uy kit nakita kita nadapa. hahahaha!"

"Nakita ko din yun kahit medyo malayo pa ako" biglang sulpot ni Tyler

"Nandyan ka na pala. Sino nalang wala?"

"si Kean at Lester. Natatanaw ko na si Xian eh"

Maya-maya pa nakita na namin yung dalawa. Siguro na ipit sa mga tao kaya nahuli.

"Go Kean woooo!" Warren

Sa huli nanalo si Kean. may injury kasi si Lester kakalaro ng basketball kaya nahirapang tumakbo

"Pambihira nabawasan ipon ko!" sigaw ni lester

"Masydo kasing adik sa basketball eh. Ayan ang napapala"

"Tama na sermon mag laro na tayo. Dun tayo sa Xbox magpapasikat tayo sa larangan ng pagsayaw. hahahaha!"

"Tara! baka makahugot ako ng chicks!" Chris

Actually hilig ko talaga sumayaw. Parang yun na nga ang bonding namin ni Nadine eh. Dancer kasi siya sa school ako parang nag a-audition palang.

Nakakatuwa talaga kasama tong mga kaibigan ko. Nakalimutan ko nga yung sakit ng katawan ko dahil sa Ice Skating eh.

Sana maulit pa ulit tong pagkumpleto namin

---------------------

A/N: Sorry guys na delete siya kaya inulit ko nalang :)

Roleplayers LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon