Chapter 10: Practice

20 2 0
                                    

Chapter 10

NADINE'S POV

Wednesday ngayon walang pasok.Nasa bahay pa ako namin para mag bihis ng comportableng damit para sa practice.

Sabi ni Kevin susunduin nalang niya ako.

Muka akong nakapang jogging pero nakashort ako. Ang inet kasi eh. SORRY SA MGA READERS KUNG NAIINITAN DIN KAYO ANG HOT KO KASI EH. SARREH -_____- joke. hahaha!

*Ding dong! ding dong! ding dong!*

Ay tipaklong! Kung maka pindot naman ng doorbell!

"TEKA LANG PABABA NA AKO! AYAN NA NAKA TATLONG HAKBANG NA AKO OH!" sigaw ko

Hindi pa din kasi tumitigil sa pag pindot ng doorbell

Pagbukas ko ng pinto (m-_-m)

Psh. Ang sarap suntukin eh akala mo first time.

"Problema mo?!" sigaw ko

"Tangsain" [A/N: Ikaw]

"Pwes problema din kita! Kung maka pindot ng doorbell!" sigaw ko

"so nakakaintindi ka pala ng Korean" kevin

"Syempre naman! Nag-aral kaya ako ng mga korean words!"

"Ang totoo niyan hindi ako marunong mag korean eh. Sinubukan ko lang. kaya nga nung nagpapatugtog ka ng Kpop sa sasakyan ko hindi ko maintindihan" sabi niya sabay labas ng Korean na dictionary

"Lakas ng trip mo ah"

"Actually I have Dong-saeng [A/N: Nakababatang kapatid] in Korea. Nag-aaral ako para maintindihan ko rin siya pag-uwi niya. Meron din akong isang kapatid 2 years lang yung tinanda kaso nagbukoad na siya." sabi niya

"Naks naman! Gusto mo madalas mag-usap tayo ng Korean words? Ang pinagkaiba lang ikaw may kopyahan"

"Chot sum-nida!" (Sure)

"Kap-ssi-da "(Alis na tayo) kevin

"Aye Aye Sir!"

Pagdating namin sa bahay nila nagbihis agad siya tapos pag baba may dala ng laptop tsaka speaker.

"So anong kanta natin?" tanong niya

"Gusto ko sa Umpisa ma drama tapos kapag medyo tumatagal na mag Chacha na tayo"

"Game! Uhm kung careless wisper kaya? mabagal yun!" kevin

"Tange! Ang pangit nun sobrang slow! Pang honeymoon kaya yun!"

"Eh kung Dance with my Father! Nakakaiyak yun!"

"Good Choice! Sige ipag mix mo na yung kanta. Medyo mahaba yung umpisa ah para akala nila yun ang presentation natin."

"Ha? bakit ako? Ikaw na nakakatamad eh!" kevin

"Ako ang mag mi mix niyan O ikaw lahat mag-iisip ng steps?" pang blackmail ko

"Eeeh. Sige na pls mag pa-practice akong mag korean eh"

"Kailan ba uuwi yang kapatid mo?" tanong ko

"Sa Saturday"

"WHAT?!!! Tss. Sige na nga ako na ang mag mi-mix ng kanta. Kainis naman sarili kong utos ako din pala ang gagawa" sabi ko

KEVIN'S POV

Nag mi-mix pa rin si Nadine ng kanta tapos eto ako nag-aaral ng Korean words.

Sila mama kasi eh hindi tinuturuan si Ken mag tagalog! Edi sana isa lang ang pinagkaka abalahan ko ngayon badtrip naman oh.

Eh mahina din ako sa English dobleng Badtrip hays

"P'i-nan... Tss paano ba to bigkasin?" pabulong kong sinabi

"Hoy baliw ka na ba kakabasa diyan?" sabi ni Nadine

"Ang hirap kasi bigkasin eh! Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" tanong ko

"Kakatapos lang. Tara practice na tayo"

Tinabi ko muna yung Libro.

Nagpractice kami ng 2 hours walang pahinga.

Grabe pala mag seryoso tong si Nadine akala mo terror teacher eh.

"Pwede mag pahinga? Pagod na ako eh! Ang init pa. Ang HOT ko talaga" sabi ko

"Anong hot? kapal nito akala mo may abs siya!" Nadine

"Wait Break time muna"

"Anee-oh!" (Hindi)

Anee-oh? Anong words yun?

Tinignan ko sa dictionary ko. 'Hindi' Pala ibig sabihin nun.

"Anong hindi?! Pawis na pawis na ako tapos hindi pa? Napapagod din ako!" Sigaw ko

Akala ko makikipag away sa akin pero bigla siyang tumawa

"Hoy baliw?" sabi ko

"Anong baliw? hahahaha!!

Nakakatuwa ka kasi eh. Late reaction titingin muna sa dictionary bago magreact ng OA. Hahaha!"

"Tss. baliw game na nga!"

Nag practice na ulit kami. Ang hihirap naman ng mga step niya gusto niya iikot ko daw sya para astig. Psh Ang daming alam -,-

"Aray! Saang bundok ka ba galing at hindi ka marunong mag chacha. Baka mamatay yung kuko ko sa paa, kanina mo pa tinatapakan paa ko!"

"Sorry naman eh hindi ako mahilig sa makalumang sayaw eh!" i said

"Hoy sa pag sayaw hindi puro hiphop!"

"Oo na. Turuan mo kasi ako hindi yung bigla kang gagalaw!"

"Hina kasi pumick-up eh"

"Nahiya naman ako sayo" +_+

Pagkatapos ng Sweet moments namin nag practice na ulit kami. Sweet na kami niyan ah -,-

"Oy bukas naman tayo mag practice wala namang pasok bukas eh. Pagod na din ako" sabi ko

"Sige. Uy tawag ka sa akin mamaya" Nadine

"Ha? bakit? Namimiss mo naman agad yung boses ko"

"Hindi kaya! Tutulungan nga kitang mag-aral ng Korean words eh"

"Ah ganun ba. Sige mamaya text mo nalang ako kapag naka uwi ka na." sabi ko

"Hindi mo ako ihahatid pauwi? Grabe naman to gabi na kaya! Baka may holdaper diyan sa tabi-tabi!" Nadine

"Hay oo na. Pahinga lang tayo saglit"

Humiga ako sa sofa tapos nagpatugtog. Nakakawala ng stress eh

"Tara na nga. Pa special ka ah" sabi ko

Pag-uwi ko sa bahay namin tinawagan ko agad siya.

"[Yobo-seyo?]" (hello?) Nadine

"Grabe yung bungad mo practice agad?"

"[Nae (Oo) Ano gusto mo bukas pa? Tsk. Game na nga. 'Nugui-ui?' ibig sabihin nun Kanino]"

"Okay. Nugui... ui? tama ba pag bigkas ko?" tanong ko

"[Ne (Oo) 'Kamsahamnida' ang ibig sa--]"

Pinutol ko yung sasabihin niya nang bigla akong sumabat

"Alam ko na yan, Thank you ibig sabihin niyan eh"

"[Bastos kang kupal ka! Tinuturuan na nga kita eh. Bahala kang mag mukang tanga sa harap ng kapatid mo!]"

"Ha? Oy wag!!! Kaya ko lang naman pinutol eh kasi alam ko naman talaga. Sayang oras kaya!" sabi ko

"[Tch. Ewan ko sayo!]"

At tuluyan na nya akong binabaan ng telepono. Bastos din mga babae talaga -,-

----------------------------------

A/N: Sorry matagal mag update broadband lang kasi kami eh.

Vote & Comment

Kamsahamnida ~

Roleplayers LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon