Chapter 12: Rehearsal

19 1 0
                                    

Chapter 12

NADINE'S POV

Today is the day... naks! Ngayon na yung dance presentation namin, I mean mamayang Dismissal. Sana makapasa si Kebs para naman hindi sayang yung pagod namin.

Actually nag excuse kami ni Kevin sa ibang subject para sa last practice namin.

Syempre pinili namin yung mga mababait na teacher para payagan talaga kami.

Sa labas lang kami ng room mag pa-practice.

hindi naman kami kita ng ibang section kasi di-Aircon ang school namin kaya kailangan naka close yung mga windows.

Pagpasok ng mabait naming teacher lumapit kami ni Kevin agad kay sir. Bakla to eh kaya baka pumayag pag si Kebs ang mag paalam

"Hi sir" Sabi ni Kevin

"Oh! Hi Mr.Saavedra may I help you"

Hala ka tolonde ang teacher niyo! xD

"Uhm. sir pwede po ba kaming mag practice sa labas ng room? mamaya na po kasi yung rehearsal"

"Sure!! since hindi naman ako magpapa Quiz ngayon pwedeng-g

pwede!" sabi nung Teacher ko

"Thanks sir!"

"Sabi ko sayo papayag yun kapag ikaw ang nagpaalam eh" sabi ko

"Syempre ginamitan ko ng Charm ko!"

"Anong charm saang banda? sa paa?"

"Ang sama naman neto! Kaya mo nga ako naging Boyfriend dahil sa gwapo kong to eh!" Kevin

"Asa! Naawa lang ako sayo 6 months ka na kasing patay na patay sa akin eh" sabi ko

"Bakit ikaw lang ba yung niligawan ko?"

"Aba malay ko sa buhay mo!" sabi ko

"Tch. Practice na nga tayo daldal mo na naman"

Paglabas namin ng room walang tao sa hallway class hour kasi eh.

Actually mahigpit na pinagbabawal na magdala ng gadgets dito sa school namin, kaya nagdala nalang kami ng maliit na radyo na pwedeng saksakan ng USB

"Ayusin mo sa chacha ah! Tatapakan talaga kita kapag nagkamali ka!" sabi ko

Dun kasi niya madalas nakakalimutan yung step eh.

"Game na. may 1 hour lang tayo magpractice. Terror na yung next subj eh"

Nagsimula na kami mag practice start na naman ng Pagseryoso ko.

*ff

After 45 minutes natapos na din kami. Grabe kapawis! Long sleeve pa yung Uniform namin. Ang init din sa hallway kasi wala naman tong Aircon -,-

"Wala ka bang panyo diyan? pahiram naman ako." sabi ko

"Ayoko nga! pawis din ako tapos ikaw gagamit ano ka sinuswerte"

T^T hindi talaga siya sweet sa akin. Sa mga palabas kapag pawis yung babae o kaya naman umiiyak binibigyan nung guy ng panyo si girl.

Tapos itong boyfriend ko naliligo na ako sa pawis hindi pa rin ako pinapahiram ng panyo. Grabe talaga T^T

"Damot mo talaga. bahala ka na nga sa buhay mo."

Walk out ang peg ko. bumalik na akong room hahayaan ko nalang matuyo yung pawis ko.

ANG TOTOO NIYAN TRIP KO LANG SI KEVIN EH. GUSTO KO LANG MALAMAN KUNG PAANO SIYA MAGSORRY. WALANG MAINGAY KALTOK BENTE! HAHA!

maya-maya bumalik na si Kevin sa room. basa yung buhok pumunta yata ng cr

buong subject hindi ko siya pinapansin. siguro nahalata niya na rin

Dismissal na nagpaiwan kami ni Kevin at Sara.

Kung nakalimutan niyo si Sara siya yung kasama ni kebs sa nag a-audition.

Magbibihis na sana ako biglang may tumawag sa akin.

"Nadine!" si kevin pala

Humarap lang ako sa kanya with Poker face expression. Syempre kailangan mag pangap!

"Galit ka ba sa akin? Sorry na, eto panyo oh"

SIRAULO BA TO. KUNG KAILAN TUYO NA YUNG PAWIS KO DUN NAMAN NIYA BINIGAY YUNG PANYO

"Di ko na kailangan niyan. Sige magbibihis na ako"

Nagpalit na ako ng damit. Yung damit ko na pang 80's pati na rin yung kay Kevin.

Paglabas ko ng Cr si Sara lang ang nandun

"Nasaan si kevin?" tanong ko

"May bibilhin daw siya eh. Una nalang daw tayo sa studio"

Saan kaya pupunta yun?

Pagdating namin sa Studio mga naka bihis na sila. Damit palang halata na kung anong klase ng sayaw ang gagawin nila eh.

Nung nakadating na si kebs biglang siyang bumulong

"May binili lang ako"

Maya maya nakumpleto na kaming lahat nagsimula na ang presentation.

Para hindi magkahiyaan kung sino ang mauuna nag bunutan kami ng number. bali pang 8 kami out of 15

Matagal tagal to. Sigurado ako gagabihin naman ako ng uwi

"Next number 8"

Woo kami na. Napa buntong hininga nalang kami ni Kebs

That when I was a Child~

This is it malupet

At first slow yung sayaw namin, Syempre alangan namang mag hiphop kami =_=

Yung iba nagtataka kung bakit iba yung damit namin sa sinasayaw namin.

Sinadya kasi namin Kevin na tagalan yung Dance With my father. Syempre kailangan ng pasabog para malupet

Ayan na... malapit na mag chacha.

Then.... Poof! Let's do the Chacha ariba ariba!! lol hahahahaha!!

"Woah!" sabi nung iba na nagulat.

Yung iba naman pumalakpak.

Ang bilis kasi namin ni Kevs. para kasing finastforward namin yung kanta ng .5

*bow*

*Clap clap clap* narinig namin ni kebs nung natapos yung sayaw

Hindi ko maiwasang mapangiti kasi succes yung pag-practice namin.

"Woah thats amazing Mr. Saavedra and Ms. Castro" sabi nung teacher namin

"Thank you maam"

Pagbalik namin sa dating pwesto bigla akong kinalabit ni Kebs.

"Sorry and Congrats gift ko sayo"

O/////O!! "Wow! Chocolate!"

Binigyan niya ako ng M&M, snicker tsaka Kitkat eh mga favorite ko to eh! yiiiie may pagkain na naman ako.

"At hindi lang yan. Ihahatid kita pauwi ng hindi pilit. Bati na tayo ah?"

Napatango nalang ako sa tuwa. Chocolate my beybi!!!

----------------------------

A/N: Ginanahan ako mag update eh. ^_^

Vote & Comment! :)

Roleplayers LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon