My Facebook Boyfriend

3.7K 101 66
                                    

A/N: 2014 pa itong story na ito, so bare with its kajejehan.

***

MY FACEBOOK BOYFRIEND
by CaptEmjay

"Yehey! Oh my gosh! May facebook na ako! OMG may facebook na ako!!!"

Bump!

"Aray! Bat ka nambabatok best?"

"Ang OA mo kasi. Dapat pala 'di na kita ginawan ng account eh."

"Ay ang sama. Grabe lang best, sinasaktan mo ang damdamin ko." at ako'y ngumuso ng bonggang-bongga 'yong tipong maaawa ka talaga.

"Ewan ko sa'yo. Tigil-tigilan mo nga 'yang kadramahan mo Beverly. Kung hindi ka nahihiya dyan sa kaOAhan mo, pwes ako, oo. Tignan mo nga, lahat halos ng nandito sa computer shop ay nakatingin na sa atin."

"Ay naku best, isa lang ibig sabihin n'yan. Magaganda kasi tayo." at ako'y pinasadahan ng masasamang tingin ng aking bespren. Kaloka, 'di naman 'to mabiro.

"Grabe best, kinakahiya ever mo na talaga ako. Pero sige, oo na. Tatahimik na ako. Ano? Masaya ka na?" at isa pang masamang tingin ang nakuha ko. Grabe sa sama ng tingin 'tong kaibigan ko. Ang yaman!

Pero teka, wait, saglit, sandali. Hindi pa pala ako nagpapakilala 'no? So magpapakila ako. Ako si Beverly Dimagiba, ang babaeng 'di magiba-giba kahit ano pang unos ang dumating. Ansabee? 16 na po ako. Maganda, pretty, beautiful. Self-support 'day. Haha.

At 'yong kasama kong kanina pa nagsusungit? Ay si Ading Dimayugyog naman 'yon, ang babaeng kahit anong yugyog ang gawin mo 'di talaga mayugyog-yugyog. Haha. Siya rin ang bespren ko. Masungit 'yon, halata naman kanina diba? Pero sometimes, mabait rin naman, ginawan niya nga ako ng facebook account eh. I love her for doing that. Goshness!

And speaking of facebook? OMG! I still can't believe it na may facebook na ako. That's one of my so-called-pangarap kasi eh, oo pangarap ko talaga ang magkaroon ng facebook account. Yeah mababaw man sa paningin niyo o ng iba dyan, e super napakalaking impact na para sakin ang magkaroon n'yan. Kasi naman sa loob ng labing-anim na taong pamamalagi ko sa mundong ito ay ngayon, oo as in ngayon pa lang ako nagkaroon ng ganyan.

Super uplated ever na ako diba?

***

Kinabukasan sa buhay ni Beverly...

"Ma! Alis na ako! Babooo!!!" sigaw ko sa aking mudra na sa kasalukayang nasa kusina ngayon.

"At saan ka naman pupuntang bata ka ha?" ganting sigaw ni mudrakels.

"Sa computer shop lang po nina Mang Boyet." sagot ko.

"Aba! Anong gagawin mo dun?"

"Pagnanasaan siguro si Mang Boyet?" sarkastikong sagot ko.

"Aba! Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko po, magkocomputer. 'Nay talaga. Ano pa bang ginagawa sa computer shop?"

"E malay ko ba. Sige na, umalis ka na at baka makaisip pa ako nang iuutos sa'yo."

"Ay may gano'n? Sige, sige. Baboo na talaga, baka ako'y mautusan pa."

At dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay. Baka makaisip pa si mudra nang maiiutos. No way!

After 3 years. Exaggerated ako alam ko 'yon. Haha. Siguro mga 10 minutes na paglalakad ay nakarating na rin ako sa computer shop.

"Hello Mang Boyet. Open hour po sa PC #1."

"Go ahead." anito. Ansabee? Ingglesero si Mang Boyet.

Random WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon