Thank U, Next! (Sean)

59 3 7
                                    

Thank U, Next! (Sean)


Sabado ng umaga, umuulan, nagkulong ako sa aking silid. Habang nakahiga sa maliit kong kama ay samu't saring bagay ang tumatakbo sa aking isipan.

Tulad ng... Ano kaya'ng feeling ng may jowa? Bakit kaya walang nagtatangkang manligaw sa akin? Maganda naman ako. Actually, ako nga lagi ang nae-elect na class muse simula elementary hanggang ngayong high school, at hindi 'yun dahil sa napag-trip-an lang ako ha. Totoong may ibubuga ang hitsura ko pero bakit walang nagkakagusto sa akin? What's wrong with me? Tell me! Tell me where did I go wrong?!

Tinalo pa ako ng pabida naming kaklase na si Daisy na puro boobs lang naman. Kung magpalit kasi iyon ng boyfriend, akala mo bra lang ang pinapalitan.

Haaaay!

Kailan kaya ako gigising nang may 'good morning beh, don't skip ur breakfast ha? Iloveyou!' message na bubungad sa akin?

Kailan kaya ako matutulog nang may 'good night beh, sweet dreams, see u in my dreams. Iloveyou' message na babaunin?

Kailan ko kaya mararansan ang HHWW, MOMOL, torrid kiss, french kiss, missionary, cowboy, doggy style? Ay charot! Joke lang, hanggang HHWW lang ako. Wholesome 'to, wholesome.

Pero kailan nga? Kailaaaaan?!

"AYA! LUMABAS KA NA RIYAN AT MAY IUUTOS AKO!"

Nahinto sa paglakbay ang aking isipan nang umalingawngaw ang boses ni mama sa buong sulok ng bahay. Pakamot-kamot akong bumangon saka lumabas ng silid.

Pagdating ko sa hapag kung saan naroon si mama ay napagtanto ko na kaagad na may bisitang darating. Paano ba naman kasi bukod sa doble sa rami ang nakahain ngayon, e nakalabas din ang mga babasaging plato at baso na sa tanang buhay ko ay minsan ko lang nagamit.

"Oh, Aya, bumili ka nga muna ng dalawang softdrinks kina Aling Ising," ani mama sabay dukot ng dalawang daan mula sa bulsa ng kanyang short.

Busangot kong inabot ang pera saka nagmadaling lumabas ng bahay. Patila na rin ang ulan kaya hindi na ako nagdala ng payong. Tinakbo ko ang distansiya mula sa bahay hanggang sa tindahan ni Aling Ising.

Hapong-hapo ako dahil sa ginawang pagtakbo pero tila isang kisapmatang bumalik ang aking lakas nang may namataan akong hindi pamilyar na mukha na bumibili sa tindahan ni Aling Ising.

Sinuri ko nang maigi ang lalaki at putragis, kegwapo ni koya! Mukhang may lahing Chinese dahil sa singkit na mga mata at maputi at makinis na balat. Matangkad din siya at shit na malagkit, makalaglag panga ang mga maskels.

Bilang isang marupok na babae na hindi pa nagkaka-jowa at pa-crush crush lang ay naging instant crush ko si Kuya Chinito.

Tila sinusundot nga ang aking pipi... I mean puso habang papalapit ako sa tindahan ni Aling Ising.

"Oh, Aya, ano'ng sayo?" bati ni Aling Ising sa akin.

"Uhh, 'yung tig-isang litrong Coke po, dalawa," mahinhing wika ko.

Umalis si Aling Ising para kunin ang aking binili. Habang naghihintay ay pasimple kong sinulyapan si Kuya Chinito na nakatayo, ilang pulgada lamang ang layo sa akin.

Tutok ito sa kanyang cellphone kaya nagkaroon ako ng pagkakataong mas matitigan siya nang malapitan. Pinagsawa ko ang aking sarili hanggang sa walang ano-ano'y bumaling siya ng tingin sa akin na labis kong ikinagulat.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin.

Putres! Nakakahiya! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

Gayon pa ma'y patay malisya akong naghintay kay Aling Ising na nadaganan na yata ng dalawang litro ng softdrinks na binili ko.

Random WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon