Thank U, Next! (Ricky)

45 2 1
                                    

Thank U, Next! (Ricky)

"Hala shet! Ang pogiii!"

"Takte, mas makinis pa sa akin, bes. Mukhang yayamanin!"

Para kaming mga bubuyog na nagbubulungan ng aking best friend habang pinupuntirya namin ng titig ang bago naming kaklaseng lalaki na nakaupo sa row 4.

Tanginers naman kasi itong transferee na ito! Halos wala ka nang maipintas sa pisikal na kaanyuan.

Tamang-tama lang ang tangkad, makinis at maputi ang kutis, maganda ang hugis ng mukha, makakapal ang kilay, mahahaba ang pilikmata na bagay na bagay sa bilugan nitong mga mata, tapos matangos ang ilong, tapos ang labi, jusko patawarin nawa, kaysarap laplapin!

Takte talaga! Kung naging babae lang ito, pihadong mas maganda pa ito sa akin.

Mabuti na lang talaga at hindi siya naging babae. Bakit? Duh, straight ako at bet ko ang may lawit.

"Aya, kuya mo nasa labas." Umasim ang mukha ko sa sinabi ni Puring, ang best friend kong chararat na naunahan pa akong magka-boyfriend.

Tanginers, diba?!

Bagot akong tumayo para puntahan si Kuya Aaron sa labas. At ayun, binuwiset lang ako ng ulupong. Nanghingi ito ng sampung piso pamasahe niya raw pauwi dahil naubos ang pera niya. Takte, paanong hindi mauubos e winawaldas niya sa mukhang pera niyang nobya?!

Bwiset! At nagawa pa nitong tumawa bago umalis ha. 'Langya talaga, ang hirap magkaroon ng kapatid na sintu-sinto!

Lukot tuloy ang mukha ko pagbalik ko sa aking silya. Nasira na ang araw ko. Hindi kasi talaga ako boto roon sa girlfriend ni kuya, kaso ang baluga ayun, patay na patay.

"Aya—"

"Ano?!" Nagulat si Puring nang halos masigawan ko ito. Nasita pa tuloy kami ni teacher.

"Ano?" mahinahon nang tanong ko.

"Gaga, sasabihin ko lang naman sanang kanina ka pa tinitingnan ni Ricky."

Napalingon kaagad ako sa row 4 para tingnan kung totoo ang sinasabi ng chaka kong best friend at shutanginers! Nakailang hampas ako kay Puring nang makitang totoo nga ang sinasabi nito.

OH MY GHAAAAD!!!

Nabura lahat ng pagkabwiset ko sa girlfriend ni kuya nang umalpas ang ngiti sa mga labi ni Ricky boy!

Ang pooooogi!

Nginitian niya ako! Okay, kalma, Aya! Kalma!!!

Nang magdismissal ay todo taboy ako kay Puring para masolo ko si Ricky. Ang gaga ang bagal maka-gets kaya talagang tinulak ko ito palabas ng classroom.

"Alis na, Puring! Shoo, shooo! Kitakits na lang bukas!"

Nang makaalis si Puring ay bumalik ako sa aking upuan para kunin ang aking bag. Binagalan ko talaga ang bawat galaw ko dahil ang bagal dumamoves ni Ricky.

"Hi."

Napakagat-labi ako nang sa wakas ay magsalita ito.

This is it! Shiiit!

Dahan-dahan akong humarap sa kanya saka kiming ngumiti.

"Hi," pabebeng bati ko.

"Uh, you're Aya, right?"

"Uh, oo. Hihi."

Ngumiti ito saka naglahad ng kamay.

"I'm Ricky."

"Ang pogi mo, Ricky," tahasang wika ko. "Saka wala akong boyfriend kaya kung gusto mo akong ligawan, pwedeng-pwede."

I don't care if I sounded desperate there. E desperado naman na talaga ako, e. Saka bakit pa patatagalin diba, kung doon naman ang punta?

Napakamot siya ng batok at nahihiyang ngumiti.

"You're very straightforward... I like that."

Lumawak pa ang ngiti ko.

"So, gusto mo ako?" todo-ngiting tanong ko. Wala nang hiya-hiya!

"Um, yeah? I kinda like you."

"Talaga?"

"Yeah... but..."

"But?"

"I like your brother more."

"Ha?"

"'Yung lalaking kinausap mo kanina sa labas, 'diba kuya mo 'yun?"

"H-ha? O-oo... bakit?"

Ngumiti siya nang pagkalawak-lawak. "Pakilala mo naman ako sa kanya, oh."

Tanginers!

Ang poging Ricky boy na 'to, boy din pala ang bet!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon