Yna's PoV
"Vannie..." I called her once again but she didn't mind me. She was just looking at Wanson while still raising her left brows.
"So you are... Tan," Vanessa spoke. "Would you mind if we'll visit your house? Let's just have a few drinks."
"Your friends?" Baling sa'kin ni Wanson. Nagtanong man pero ang dating pa rin sa'kin e wala siyang pakialam.
Tumango ako. Gigisahin 'to ng tanong nina Vannie for sure! Nagulat talaga ako kasi biglaan ang dating ni Vanessa. Hindi ko 'to naikkwento sa kaniya... pero mukhang alam na niya. Si Hera naman, nasabi ko na nung nakaraang linggo. Nagulat siya syempre, pero kalma pa rin.
Parang napipilitan pang napapayag si Wanson sa huli. Na-feel ko rin naman na excited na silang makita ang bahay namin ni Wanson.
Pinilit ako nina Hera na sa kotse niya sumakay. Kasi alam ko na tatanungin nila ako ng sobrang dami! Si Wanson naman ay naunang magdrive. Sumusunod lang kami sa kaniya.
"Gaga ka! Alam mo, nakakapagtampo sa totoo lang!" Binatukan ako ni Hera. Nasa likod kami habang si Hera naman ang nagmamaneho.
"Sorry na Vanie..." Ngumuso ako, "How did you know?" Hinawakan ko 'yung kamay niya. Mukhang wala pa siyang tulog at pagod pa sa biyahe e.
"Hera told me!" Pinanlakihan niya ako ng mata. "So kung hindi niya pa sa'kin sinabi, wala ka talagang balak sabihin sa'kin 'no!?"
"Naghahanap lang ako ng right time," Pag-amin ko.
"Right time, right time ka diyan! Kahit kailan, pwedeng-pwede na sabihin mo sa'kin. Kahit text or call may time naman ako diyan! My gosh," Inirapan niya ako.
"Sorry na Vannie..." Hinawakan ko ulit 'yung kamay niya pero tinapik niya 'yon.
"Tse! Pakiramdam ko tuloy hindi mo ako friend!"
Legit, kapag ito nagtampo. Parang may sinusuyo akong girlfriend na tinotoyo. Feel ko rin 'yung impression niya kay Wanson. Halatang hindi niya 'to gusto para sa'kin. Kay Hera naman okay lang, lagi naman kasi siyang go with the flow.
"We have your favorite ice cream sa bahay, para 'di na mainit ulo mo."
Her softened, "Buti pa nga, sissy."
Napangiti ako saka niyakap siya sa gilid, "Sorry na, okay? Overnight na lang tayong tatlo sa bahay, netflix?"
"Deal bessy." Sagot ni Hera sa harap.
"Paalam ka muna sa parents mo, Hera." Utos ko sa kaniya. Mahigpit kasi 'yung family niya e, tapos madalas pa siyang may argument sa kanila. Kaso hindi talaga siya palakwento sa'min. Ayaw na ayaw niyang pinaguusapan 'yun, kaya tumatahimik na lang kami ni Van.
"Baka ma-interrupt namin ang momentum niyo ni Trevor? I'd call him Trevor na lang. Since alam ko na ikaw lang dapat ang tumawag sa kaniya ng Tan." Asar sa'kin ni Van.
"I'm not calling hin Tan anymore..." Malungkot na saad ko.
"Why? Don't you like him?" Tanong ni Herania.
Tumingin lang si Van sa'kin na pinapanood ang bawat reaksyon ko.
"Wanson na lang tawag ko sa kaniya," Ngumiti ako ng mapait. "Ibang-iba na kasi siya dun sa nakilala Kong Tan dati... Well alam niyo naman, people maturity. Mas gumwapo siya, medyo naging rough nga lang ang ugali. But don't be angry with him ha? I love him now, I really do... kaya nga pinakasalan ko e."
Napahawak si Van sa noo, "May nasesense na ako, but I'm really hoping that you'll ended up being happy with him. We'll support you... pero kung nakikita naming nasasaktan ka na 'wag naman sana! Kami talaga ang gagawa ng paraan para komprontahin 'yang Trevor na 'yan! Sissy, just don't forget na nandito lang kami ni Herania, okay?"
Nakita ko rin naman ang pagtango ni Hera sa harap ng salamin. "Amelia Yna, mukhang hulog na hulog ka agad e. Rupok mo naman," Natatawang aniya sa huli.
"I'll be straight here, Yana," mukhang seryoso si Van kasi tinawag niya ang nickname ko. "Why was he marry you? I'm sorry to say this, sissy... But I don't like the way he stares at you. There's no sparks at all! Parang hindi inlove, parang walang pakialam, parang walang excitement! Makikita mo naman kasi agad 'yun kapag may nagugustuhan ang isang tao na nasa paligid niya lang, pero sa lagay niyo kanina... parang hindi mag-asawa,"
Natahimik ako ng ilang saglit, "Of course nasa campus tayo." Napaiwas pa ako ng tingin sa kaniya, kitang-kita ko kasi 'yung pagsusuri niya sa bawat reaksyon ko.
"Kahit na. Kahit sa pagtingin niya sissy sa'yo, hindi ramdam." Ganito si Van, straight to the point din siya. Parang si Kuya lang.
"Van," Hera confronted.
"No it's okay," I said. "One sided love talaga kami, ako lang 'yung nagmamahal."
Napaiwas naman sa'kin ng tingin ngayon ang dalawa.
"Why did you choose it?" Van asked after a minute.
"Because I love him,"
Nakita ko ang pag-iling ni Herania sa harap at ang pag-irap ni Vannie tabi ko.
"You're being selfish, Yana." Nasabi na lang Hera.
"Yes, I know... but Wanson had his own reason too."
Lumamlam ang mata ni Van, "Yeah, whatever."
"Bessy, p'wede naman kami sa guestroom." Hera suggestion nang dinala ko sila sa kwarto ko.
"Separate bedroom kayo ni Trevor? My gosh, pero infairness ang laki ng mansion niyo..." Umikot si Van sa kwarto ko at ibinagsak ang sarili sa malambot na kama. "Ipagluto mo na kami, na-miss ko agad ang luto mo."
"Ako rin," ngumiti si Herania sa'kin.
Nagpalit lang ako ng damit habang iniwan ang dalawa sa kwarto ko. Pinahiram ko naman ng mga damit kong bago na hindi ko naman naiisuot.
Nagluto ako ng masala chips, kachie rolls, veggie salad for Hera at Van kasi alam ko naman na diet din 'yung dalawa. Since hindi ko alam ang mga paborito ni Wanson, nakakita ako ng shrimps at squid sa ref at iniluto 'yun with coconut milk.
Ngayon ko lang siya ipagluluto ng ganito, kasi puro chicken, beef, fish at mga common breakfast lang ang inihahanda ko sa kaniya e. Pero buti naman na kahit naman ano kasi ang iluto ko sa kaniya, kinakain niya.
Habang hinihiwa ang squid sa maliliit na piraso, nakita ko naman ang pagbaba nina Herania. Halos dalawang oras na kasi ako dito sa kusina. Mga gutom na siguro. Napansin kong umupo sila sa stool.
"Where's your husband?" Agarang tanong ni Hera.
"In his room, bumababa lang kasi 'yun kapag kakain na." Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil sa reaksyon nila na parang hindi nila nagustuhan.
"What a good husband," may sarkasmo sa tono ni Van. "Is there anything you want to help with?"
"Maghintay na muna kayo, magpapatulong na lang ako kina ate Loren maghain."
Umalis sina Hera at Van para maglibot-libot sa bahay. Katulong ko naman sa pagluluto si ate Loren habang 'yung dalawa naman na maid e naghahain na sa lamesa. Nagpahanda na rin ako ng isang case ng beer.
Nang matapos ay tinawag ko na sina Van na nasa living room para kumain. Umakyat na ako para katukin ang pinto ni Wanson. Ganito lagi kami, magluluto ako tapos tatawagin ko siya para kumain na. Kapag naman kumakain na, tahimik pa rin kami.
Sobrang nawiwirduhan nga sa'min ang mga maid e kaya hangga't maari ay ako ang unang kumakausap sa kaniya. Ginagawa ko naman ang lahat para maging normal kami na mag-asawa. Ayaw ko rin na baka isumbong kami ni ate Loren sa mga parents namin na ganito kami ni Wanson.
Bumungad sa'kin ang paborito kong amoy ng pabango na galing sa kaniya. Medyo basa pa ang buhok niya. Nakasuot lang siya ng shorts at white shirt.
"Let's eat?" Hanggang ngayon ay sobrang awkward pa rin. Kailan ba matatapos ang pakiramdam na ganito?
"Okay," tamad na sinabi niya habang kasunod kong bumaba.
Nang nasa dining ay nagulat ako nang sumalubong sa'kin si kuya Axel na nasa dining na rin.
---
A/N: I'm sorry for mistakes such as: Grammatical error, misspell etc. Please correct me if I'm wrong, thank you!
BINABASA MO ANG
Wrong Dare (Girl Friends) Series #1
Novela Juvenil(UNDER REVISION) "Truth or Dare?" Her friends asked. "Dare." She said. And then when she finally do their dare. She said with a shocked on her face, "This is... Wrong Dare."