Hindi ako yung tipo ng fan na nagpapayaman sayo.
Hindi ako nakakapunta sa mga concerts mo dahil hanggang mall show lang ako.
Hindi ako nakakabili ng albums at merchs mo kasi hangngang youtube at posters lang ako.
Pero lagi mong tatandaan, sa likod nila, sa likod ng mga fans mo na nagkakagulo na kagaya ko ay head-over-heels din sayo, nandun lang ako.
Nakatayo sa dulo.
Hinihiling ko na sana kahit sa gilid ng mga mata mo ay makita mo ako. Kahit masulyapan man lang at mapansin mo.
At maisipan mo akong lapitan. Sa kabila ng pagharang nila sa daan mo papunta sakin.
Sa lakas ng sigawan nila, sana marinig mo ang puso ko habang matamis na ibinubulong ang pangalan mo.
Sana bigyan mo ako ng pagkakataong sabihin sayo na mahal na mahal kita.
Sana pilitin mong lumakad sa napakalayong distansya natin papunta sakin.
Maghihintay ako.
Pero kung hindi mo na talaga kaya, ako nalang ang lalapit sayo.
Kahit masikip, kahit maingay. Ang gusto ko lang naman ay sana malaman mo ang nararamdaman ko para sayo.
At aaminin ko, hinihiling ko rin na sana mabigyan ako ng pagkakataong mahalin mo pabalik...
...Sana.
-Alleria
![](https://img.wattpad.com/cover/16571960-288-k566395.jpg)
VOCÊ ESTÁ LENDO
A Chance (A Daniel Padilla FanFiction by Gem Martino)
Fanfic"Alleria you love me right?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nyang out of the blue. At nakatingin din sya sakin. Tumango ako at ngumiti bilang tugon na ang ibig sabihin ay 'oo' "So that means I can trust you?" diretso ang tingin nya sa mga m...