Love, Love, Love
Di ko maintindihan. Di ko maipaliwanag. Di ko magets. Dahil ang slow ko sa word na LOVE na yan. Wala ata sa Vocabulary ko iyan eh.
Paano ba naman kasi nalilito ako kung sino talaga sa kanila? Sana dalawa ang puso ko. Amfota! Feeling. Joke lang yun. Wala naman sigurong may gusto sa akin eh. Kahit yung pinakamamahal kong tao na gagawin ko ang lahat para sa kaniya. Hugot!
Nakakainis lang. Lagi na lang ako pinaglalaruan. Hindi ako toy car niyong mga lalaki. Aba. Sa ganda kong ito, ginawa pa akong basketball, pwede na din ang volleyball. Chos!
Sana volleyball na lang siya, para pag sumigaw ako ng 'MINE' sa akin lang talaga siya. Walang aagaw.
Sana ako naman ay soccer ball. Para pinag-aagawan ng mga lalaki. Sige na nga.
Pero ang impossible talaga nya makuha. Dati naman kasi, hindi siya ganun. Pero kapag lumalapit ako, feeling ko umulan ng yelo sa Pilipinas. Imposible noh?
Aaminin ko, kapag may kasama siyang babae. Nagseselos ako. Kahit alam ko naman na di nya ako girlfriend.
Hayyst. Siguro, ako na ang pinanganak na pinaka-Feeler sa buong mundo! Nagpapasalamat ako sa talent ko. Buti na lang at ito ang master ko. Sa lahat-lahat ng meron sila, wala ako. Pero syempre joke lang yun. Maganda ako! Psh.
--------------------------------------------
Sana po magustuhan niyo. Mag-UD ako pag maraming votes and comments. For me to know, if my story is nice. :) Thanks.
BINABASA MO ANG
When I'm Fifteen [ BaekYeon ]
Ficțiune adolescențicredits sa book cover: @AoiHime salamats! Landian Mode Everywhere Level 100000x Sa isang kilos ko, bigla ka na susulpot at lalandiin ako. Hindi ako baboy na pwedeng katayin. Hindi ako pusa, dahil hindi ako makati. Hindi kita mahal pero di ko mai...