Dapat talaga ay sa capital ako pupunta. Pero pagkarating ko ro'n ay wala naman si Hanz kaya hinatid ako nung mga tauhan nila sa mansyon nila kahit labag sa kalooban ko. Well, nakita nila ako sa party. Bakit pa nila ako ihahatid?
"Magbilin ka na lang sa kasambahay," sabi ng driver bago nagmamadaling umalis.
Bago ko pa mapindot ang doorbell, bumukas na agad ang double doors.
"Oh!" gulat na sabi ni Janina.
Hindi ko rin inasahang siya agad ang makikita ko rito.
Ito ang asawa ng mayor.
At ang babaeng pumatay sa sariling anak niya.
"So, what brings you here?" mataray niyang tanong.
"I'm Architect Sarr Antha Sartorius," madiin kong sabi.
"Kung iniisip mong may masama akong balak, edi isipin mo."
Ngumisi ako.
"Pero isipin mo ring kusa akong pumasok sa impyerno."
"Kapal talaga ng mukha mo!" sigaw niya.
Naka-bitch face lang ako kaya lalo siyang nainis.
"Guards! Palabasin ninyo ang mamamatay-taong ito!"
"Oh, nagkakamali ka yata," malamig kong sagot.
"Ikaw yata ang dapat palabasin dito, Janina Selrom."
Namula ang mukha niya sa galit.
Pati mga mamahalin niyang alahas ay halos manginig sa sobrang panginginig niya.
Mukhang tumanda na talaga siya.
Nagdatingan ang mga gwardiya nila at handa na nila akong hilahin palabas.
"Mom!"
Sabay kaming napalingon.
Isang lalaking naka-white v-neck shirt at maong ang bumaba ng hagdan.
Simple lang ang suot niya pero grabe pa rin ang dating niya.
"Oh God, buti dumating ka!" Halik agad ni Janina sa pisngi niya.
Ew.
"Nasa hacienda ako kanina," sabi ni Hanz.
Wow.
May hacienda na rin pala sila.
Pero bakit pa ako magtataka?
Selrom sila.
Sila ang hari-harian dito.
"Sarr..." bumaling siya saakin.
"Buti dumating ka," sabi ko kay Hanz.
"Kundi kanina pa tumba ang mga guard ninyo."
I swayed my hair.
"Kanina pa ako nagtitimpi."
Ngumisi ako kay Janina.
"Since magtatrabaho ako para sa anak mo, expect me to become a frequent guest here."
Hindi agad nakasagot si Janina.
Hinila ni Hanz ang pulsuhan ko paloob ng mansion.
Western-style ang interior nito pero halatang sobrang mahal ng mga gamit.
Namalayan ko na lang na hinihila niya ako paakyat ng hagdanang may pulang carpet.
"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko.
Pero parang wala siyang narinig.
Hanggang sa makarating kami sa isang kwartong mukhang office niya.
Black and white ang theme ng buong silid.
BINABASA MO ANG
Rock Bottom (The Women of Chaos #1)
AcciónSarr Antha Sartorius grew up believing that love was stronger than hatred. But she was wrong. Born into a world where two powerful families were trapped in a never-ending rivalry, Sarr was forced to learn that not everyone who smiles at her is on he...
