3 Times to Fall [with EXO] (Teen Fiction)

2.8K 24 7
                                    

3 Times to Fall (with EXO)

‘Exo Teen Fiction’

Introduction:

Author’s note :

 

Hi guys ^_^ Meron po akong sinulat na teen fic (di obvious? Hoho ^o^) na pinapagawa sakin ng mga pinsan at kapatid kong KPOP lover at EXO fanatic.

 

Ewan ko lang kung maganda to. Kayo nalang humusga ^ ^

Hindi ako masyado mahilig sa Kpop..pasensya na.

Mabait lang akong ate kaya ganyan hihi :”>

 

So ayun nga, umpisahan na nga natin sa intro ng mga story at ng mga bida.

 

This story is just simple and short (so malamang agad itong matatapos XD) . It has 3 sub stories of 3 different characters. So bale hindi lang ito naka focus sa dalawang lovers lang , 3 pairs sila with different scenarios.

 

Ang prologue ng story nito? Ewan kung saan napunta haha.

Pasensya sa mga typos ^_^ hehe

 

Enjoy reading…

 

*First Story*

Chapter 1

<Steff’s POV>

“Hi miss Steff”

“Ang ganda mo talaga Steff”

“Steff papicture naman!”

“Steff..”

“Steff…blah blah blah”

Yan ang mga salitang naririnig ko habang naglalakad ako dito sa hallway. Psh lagi naman, oh well sanay na ko dyan.

Sikat kasi ako dito sa school. Bakit? Kasi natural maganda ako.

Iniidolo ako ng mga tao dito. Ganyan talaga wala kayong magagawa.

“Steff!” may narinig naman akong isang babaeng naka lunok ng mega phone na tumatakbo mula sa likuran ko. Nilingon ko naman. Si Erza pala bestfriend ko. Maganda din siya pero mas maganda ako.

“yes?” with poise na tanong ko.

“tara kain na tayong lunch” naka ngiting sabi niya.

-_- Akala ko naman importante yung sasabihin niya. Makasigaw wagas! “sige” walang ganang sagot ko nalang at umiba kami ng way papuntang canteen.

3 Times to Fall (EXO Teen Fiction/Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon